Secret # 3

4 1 0
                                    

Brrrrrnggg.
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pinatay ko ito at tiningnan kung anong oras na. Saktong 4am pa pala, di pa din ako nabangon.
Inaantok pa ako huhuhuhu.

Dahil kelangan ko ng magayos, bumangon na ako at ginawa ang aking morning ritual. Pagkatapos kong isuot ang uniform ko at gawin ang final touches, bumaba na ako.

Nakahanda na ang pagkain at umupo na ako sa kainan.

"Manang, salamat po sa pagkain."
pagpapasalamat ko kay manang.
"Nako, wala iyon. Sige kumain ka na baka malate ka pa."
Ganyan lagi kami ni manang hahaha. Magpapasalamat ako tapos maglilinis lang sya. Masaya ako kasi sobrang bait ni manang.

Pagkatapos kong kumain, nagtoothbrush na ako at nagayos. Kinuha ko na yung bag ko pati cellphone. Muntik ko nang makalimutan sabay nga pala kami ni Hanna. Dahil tapos na ako at wala pa din sya, ako nalang ang nagintay sa kanya. Pumunta muna ako sa may sala at naglibang. Maaga pa naman kaya okay lang.

5 mins. ang lumipas nakarinig ako ng katok sa pintuan namin.
"Si Hanna na yan, panigurado" sabi ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ito at tama nga ako si hanna nga. 5 na sya nakadating sa bahay. Kinuha ko yung bag ko at umalis na kami, nagpaalam na din ako kay manang.

Habang naglalakad kami, nagsalita si Hanna upang simulan ang usapan.
"Alex, may assignment ba tayo?"
"Hmm, wala naman."
"Buti nalang, si Karl lang ang iisipin ko."
Ugh, karl na naman ng karl tong babaeng to. Napatawa nalang ako sa kanya. Di ko napansin nandito na pala kami sa school. Pumasok na kami at pumunta sa room.

*1st bell
Magsisimula na ang klase kaya umayos na ang mga kaklase ko. Nagbalikan na ang mga iba sa upuan, yung iba naman tinagi na ang kanilang mga cellphone at earphones. Hanga talaga ako sa kanila na nailalabas nila yan dito sa school. Ang nagagawa ko lang kasi dito ay daldalin si hanna.

Pumasok na yung adviser namin. Nagsitayo ang lahat.
"Good Morning miss"
"Good Morning, please take your seats." sabi ni miss.
Inorient nya kami sa subject nya dito at iba pa.
"Okay guys, to start this quarter, we're going to arrange your seats"
pagkasabi nun ni miss, nagreklamuhan ang mga kaklase ko at kasali na ako dun pero mahina lang.

Nagsitayuan ang lahat at pumunta sa likod kasama na ang mga gamit namin. By three's ang arrangement, tapos 3 rows.

"Ms. Pansino, Mr. Villegas at Ms. Dela cruz, dun kayo sa 1st row, 3rd set of chairs." tinawag na pala ako, sayang di ko ka-row si Hanna.

Sino naman tong mga katabi ko, tiningnan ko sila ng patago at ang katabi kong lalaki ay yung Joe na nagfriend request at yung isang babae na maganda kaso di ko pa sya kilala. Nako panigurado o.p ako dito, parang magkakilala na tong dalawang to e. Dahil kelangan ko ng friends, ako na nagsimula magsalita para mawala ang awkwardness.

"Hi, ako nga pala si Alex." sabi ko kay Joe ng mahina.
"Hi." cold na sabi sakin ni Joe.
Okay okay, napahiya naman ako dun. Nag hi nalang ako dun sa babaeng ka-row namin.
"Hii, ako nga pala si Alex. Let's be friends." in a friendly tone kong sinabi sa kanya.
"Ohh, hii ako si Chelsea. Nice to meet you." sabi nya sakin, napangiti naman ako.

Nagsimula na ang tunay na klase.
Yung dalawa kong katabi usap ng usap, nakakao.p naman dito.

30 mins. nakalipas nagring na ang bell. Yes sa wakas! Makakaalis na din ako dito sa atmosphere na to.

Pumunta agad ako kay Hanna at umalis na kami at pumunta ng canteen.
---------------------------------------------
Hii guysss. Thank youuu for noticing this story nakapagupdate naman ako ng maaga. Yeyy!

Comment kayo guys for suggestion kung sinong gusto nyong maging Joe in this story. Also, complains and reactions para maayos ko.

Medyo mabilis ang reads thank you. Follow me po salamat. New lang po kasi ako dito e kaya medyo beginner pa.

THANK YOU! 👍🏻👌🏻

It's New Year's eve tom. Yeyyyy!

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon