That Girl

19 1 0
                                    

"Hayst, shet ang init naman dito!" Sigaw ko sa bubong namin. Malay ko ba kung sino kausap ko, sa bubong naman ako nakatingin e.

Summer na ngayon. Heto ako, nakahiga lang sa kama, kakagraduate lang sa isang impyernong, madalas tawagin na College. Tagaktak yung pawis ko, tuloy yung bed sheet ko, mukang inihian. Grabe, sobrang init, nakabukas na nga yung bentilador na yan, pati na nga yung aircon e!

Gumulong ako pababa ng kama, mababa lang naman yun eh, at pagkabagsak ko, gumapang naman ako papunta dun sa computer ko. Tamang-tama, nung malapit na ako sa unit, bigla namang pumasok yung ate ko sa kwarto. Napatigil ako, tas nagtitigan lang kami dun. Mga bentesix na segundo siguro.

"Shunga mo talaga Jules, magaaircon ka, eh nakabukas yung bintana!" At pagkatapos nun, may binato siya sakin na hardbound na libro, at tumama pa sa ano ko. Sa pwet, wag kayong gm. "Baliw ka talaga ano! Pakyu mga singkwenty!" Sinarado niya yung pinto, "Mas baliw ka no! Gapang pa more! Kaya wala kang syota eh!"

Pinabayaan ko na lang yung mongoloid na yun. Totoo naman eh, awts. Tumayo na ako sa pagkakadapa ko sa sahig, di kona tinuloy yung pagiging munting uod ko. Binato ko yung bwisit na libro sa kama ko na mukang inihian, tas sinara ko yung mga bintana. Epal naman kasi yung katulong namin, may kaechosan pa kasi na ganitong ginagawa. Palayasin ko pa yun eh. Badtrip.

Dumeretso na ako sa computer ko, tas in-on ko yun.
Nagpunta agad ako sa Moogle Chrome at tinype ko ang facebook.com

Email ad- julesbenteuno@chuchu.com
Password- pogiako0609

Pagka log-in ko, syempre chinat ko agad yung pare ko na si Omar.

-Pre, dota tau.

--Busy ako pre, date dw kami ni gf.

- ./.
*seen

Nakakainis to. Oo na, ako na walang love life. -_-
May iniintay lang naman ako eh, dati pa. Wala namang masama sa pag-iintay eh. Ayt. Yan tuloy napa hugot ako. Napatingin ako sa Notifications ko. Siguro like nanaman to sa pogi kong dp. Isang message lang pala sa luma naming group chat nung 3rd Year Highschool pa ako.

Haime De La Cruz: Kamusta na kayo? Miss niyo ba aq, aking mga anak? :* Nagaaya pla yung iba ng reunion sa QC. Aq bahala sa gastos, mabait aq eh. Mga 4 o 5 dpat nasa Da Kopi Shop, QC na kayo ah, dis sat. Thx.

Naks naman. Reunion. At yung maloko pa naming adviser ang gagastos. Pwede, pwede. Hahahaha. Sige, makapunta nga dun.

Dahil walang kwenta naman yang si Omar, nagstalk nalang ako ng kung sino sino. Syempre inuna ko siya. Aba, pagkatingin ko ba naman sa profile nung gago, puro post nung muka nila nung syota niya. Puro make-up naman tong chicklet niya. Kaumay yung muka.

Kung sino-sino na lang yung pinagiistalk ko. Mga random na pangalan, ganun. Okaya naman yung mga chickababes na magaganda sa instagram. Hahaha. Pero, bigla nalang may tumatak na pangalan sa utak ko, agad ko namang itinype. Annika Iryez

Sino siya? Siya lang naman yung babaeng kinababaliwan ko nung high school pa ako. Ang babaeng unang minahal ko. Feeling ko naman may gusto rin saaken eh. Pero nung balak ko nang ligawan,

"Jules, bawal pa ako. Intay ka muna, okay lang ba?" ang mga salitang sinagot niya saaken. Ako naman tong tanga, na hanggang ngayon, nagiintay parin.

Nagtagal ako dun sa profile niya. Maganda parin siya, walang nagbago. Pero baka kinalimutan na niya ako. Pwe. Ang drama ko XD
Dun rin ako napaisip. Para malaman kung kilala parin ako ni Annika, talagang pupunta nga ako dun sa reunion na yun.

That Girl (ONE SHOT)Where stories live. Discover now