Code 001 (Intro)

76 4 0
                                        

Hay naku, kanina pa ako naduduling dito sa loob ng labaratory ko!

Paano ba naman, habang inaayos ko ang Source Code ng ginagawa kong robot ay nanonood rin ako ng Music Video!

I'm watching the MV ng LOVE Girl ng CNBLUE!

Hahahaha!

Walang katapusang CNBLUE!

Addicted na talaga ako sa kanila ever since they debuted!

Kung itatanong ninyo kung sino ang peg kong boyfriend?

Walang iba kung hindi ang baliw nilang Leader si Jung Yong Hwa!

Second si Kang Min Hyuk, my baby!

Wahahaha!!

Pero pwede rin naman ako kay Lee Jung Shin, super duper gwapo rin siya!

Kinilig kaya ako noong nagconcert sila dito sa Manila!

Aigoo!!!

Once in a Blue Moon kung makakita ka ng kasing guwapo niya! Si Lee Jong Hyun?

Nyahahaha!!!

Nagpapa-pansin siya pero dinedema tu da maks ko lang siya!

Nakakabuwang si Papa JH pero ayaw ko magpakagat sa vampire na yun!

Oh, by the way nga pala sa highway!

Ako si LJ Nam, twenty years old at addicted sa robots!

Mayroon akong isang robot ngayon, si Juno at kamukha siya ni Lee Jun Ki. 

Kung hindi niyo kilala si LJK, hindi ko kasalanan!

At kasalakuyan akong nag-aayos ng source codes para sa mga bagong robots na ginawa ko.

Nakagawa ako ng not-so-perfect Lee Jun Ki Robot kaya alam kong makakagawa ako ng CNBLUE Robots! 

Haha!

Sana lang ay perfect sila!

"Eli-el-el! I'm here!!!"

Biglang pumasok sa lab si Juno, yung LJK Robot ko na super duper cute-let!

"You need mah help?"

Tanong niya, ipinatawag ko talaga siya.

"Buksan mo na yung capsule ng JYH Robot."

Utos ko habang nagta-type pa rin ako ng codes.

"Make sure na hindi siya magagasgasan, kung hindi ay i-o-off kitang mokong ka."

Mabilis siyang kumilos at dahil robot din siya ay isang kamay lang ang kinailangan niyang gamitin para buhatin ang JYH Robot palabas ng capsule.

Ano yung capsule na sinasabi ko?

Kung nanonood kayo ng Science Fiction Movies ay alam ninyo yung pinaglalagyan ng mga tao sa umpisa ng Prometheus.

Kung hindi kayo nanonood ng ganoon, hindi ko rin kasalanan!

Hahahahaha!!!

"Ano ang gagawin ko sa kanya? Dadamitan ko na ba? Nakahubad pa, eh!"

Sus naman, Juno!

Parang may makikita ako sa robot na yan?

"Suotan mo na lang ng robe. Then, itayo mo siya diyan sa flatform na bilog. Ilalagay ko na itong card sa kanya para mapagana ko na siya."

Tumayo ako at tumungo sa pintuan ng lab, gusto ko muna lumabas at pumunta sa kusina.

"Isang source code lang ginawa mo?"

Tanong ni Juno habang inaayos niya ang JYH Robot.

"Hindi. Yung apat na source codes ang ginawa ko para sa kanilang apat. Ilalagay ko mamaya yung kay JYH para mapagalaw na siya. Kakain lang ako ng miryenda."

Thirty minutes din siguro akong kumakain ng biscuits sa kusina nang biglang tumili si Juno.

"El-jeeeeeeeeeeeeeeyyyyyyyyy!!!"

CNBLUE RobotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon