"Sandali na lang bubunutin ko na!"

"Huhuhu bilisan mo! Matagal pa ba?"

"Sandali na lang matatapos na!"

"AaaaHhhmmmpppp ...."

"Konti na lang Baby D! Tiis lang!"

"Huhu.. Ang hapdi na! Baka mamaga yan!"

"Di yan ako bahala!"

"Aaaahhhh .... uhhhhhmmmpp .."

"Tapos na !" saka sya tumayo at inayos yung damit nya.

"Salamat Baby A! Ang sarap!"

*poink*

"Huhu bakit mo'ko binato?!" baklang to! Binato ako ng throw pillow!

"Ang landi mo eh! Kung maka ungol ka akala mo nag chu chu chu tayo!" irap nya sakin.

"Eh ang sakit pala magpabunot ng buhok sa kilikili eh!"

"Tanga! Mas maganda yun! Kesa shave matagal bago tumubo ulit!"

"Hihi ganun ba? Sa susunod ikaw ulit magbunot sakin ah?" mehehe! Ang sweet namin no?

"Maliligo na ko, makikipagkita pa sila Cass diba?" tanong nya habang nagla live show sa harap ko. Eeee naghubad lang naman sya!

Nangangati tuloy ang kamay kong hawakan sila Mr.Abs!

*Whistle*

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Where stories live. Discover now