Secret # 2

8 1 0
                                    

Nung narinig ko si mommy na sumigaw. Dali dali akong tumingin sa kung saan sya natingin.

Haysssss. Enebe yan. Nakakainis naman e. Nakita ko nakaluhod si manang habang pinupulot yung nabasag nyang glass na display. Ito naman kasing si mommy masyadong 'oa' e, yan tuloy akala ko kung anung nangyari.

"Anu ba yan ma, akala ko kung ano ng nangyari e!" sabi ko kay mommy.
Napailing nalang si mommy kay manang at hindi na nakapagsalita kaya nagwalk out nalang sya siguro itutuloy ang pagkain nya.

"Manang, linisin mo nalang yan at magiingat ka ha. Ako nalang bibili ng bagong pamalit dyan para di na magalit si mommy" sabi ko kay manang.
"Sige po mam, sorry po talaga. Nadulas po kasi sa kamay ko nung nililinis ko." pagpaliwanag naman sakin ni manang.
"Sige okay lang yon, tutuloy ko na muna pagkain ko at kumain ka na din pagkatapos mo dyang maglinis" sabi ko.
Tumango nalang si manang at nagpasalamat. Tinuloy na nya ang paglinis. Umalis na ako dun at bumalik sa may kainan.

Tama nga ako itinuloy lang ni mommy pagkain nya. Napabuntong hininga nalang ako sa nangyari. Oo alam ko di ito kabigdeal big deal pero wag kayo sa nanay ko big deal yon. E kasi naman ang nabasag ni manang ay yung kinokolekta ni mommy kaya medyo nagalit siguro. Mamahalin din kasi yon at yung iba galing ibang bansa. Buti nalang yung nabasag ni manang local lang pero pinapahalagahan pa din yun ni monmy, ewan ko nga kung bakit yun ang nagustuhan nyang kolektahin.

Tinuloy ko na ang pagkain ko at pinaliwanag kay mommy kung anung nangyari. Sinabi ko din na hahanap nalang ako ng pamalit don.

Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa sala para manuod ng tv.

"Anak, tutulog na ako. Sabihin mo kay manang sorry nadala lang ako kasi pagod. Matulog ka na din pagkatapos mo dyan, wag kang magpupuyat may pasok ka pa bukas" pagpapaalam sakin ni mommy.
"Osige ma, pahinga ka po." sagot ko.

Tumaas na si mommy sa kwarto niya at ako'y nanunood nalang ng tv. Umabot ako hanggang 9:30 sa sala.
Nung nakita kong dumaan si manang, sinabi ko sa kanya ang pinapasabi ni mommy.
"Nako mam, okay lang po yon. Ako nga po ang may kasalanan e. Sige po, asa kwarto ko lang po ako kung kelangan nyu ako." yan ang sinabi ni manang.

Kinuha ko yung cellphone ko sa kwarto ko at bumaba na uli sa sala at may nakita akong friend request galing sa kaklase ko yata. Syempre inaccept ko yon. Ang pangalan nya ay Joe. Hmm istalk ko nga. Hahahaha jk di ko na sya iistalk kasi masama yon.

Pinatay ko na yung tv dahil wala na namang mapapanuod na maganda. Pinatay ko na din yung electric fan pati ilaw sa may sala. ( Isa kang kriminal, dami mong pinatay sa isang araw!) Che! Wag kang umepal dito author.

Pagkatapos kong magayos sa sala, umakyat na din ako sa kwarto ko. Naglinis na ako ng katawan at nagpagpag ng kama. Pagkatapos kong magpagpag humiga na ako.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko at nakita ko na may nagtext. Binuksan ko at si hanna pala.

From: Hannabelsss
Alexxxx!

Pagkabasa ko nun sinagot ko sya.

To: Hannabelsss
Owww?
Sent!
Nagreply naman kaagad sya.

From: Hannabelsss
Putek ang pogi talaga niya, yung kaklase natin. Si karl huhuhuhu.

To: Hannabelsss
Hay nako! Yan ka na naman sino ba yang karl na yan. Tama na nga, matulog ka nalang.

From: Hannabelsss
Eeeh di nga ako makatulog! Basta ang pogi nya. Alam mo ba Karl Trinidad ang buo nyang pangalan tapos 5'6 ang height nya, ang pangalan ng parents nya ay si Rosita at Lito. Yung Dad nya nasa abroad at yung mom nya may business. May sarili rin syang condo. Yan palang alam ko sa kanya hahahahaha.

Nung binasa ko yung huling text nya, nagulat ako. San nya naman nakuha tong mga to na tungkol kay karl. Grabe sya inlababo na nga yata kay karl. Crush kasi ni hanna si karl, love at first sight kumbaga. Di ko na sya pinakelaman nung sinabi nya sakin kasi naman pogi naman talaga pero wala akong balak na agawin sa kanya yon no!

Nireplayan ko nalang sya sa text nya.

To: Hannabelsss
Grabe ka ha! Tumulog ka na nga tutulog na din ako, inaantok na ako e.

Nagreply agad sya sakin.

From: Hannabelsss
Ay, genun iiwan mo ko! Haha jk sige na nga tulog ka na. Sabay tayong pumasok bukas ha, iintayin kita sa labas ng bahay nyo. Text text nalang. See you tom. Labyuuu mwaa.

To: Hannabelsss
Sige. Labyuu dinnnn.

Don na natapos ang convo namin. Well si hanna kaibigan ko since elementary kaya talagang close na kami. Magkatabi nga lang din bahay namin, walking distance lang kasi magkaibigan ang parents namin. Mahal na mahal ko yon kahit luka luka yon hahaha.

Tumulog na ako kasi maaga pa bukas.

----------------------------------------------
Hi guys! Nakapagupdate ako ng maaga kasi wala namang gagawin.
Thank you guys. Hopefully may nakakakita naman pero wala pang nagbabasa. Huhuhuhuhuhuhu.

Comment kayo guys thank you :))

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon