Nakacheck in na kami dito kagabi pa. Pagkatapos kasi naming kunin yung gown, pinaderetso ako nila Daddy dito.

"Birthday girl, gising na!" Sabi nila at nilapitan ako.

Umungol ako ng bahagya bago humarap sakanila.

"Happy birthday!" Sabay sabay nilang bati sakin kaya napangiti ako.

"Thanks."

Umupo si Ley at Anne sa gilid ko at hinawi ni Ley ang buhok ko.

"Ate Mich, kain muna tayo? Tas swimming. Mamayang 6 pa naman start ng party mo diba? 10 pa lang oh." Aya niya saakin.

Tumango naman ako. "Sige. Wait lang maghihilamos muna ko."

Lumabas na kami sa kwarto at pumasok naman ako sa CR. Sila naman sa sala. Alanganamang sumunod pa sila dito sakin? Malamig sa buong room. Si Vanessa at Lexis ang kasama ko dito. Pero mukhang maaga silang nagising.

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako habang suot ang GAP na jacket ni Blake. Remember this?

"Si Ley?" Narinig ko ang boses ni Jules.

Yup, kasama siya sa mga nagcheck in. Tutal close na sila nila Francis, doon siya natulog sa room ng boys. Dinaig pa si Blake eh no? Bestfriend daw siya e.

"Naghilamos lang." Rinig kong sagot ni Vanessa.

Tuluyan na kong nakalabas at nakarating na ako sa sala. Si Jules lang pala ang dumating.

"Happy birthday, leley!" Bati niya sakin at niyakap ako.

"Salamat." Ngiti ko sakaniya.

"Binati ka na ng baby mo?"

Nagkibit balikat ako at kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket ko. May iilang text doon from my college friends. Idagdag mo na sila Kinah. Bumabati. Si Blake din meron kaya agad kong binasa iyon.

From: Baby ❤

- Goodmorning, my one and only! Happy 18th! ;) I love you always remember that. Pinapasabi din nila Mom na happy birthday. We'll see you later, beautiful! :* hindi pwedeng mawala ang gwapo mong boyfriend.

Napatawa na lang ako at nireplyan siya.

"Binati na nga. Nakangiting tanga na e."

Sinamaan ko naman ng tingin si Jules ng sinabi niya iyon. Ambuset!

"Peace. Hahaha! Tara na. Kumain kana, prinsesa." Sabi niya at inakbayan ako.

Siniko ko na lang siya pero tawa lang ang ipinalit niya saakin. Nakasunod naman sakin ang mga pinsan ko.

"Nakakapagselos ate ah?" Sabi sakin ni Nad at ngumuso.

Tumawa naman ako. "Gusto mo ba ikaw? Osige." Sabi ko at tinanggal ang akbay ni Jules sakin at nilahad kay Nad ang bakanteng braso ni Jules. "Ikaw na."

Namula naman si Nad at binatukan naman ako ni Jules.

"Aray ah!"

"Para kang baliw. Tss, tara na nga." Inis niyang sabi at hinila na ako. Hinila ko din naman si Nad at ayun, para kaming tren na magkaka-konekta.

Bumaba na kami sa kainan dito sa hotel nila Tito at kumain na.

"Asan sila Kuya?" Tanong ko sakanila.

"Nasa swimming area na. Kasama si Ate Kait pati si Lexis." Sagot ni Vanessa.

Tumango naman ako at tumayo. Tapos na din ako e.

"Tara na?"

Nagsitayuan na sila at umakyat na kami sa swimming area. Pagbukas ng elevator ay naglakad na kami at tinulak naman ni Jules ang pinto at pinapasok kami.

Campus QueenWhere stories live. Discover now