Complicated 1

11K 137 13
                                    

*A year ago...





Maaga akong gumising naunahan ko pa ang Tandang sa pagtilaok at ang pagbubunganga ng alarm clock ko. Yehey bigyan ng Ice Tea! Okay ang OA ko.


Pagbaba ko ng hagdan naabutan ko ang aking mama pati ang aking stepsister na si Krisha. Galit kami niyaan hindi pa niya kasi sinasauli yung dog lace ni Luigi.



"Oh Cheska kumain ka na sabay na kayo ni Krisha mo papuntang school."sabi ni mama nag-pout naman ako.



"Ugly Duckling na naman ang peg mo Ches, Problema mo?"tanong ni Krish.



"Hindi mo pa rin binabalik yung Dog Lace ni Luigi."sabi ko at napapalakpak naman siya.



"Ay! Oo, Nakalimutan ko nag-stroll kasi kami ni Mario."sabi niya napa-pokerface naman ako.



"Bilisan mong kumain Cheska, Nga pala anak may activities ka ba mamaya after class?"tanong ni mama.



"Hmm.. Wala naman po, Bakit ma?"tanong ko habang kumakain.



"Uhm.. Wala."sabi ni mama at kumain na lang ako pero may napansin ako, Nagkatinginan si mama at si Krish. Yaan mo na baka nagkamali lang ako.



"Good morning Maningas Family and Ynares!"sigaw ng bungangera kang bestfriend na si Dianne.



"Hello."bati ni mama at ni Krish kay Dianne.



"Sige ma alis na kami baka ma-late pa kami, Krish sabay ka?"tanong ko.



"Sure pero kasama ba yung mayabang mong kambal Dianne?"tanong ni Krish.



"As usual."sabi ni Dianne kaya naman mabilis pa kay sa alas kwatro at kay Flash na sinabi ni Krish ang katagang..



"No Thanks."at nauna na siyang lumabas sumunod naman kami ni Dianne at nakarating na kami sa Red na Sports car ni Dave.



"Anong problema ng kapatid mo Ches? Bakit ang sungit-sungit ang aga-aga, May PMS ba?"sabi ni Dave napahagikgik naman kami ni Dianne dito sa may passenger seat.


Parang bumagal ang takbo ng sasakyan at binuksan ni Dave ang bintana at ayun bumungad ang naglalakad na si Krish.



"Krisha sabay na."aya ni Dave kay Krish.



"Paulet-ulet ba tayo Dave? NO THANKS."sabi ni Krish habang naglalakad nang mabilis.



"Krish sige na please."pagmamakaawa ko sa stepsister ko.



"Ayoko."sabi niya bigla naman pumasok sa utak ko ang lace ni Luigi.



"Alam mo naman na nagtatampo ako sa iyo nung nakaraan pa dahil hindi mo pa binabalik yung lace ni Luigi pero kapag sumakay ka na mawawala na yun PROMISE."sabi ko at tinaas ko pa yung kamay ko. Take note nandito pa rin kami sa sasakyan SOBRANG bagal nga eh.



"Ches."sabi ni Krish at masama na ang tingin sa akin.



"Please for me."sabi ko at nagpa-cute ugh! I hate to this but..



"Pweash."sabi ko at nawala naman yung tingin niya sa akin ng masama.



"Ugh! Fine."sabi niya at dumaan sa harapan ng kotse at binuksan yung pinto saka sumakay.



"Sasakay ka din pala ang arte pa."sabi ni Dave inirapan naman siya ni Krish. Nag-drive na si Dave medyo na-late kami pero hindi kami nasaraduhan ng Gate. Kaya nga Medyo eh!



"Miss Maningas! You're LATE!"sigaw nang Dean napatingin naman ako sa likod ko nawala yung mga kasama ko. Kaypayn!



"Uhm Dean hindi naman po eh sinunod ko lang ang Philippine Standard time."sabi ko palusot.com lol.



"Palusot mo Miss Maningas blah blah blah."sabi ni Dean habang may sinusulat sa isang board. Alam kong Detention Slip iyon kaya nag-tiptoe ako at mabilis na tumakbo papunta sa room ko.


Nakahinga ako ng maluwag ng nakarating ako sa Classroom.





=======
=======


"Uy Dianne, Tara uwi na tayo."aya ko kay Dianne.



"Uhm.. Ches mauna ka na.. m-may gagawin pa ko sige bye."sabi niya at tumakbo. What just happened?



"Krish Tara sabay tayo umuwi."aya ko kay Krish then she smiled.



"Tara, Hinihintay na tayo ni mama."sabi niya at nag-cling sa akin.



Habang naglalakad kami sobrang tahimik kaso binasag ni Krish ang katahimikan.



"Uhm, Ches."tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.



"Ano yung Krish?"tanong ko kay Krish.



"Naalala mo pa yung bilin ni Papa sa atin nila mama?"tanong ni Krish. Actually Stepsister ko si Krish. Nabanggit ko na nga iyon sa itaas. Ayun nga. Yung mama ko at yung papa ni Krish kinasal kaya ayun we're stepsisters yehey! okay.. awkward..



"Ah Oo, Yung ikakasal ka sa isa sa Friend ni Papa?"sabi ko tapos ngumiti siya ng alanganin.



