'@prettyAmethyst , third wheel lang sa JaceLeen teh?'

'@prettyAmethyst , you're pretty pero solid #JaceLeen kami.'

'@prettyAmethyst is so lucky to have a picture with @callmejace Aww.'

Napairap na lang ako sa mga negative comments na nabasa ko. Wala akong pake kung solid JaceLeen sila or whatsoever. Basta, walang makakapigil sa akin kay Jace!

"Oy, Tuazon... konti na lang parang bubuga ka na ng apoy diyan ah." biglang sabi ni Cloud ng natatawa kaya inirapan ko lang siya at maktol kong ibinalik sa purse ko yung cellphone ko.

"Your girl is really annoying." I said.

"You too." nakangising sagot niya ng sumulyap siya sa akin sabay balik ng tingin sa daanan.

"Whatever, ulap." then I rolled my eyes, "It seems like you're not worrying." naka-cross arms pa na sabi ko sa kanya.

"Nag-aalala din naman ako dahil may possibility na maging totohanan sila but I trust Jace like what I said before. Paulit-ulit? Besides, may ibang gusto si Jace."

Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi niya, "S-sino?" I asked.

"That's a secret for now."

"Cloud! Tell me who's that bitch! I'm gonna kill her!" naiinis na sabi ko but he's just laughing like hell! Bagay talaga sila ni Aileen because they're both annoying, "Kung sinuman yang babaeng gusto ni Jace, I swear...di siya makakalapit sa Jace ko!" I added.

"Pag-aari mo ba si Jace? Maka-ano to!"

"Shut up! I hate you!"

"Don't worry, I hate you too." usal niya sabay tawa na naman. Oh gosh, sana lang mahaba haba pa ang lubid ng pasensiya ko para sa lalakeng to.

***KINABUKASAN***

Maaga akong pumasok sa Lambert ngayon which is good thing dahil hindi ako late pero sheeeet! Inaantok ako! My gosh... baka may eyebags na ko huhuhu. Lintek kasing ulap nay un, kung sinabi niya kung sino yung babaeng gusto ni Jace edi sana nakatulog ako ng maayos kagabe! Muka tuloy akong magandang zombie na naglalakad ngayon papuntang classroom.

"AYIEEEEEH!"

Nagising ang diwa ko sa iyawan ng mga classmates ko. Nagtataka ako dahil lahat sila ay mga nakangisi at nakatingin sa akin. Eh? Anong meron?

"Hoy maldita, harang ka sa daan."

Nilingon ko agad ang may-ari ng boses nay un at bumungad sa akin gwapong hinayupak na si Cloud Montero na nakataas pa ang kilay at may earphone sa magkabilang tenga.

"Dumaan ka, wala kong pake." I said then I rolled my eyes.

Dumaan siya sa gilid ko pero bago siya dumeretso sa upuan niya ay hinarap niya ko saglit, "Makapagsungit ka diyan parang wala tayong pinagsamahan kagabi." nakangising saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mga baliw kong kaklase at naghiyawan na naman. Oh, fuck shit Montero! Sinasapian na naman siya!

"So totoo pala yung kumakalat sa internet ngayon na kayong dalawa yung kasama nila Jace at Aileen na nagdinner kagabi?"

"Double date ah! Yieeeeh!"

"That's not true!" depensa ko but they keep on teasing me at ang siraulong si Cloud ay nakangisi lang sa akin.

"CLOUMETHYST for the win! Wohooo!" at talagang pinangunahan pa ng napakagaling kong bestfriend na tumayo pa at pumatong sa table niya. Damn you Trish!

My Naughty Bratinella (Completed)Where stories live. Discover now