Special Chapter - A'ishah's POV

Start from the beginning
                                    

"At kinakampihan mo pa yang babaeng muntik ng pumatay sa anak mo?! Anong klase kang ina?!" sabi neto at nasaktan naman ako. "At ikaw! Masaya ka na ba sa sinapit ng apo ko ha?! Kung hindi dahil sayo, hindi nakaratay ngayon ang apo ko doon! Lapastangan! Imoral! Walang konsensya!" sigaw pa nito at hindi ko na napigilan, umiyak pa ako lalo.

"Ma! Just stop this nonsense! Hindi din ginusto ni A'ishah ang nangyari and we almost lost her too! Wag mo syang sisihin dahil aksidente iyon! At wag naman tayong mag-away dito. Alalahanin naman natin ang lagay ni Chad!" frustrated na sigaw ni Tito kaya natahimik ang lahat.

Inutusan ni Ate Cza sila Taisha na ibalik nalang muna ako sa kwarto ko para makapagpahinga ako. Hindi ako pumayag ng una dahil sa inaalala ko pa din ang lagay ni Chad pero sabi ni Tita, agad din nila akong papupuntahin doon kapag alam na nila ang totoong state ni Chad. Nag-sorry din ito sa ginawa sakin ng lola nila at tinanggap ko naman iyon. Inexplain nya sakin na paboritong apo nya kasi ito kaya naman ganun na lamang ito maka-react.

Pagdating sa kwarto ay hindi pa din ako iniiwan nila Taisha. But I told them that I want to be alone at naintindihan naman nila iyon kaya umalis sila. Iyak lang ako ng iyak. How did everything turned to this? Bakit si Chad pa? Pwede namang ako nalang e.


Nakatulog nalang ako sa kaiiyak ko at kinabukasan, nagising nalang ako dahil sa ginising ako nila Taisha at sinasbing pinapapunta na ako doon ni Tita Marian. Dinala nila ako doon at Sinalubong naman ako ni Tita Marian.

"Tita, a-anong pong lagay ni Chad?" nanginginig kong tanong.

Her eyes saddened at may tumulong luha sa mata nya, agad din naman nyang pinunasan iyon. "The doctor said that Chad.. he's.. he's in state of coma."

Parang nabasag ang puso ko sa sinabe ni Tita.

Hindi ako makahinga.

"Although magagawan ng paraan, masyado daw matindi ang mga injuries na nakuha nya lalo na sa binti." Mangiyak-ngiyak na kong nakinig kay Tita. Kasalanan ko 'to e.

"Come, pwede mo na syang bistahin. Hahayaan ka muna naming makasama sya." sabi nya at itunulak nya ang wheel chair ko papasok sa room ni Chad. Nagpasalamat naman ako kay Tita. Tumango naman sya at saka ko iniwan sa loob.

Agad na tumulo ang mga luha ko ng makita ko si Chad. Ang dami dami nyang sugat at nakabondage ang ulo nya, kamay at mga paa. It really broke my heart to see him in this state. Pero ang pinaka nasa isip ko ngayon ay sana, sana gumising na sya.

"Chad, magpagaling ka ha? Please. Please, kayanin mo. Wag mo muna akong iiwan ha? Hindi ko kaya e. Hindi ko kakayanin. Kaya please, please magpagaling ka. Please, gumising ka na. Ayokong makitang nasa ganitong lagay ka. Ang sakit sakit kasi. Hindi ko kaya. Kaya please, gumising ka na."

Hindi pa ako ganung nagtatagal sa kwarto nya ay biglang pumasok ang Lola nya at tiningnan ako ng masama. Ngunit kahit na galit sya sakin at hindi ko din sya gusto, nagbigay galang pa din ako.

"Nagpapaamo ka pa? Matapos mong ipahamak ang apo ko nagpapakita ka pa? Ang kapal naman talaga ng mukha mo!" galit na sigaw nito sakin. Gusto kong sumagot. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero kahit na gusto ko hindi ko gagawin.

Ayoko ng gulo.

"Hinding hindi ko kakalimutan ang pangyayaring ito tandaan mo yan. Hinding hindi ko din papayagan na mapunta ang apo ko sa babaeng ilalagay sya sa kapahamakan." Matigas na sabi nito at mas lalong wala akong naisagot.

Matapos nyang magsalita may isang babaeng pumasok sa kwarto. And from her looks alam kong galling din sya sa isang pamilya mula sa high society. Ipinakilala sakin ito ng lola ni Chad. Christine ang pangalan nito at ito ang fiancée na nakatakda para kay Chad.

Brat Girl Meets Bad BoyWhere stories live. Discover now