"Uy bakit? Ayaw mo bang magpakasal? Sige okay lang yan sabihin mo mag-mamadre ka na lang."sabi ko kay Krish at binatukan naman niya ko.



"Adik ka Ches! Hindi na ko ikakasal."sabi ni Krish. Eh ayun naman pala!



"Oh edi mag-paparty na tayo!"sabi ko at biglang sumulpot si Mama sa harapan namin ni Krish.



"Wag kang excited Ches mamaya pa ang party."sabi ni mama at hinatak ako sa kotse kasama pati si Krish.


Kaso ang pinagtataka ko bakit naging limousine yung sasakyan namin?



"Suotin mo."hagis ni mama nang isang Dress sa akin at sinaraduhan ng curtains.



Hinawakan ko naman yung Dress.. Para saan ito? Oh well sinuot ko na lang. Ang Cute nga eh. White Dress siya parang Wedding Dress kasi hanggang tuhod para tuloy akong barbie lels.



"Okay na ma."sabi ko at hinawi yung curtains. Nanlaki ang mata ko at nagulat b-bakit...



"M-Ma.. K-Krisha.. B-Bakit siya nandito?"takang tanong ko paano kasi nandito yung make up artist namin tuwing may special occasion.



"Well Cheska..."sabi ni mama tapos parang nag-aalangan pa niyang sabihin kung bakit nandito si Edna. Ed sa umaga.. Edna sa gabi..



"Mamaya na lang namin i-eexplain Ches."sabi ni Krisha kaya naman medyo nainis ako kasi parang may nililihim sila.



"Hi Cheska, Long time noo seee! Parang kailan lang nung nag-debut ka pero tignan mo nga naman.. Naunahan mo pa ako pero Best Wishes na lang."sabi ni Edna at minake-upan ako..



Best Wishes? Sino may kasal?



Dahil sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na tapos na palang mag-make up si Edna at eto ako ngayon tulala katapat ni Mama, ni Krisha at ni Edna. Hindi ko alam ang gagawin ko ano bang nangyayari sa paligid?



"Where here."sabi ni mama at bumaba na sila ni Krisha with Edna.. Hindi ako makahinga kasi parang tama yung kutob ko.



"Cheska baba na."sabi ni mama kaya bumaba ako. Nagulat ako nang may inabot sa akin si Krisha na bouquet of Flowers.



"Ches, Sorry."sabi ni Krish at bigla niya kong yinakap at doon nag-sink in ang lahat...



"Hi Cheska, Long time noo seee! Parang kailan lang nung nag-debut ka pero tignan mo nga naman.. Naunahan mo pa ako pero Best Wishes na lang."


"Naalala mo pa yung bilin ni Papa sa atin nila mama?"

"Adik ka Ches! Hindi na ko ikakasal."




Hindi na ko ikakasal

Hindi na ko ikakasal

Hindi na ko ikakasal





Medyo natulak ko si Krish..



"Nagback out ka sa kasal tapos ako ang last choice niyo ni Mama?"sabi ko habang nasa labas kami nitong.. teka asan ba ito? Tumingin ako sa paligid.


Ayun! Hotel Le Chasm... Eto ata ang Venue nung kasal kuno.



"No, It's not what you think."sabi ni Krish tapos ako na ang nagtaas ng kilay. Wag kayo! First time ko siyang tinaasan ng kilay.



"Then what am i thinking?"sabi ko tapos nagulat ako ng lumabas si Dave at Dianne.



"K-Kayong dalawa?! N-Nandito din kayo? Alam niyo?"sabi ko.. I can't believe this... Nil-Niloko nila ko. OMG! I can't breath!


Hindi ako makapaniwala niloko nila ko.. Napapa-upo na ko para naman medyo okay ang drama nang...



"Andyan na pala ang bride eh, Tara na."aya nung lalaki at tumayo na ko.



"Cheska, We'll talk later."sabi ni mama.



"Bakit later pa? Hindi ba pwedeng ngayon na? Ma ayokong ikasal! Ayoko pang ikasal! AT HINDI PA AKO READY IKASAL!"sabi ko kay mama actually sigaw pala yun.



"Anak ready ka na."sabi ni mama.



"Ohws?"sabay na sabi nila Krish, Dianne at Dave.



"Di nga ma?"sabi ko tapos hinawakan ni mama ang braso ko.



"Alam kong ready ka, Anak kita."sabi ni mama at hinatak ako papasok sa Venue.



"Here comes the bride."sabi nung lalaki sabay tutok sa akin ng spotlight. Yung totoo? Anong klaseng kasal ito? Para saan ang spotlight?!



Napatingin ako sa paligid... Tokneneng bilang na bilang lang ng daliri ko sa paa at sa kamay ang nandito. Ang laki ng Venue tapos ang konti ng tao.. Weird.



"Take care of my daughter Jake."sabi ni mama napatingin naman ako kay mama, Nasa aisle na pala kami bakit parang ambibilis ng pangyayari ngayong araw?



One Fine Morning then suddenly...
_______________________________________

WHA! Natutuwa talaga ako ang daming Comments sa Prologue ^_^ Every Friday po ang UD XD

~Cynthia

Cause it's ComplicatedWhere stories live. Discover now