Kumuha ako nang V-Cut, Piatos, Okaji, Tempura, Mobi, Pic-A tsaka Pringles. Okay na siguro toh'.
Nilagay ko na sa basket lahat.
Nakita ko naman si Travis na may dala dalang Pancit canton.
"Okay na?" Tiningnan ko yung basket namin. Hindi naman siguro'to masho-short.
Binuhat ni Travis yung basket at pumila na kami sa Counter.
"Anong papanoorin natin?" Tanong ni Travis sa akin. Hindi pa ako sumasagot pero ngumisi agad sya. Alam ko na nasa isip nito.
"Wag ka nang bastos dyan Travis!" Pinalo ko sya nang mahina sa Braso.
"Oh, Bakit? Wala pa akong sinasabi ha! Masyado kang Green!" Napalakas yung sabi nya kaya may ibang napatingin sa amin.
"Aish." Namumulang yumuko ako. Ito namang si Travis, Dahil dakila sa kanya ang makapal ang mukha. Sumipol sipol lang sya na para bang wala syang sinabi.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang makalabas na kami sa 7 eleven, Pa'no ba naman pinaguusapan na kami dun. Kesyo Kababae ko daw na tao tapos ang bastos daw nang nasa isip ko. Seriously? Judgemental nga naman!
"Ako na mag da-drive." sabi ko habang nilalagay namin yung mga pinamili namin sa Compartment.
"No, Ako na."
"I insist."
"Ayris, Wag nang makulit! Ako na." Sabi nya at wala na akong nagawa nang pumasok na sya at sumakay sa Driver seat.
Pumasok na lang din ako. Pinakealaman ko muna yung Cellphone ko. Wala pa namang notification.
"Oo nga pala, Kailan ba kita I-eenroll?"Tanong ko kay Travis. Nagmukha naman tuloy akong nanay.
"Sure kaba? Hindi nanaman kailangan yun. Tsaka pansamantala lang naman ako dito sa Universe A, Babalik din ako sa amin." Seryosong sabi nya habang nakatingin sa daan.
YOU ARE READING
Parallel Universe
FantasyDalawang tao, magkapareho nang panlabas na anyo pero magkaiba nang pang loob na ugali. Ikaw, alam mo ba na may kapareho kang mukha? Pero hindi sa mundong ito kundi sa kapareho nang mundo na ating ginagalawan. Welcome to the World! To the Parallel Un...
Parallel 20
Start from the beginning
