After isang oras siguro ay saka kami bumalik ni Juno sa labaratory at tapos na ang pagpo-proseso para malipat ang source codes ng tatlong robots pa.
"Gisingin mo na sila, Juno. Alisin mo na yung mga kable then, ako naman ay aayusin ko itong computer para maumpisahan na natin ang pag-kumpleto sa apat na yan."
Naupo ako sa tapat ng computer pero hindi ko pa inaalis ang paningin ko sa mga robots ko.
"Teka, paano ba ino-on ang bagong gawang robots? I have no idea, Baby!"
Natawa ako sa itinawag sa akin ni Juno.
"Baby ka na naman dyan. Ikaw kaya itong baby ko. Panganay kita, ah!"
"Wahaha! Basta, ako ang original! Teka, help me here! Ang hirap! Nalilito ako!"
Napailing ako at tumayo para lapitan at tulungan ang pilyo kong LJK Robot.
Sa pagbilang ko ng tatlo ay na-i-on na namin ang JYH Robot.
"Owki-dowki. What is next?"
Tanong ni Juno nang umilaw ang hikaw ng JYH Robot.
Palatandaan kasi yun na naka-on ang isang robot ko kaya lahat sila ay may mga hikaw.
"Check muna natin ito bago natin i-on yung natitirang tatlo."
"Sige."
Isa...
Dalawa...
"Ano ang tinitingin-tingin mo dyan?"
ASDFGHJKL
Bakit parang ang sungit nitong isang ito?!
Hindi masungit si Yonghwa, ah??!
"Teka, sabi mo ay humble yung Jung Yong Hwa? Bakit itong JYH Robot parang..."
"Juno buksan mo yung tatlo!"
Aaaaaah!!!
Ano nangyayare?!
Bakit may problema kay JYH Robot?!
Mahirap pa naman isipin ang gagawin para ma-reset siya!
Hindi ko ni-reset si Juno dahil nag-e-enjoy ako sa kakulitan niya pero itong JYH Robot?!
Duh??!!
I cannot imagine na masungit si Jung Yong Hwa!!!
"Owki-dowki!"
Sabi ni Juno, 'code' namin yun kapag okay na ang lahat.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
"HI!!!"
Sigaw nung Lee Jung Shin Robot, hindi na ako nagtaka na ganun ka-hyper ang isang yun.
Owki-dowki si LJS Robot.
"Where am I? Sino ka?"
Mahinhin at ingliserong Kang Min Hyuk Robot.
Puwede na.
"Waaaaah!!!! Ipiiiiiis!!!!!"
Tili naman nung Lee Jong Hyun Robot ko...
Ah...
Nasaan ang ipis?
"Wala namang ipis, Tsong!"
Sabi ni Juno kay LJH Robot.
"Takot ba sa bugs si Lee Jong Hyun?"
Tanong naman niya sa akin.
"Si Yong Hwa ang mas takot sa ganun base sa mga na-researched ko."
Napabuntong hininga ako at inutusan ko si Juno na ayusin yung apat.
Bumalik ako sa tapat ng computer ko at napamura ako sa nabasa ko sa screen.
<<VIRUS DETECTED!>>
YOU ARE READING
CNBLUE Robots
Science FictionIsang big fan ng CNBLUE si LJ at mahilig din siya sa robots, kaya naman gamit ang talento niya ay nakagawa siya ng apat na robots. Apat na robots na kamukhang-kamukha ng kanyang mga idolo pero nagkaproblema sa pag-uugali ng mga ito. Paano niya maita...
