CHAPTER 35: Miscarriage

Start from the beginning
                                    

"S-Sige po."

Sinunod ko ang sinabi ni Doc, nagpa-ultrasound ako. The resident doctor told me na makukuha ko ang results within 20 to 30 minutes, if gusto ko raw munang mag-lunch then I can go ahead. Tutal gutom na rin talaga ko, lumabas muna ko para kumain. Pagkalabas ko ay may natanaw ako, papalapit siya sa'kin habang nakangiti.

"Lenard," nakangiti kong bati sa kanya.

Matagal na kong walang balita sa kanya. Hindi rin naman masyadong nagkwekwento si Rod tungkol sa kanya. Ang alam ko lang he's busy with another project dito sa Pinas. Hindi ko na din siya nakita after ng CamSur trip namin. Sobra kasing daming nangyari saka ang tagal ko ring nawala tapos naging busy pa ko sa trabaho.

"Long time no see Chloe ah," nakangiti rin niyang tugon.

"Oo nga, eh. Bakit ka andito?"

"May dinaanan lang ako tapos nakita kita. Hmm...nag-lunch ka na?"

"Kakain nga sana ko."

"I was about to eat too. Would you mindi if I join you? My treat?"

Pumunta kami sa pinakamalapit na fastfood. Medyo konti lang ang kumakain since vicinity pa rin naman ng hospital 'to. Ang daming pagkain sa harap ko pero nawawalan ako ng ganang kumain.

"Hindi mo ba gusto 'yung mga pagkain?"

"Gusto ko."

Napilitan na rin akong kumain dahil nakakahiya naman sa kanya kung hindi ko kakainin ang mga ito.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Andito ba si Kuya?"

"Uhh wala. May dinaanan lang ako."

"Kumusta kayo ni Kuya? Right after everything that happened in...CamSur. Are you still together?"

Napangiti ako. "Of course we're still together."

"How long will you stay a martyr?"

"What do you mean?"

"Nang nalaman kong Vanessa and my Kuya kissed," I clenched my fist, "I immediately stop every connections I have with Vanessa. I've been single and waiting for years, but if I'll end up sa kagaya niya lang, I don't think my waiting game is worthy."

Hindi ako nakapagsalita. He has a point.

"Tama ako 'di ba?" he asked me.

"Yeah. You have a point. But our case is different. Kayo ni Vanessa, you're just on the stage of getting to know each other. Kami ni Rod, we're already married."

He smirked. "Married. Funny."

"What's funny?"

Tumingin siya sa'kin. "Nakakaawa ka."

"Come on, Lenard. Hindi kita maintindihan."

"All this time naniniwala kang kasal kayo ni Kuya?"

Lalo akong nalito. He's getting on my nerves. "Anong ibig mong sabihin? Diretsuhin mo nga ako!"

Tumingin siya sa'kin, hindi ko alam pero kinakabahan talaga ko. "Your marriage isn't legal." Napalunok ako at sunod sunod na huminga ng malalim. Pinilit kong ngumiti. "Lenard, w-wag k-ka ngang m-magbiro ng ganyan."

Hindi siya nagsalita pero sa puntong ito para nang papatak ang luha ko. Kahit pa pinipilit ko ang sarili kong isipin na nagbibiro lang si Lenard, sinasabi ng puso ko na totoo lahat ng sinabi niya.

"Walang dahilan para magbiro ako ng tungkol dun, Chloe."

Napatungo ako at napapikit at hindi tumitigil sa panginginig ang kamay ko.

"Ayoko nang nakikita kang ganyan, Chloe. Ako 'yung nasasaktan kapag paulit-ulit kang sinasaktan ng Kuya ko. I don't want you to live in lie. Chloe, you have all the rights to know this. At kung hindi kayang sabihin ni Kuya ang totoo, ako ang magsasabi ng lahat sa'yo."

Napamulat ako pero nanatili akong nakayuko. Sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay buong katawan ko na ang nanginginig.

"Peke ang kasal niyo ni Kuya, Chloe."

"Tama na..." Iyon lang ang nakuhang sambitin ng labi ko kahit napakadami kong gustong sabihin.

"Hindi ako pwedeng tumigil Chloe. I can't just sit here and pretend that nothing's happening and that I don't know anything. It's true, peke ang kasal niyo ni Kuya. Noong una, may plano siyang sabihin sa'yo lahat ng totoo at pakasalan ka niya ulit. Pero nang matapos ang kasal niyo at two months kayong nagkahiwalay ayun 'yung panahong inalagaan siya ni Vanessa. At noong mga panahon ding 'yon, muling nahulog si Kuya kay Vanessa."

"Tama na, Lenard. Itigil mo na 'yan." Nanatili akong mahinahon pero para na kong nilalamon ng mga hikbi ko.

"Makinig ka Chloe, my Kuya is betraying you for a long time already. Hindi tumigil ang communication ni Vanessa at Kuya. They're having an affair."

Para akong pauli-ulit na sinasaksak at pinapatay ng mga salita niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko, napahawak ako sa mantle ng lamesa at pinipigilan ang isang malakas na iyak.

"Hindi ka mahal ni Kuya, Chloe."

"TAMA NA!" Napakalakas ng boses ko at sa tingin ko ay napatingin sa'min lahat ng taong nasa loob, pero wala akong pakialam.

Tinignan ko diretso sa mata si Lenard. "Tama na, Lenard. 'Wag mo na kaming sirain, dahil sirang-sira na kami. Pinipilit na lang namin ayusin 'to, ginagawan namin ng paraan para mabuo ulit kami. Pero kahit ganito ang nangyayari, mahal ako ni Rod. Mahal niya ko. Sigurado ako dun."

"Hindi ka niya mahal, Chloe."

"MAHAL NIYA KO! MAHAL AKO NG KAPATID MO! SINUNGALING KA!"

"Si Vanessa ang mahal niya!"

Tuluyan na kong lumabas ng restaurant para na rin mawala ang eskandalo sa loob. Dumiretso ako sa parking at sumakay sa kotse ko. Hindi ko na nagawang balikan ang result. Kailangan kong puntahan ngayon si Rod sa office niya to confirm everything. Kahit na niloko niya ko, mas may tiwala ako sa kanya at sa pagmamahal niya sa'kin.

MIR 2: My Sweetest Downfall [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Where stories live. Discover now