chapter three

532 23 33
                                    

"Ang corny naman kasi tapos laos pa ung joke mo. Tsk. Tsk." Haha liar ka Shen. Hihi.

"Oh sige na nga. Last na tong joke ko. Kapag di talaga bumenta ay di na ko mag jo joke sayo kahit kelan." Desedidong sabi ni Venix.

Napayakap na lang ako sa unan ko na dala ko dito sa kitchen. Hehe ganun talaga ako eh.

"Okay. Siguradong cornying joke na naman yan." Sabi ko na may kunwaring bored na boses.

"Okay ito na. Use PARTY in the sentence." Sabi nya na may seryosong boses.

"Okay. Use it." Sabi ko nalang.

"Thirty five, thirty six, thirty seven, thirty eight, thirty nine, PARTYYYYYYYYYY!!!" sabi ni Venix na mag tono na para bang nagyaya talaga ng party.

"Pffffft. Pffffft." Pinipigilan hahahaha ko talagang tumawa. Hahahaha napayakap na lang ako sa unan ng mahigpit at napakagat sa labi ko para mapigilang tumawa.

"Hindi ba talaga nakakatawa yun?" Hindi ko pinansin ung sinabi nya kasi mas busy ako na pigilan ang aking tawa.

"Pffft. Pfffft." Pigil na pigil ang tawa ko kaya mas napayakap ako sa unan.

"Sige na nga. Last ko na yun." Di ko pa rin sya kinausap.

"HOY SHEN BAT BA MUKHA KANG UOD NA NABUDBURAN DYAN NG ASIN. ANG LAKAS PA NG TAWA MO KANINA. ABOT SA BAHAY NAMIN HA." O.O nashock ako ng ang lakas ng boses ni bestie Anjie.

Nakoooooo patay!!!

"Corny at walang wala ha." Sabi ni Venix ng buong yabang sa kabilang linya.

"Oo na. Nakakatawa kasi ung corny mong joke eh." Nasabi ko na lang. Pahamak kasi si Anjie eh.

"Edi inaamin mo na natawa ka sa thirty eight, thirty nine, PARTTTTTTTTYYYY!!!" ginaya nya ulit ung pagkakasabi nya kanina.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha" grabe para akong tanga na ang lakas ng tawa. Si Anjie tuloy mukhang ewan na baliw.

"MAKAALIS NA NGA. HOY SHEN PARA KANG BALIW." sabi ni anjie pero tuloy pa din ako sa pagtawa.

Ewan ko ba benta ung joke nya sa akin ngayon.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha. Tama na haha nga." Sabi ko na maluha luha pa rin sa kakatawa.

"Hahaha grabe ang lakas mo palang tumawa." Di makapaniwalang sabi ni Venix.

"Hahaha syempre ako yata si Shen." Sabi ko na ginaya ko ung text nya kaninang ganito din.

"Haha sa akin galing ang line na yan ha." Sabi ni Venix.

"Halata ba?" Tanong ko sa kanya. Obvious naman diba.

"Halatang halata. Teka, sino pala ung babaeng sumigaw kanina?" Tanong ni Venix.

"Ah yun ba. Si Anjie yun. Best friend ko. Gusto mo bigay ko number nya?" Sabi ko kay Venix. Hmmm. Something fishy. Baka si Venix na ang forever ni bestie anjie.

"Sige ba. Para mas dumami pa ang text mate ko." Sabi nya. Kaya lang, dun ko lang naalala na wala pa lang cellphone si Anjie dahil di daw nya hilig ang pagte text.

"Ah eh sorry pala Venix. Ngayon ko lang naalala na wala palang cellphone si bestie Anjie."

"Ah ganun ba. Sige okay lang yun." Buti naman at okay lang sa kanya.

Akala ko pa naman magiging instant cupid ako kay Venix at Anjie. Tsk. Tsk. Sayang.

Nagkwentuhan pa kami ni Venix at grabe umabot kami hanggang alas tres ng hapon.

Walang sawang text at call ang ginawa namin. Hahaha.
Kung saan saan na lang napadpad ung usapan namin.

"Hoy Shen akala ko wala ka pang balak tumigil sa kakatext at call dyan. Sino ba yang kausap mo ha?" Ito talagang si Anjie, bigla bigla nalang sumusulpot.

"Ah si Venix." Nagtaka naman si Anjie.

"Sinong Venix. Parang wala naman akong kilalang Venix." Sabi ni Anjie.

"Si Venix ung nanghihingi ng load. Ung sinabi mo na modus ng mga kawatan para lang magkaload. Ung kunwari kilala ka pero di naman talaga kasi modus nila yun para makahingi ng load." Mahabang paliwanag ko kay Anjie.

"Ibig sabihin kilala mo talaga sya at di ka nya pinagtripan. Ganun?" Tanong ni Anjie.

"Hindi. Ano ka ba Anjie ang slow mo. Di ko naman sya kilala kaya nga di kami gaanong close eh." Sabi ko kay Anjie habang chi-na-charge ung cellphone ko.

"Wow naman SHENNEL, di pa kayo close sa lagay na yan. Umabot kayo ng alas tres sa kaka-text at call tapos lowbat ka ngayon at kung makatawa ka kanina na parang baliw ay di pa kayo close sa lagay na nun ha. MAGSALITA KA SHENNEL!!!" Grabe halos mabingi ako sa sigaw ni Anjie tapos tinawag pa nya kong Shennel.

"Eh kasi naman eh. Di naman talaga kami close. Ngayon nga lang kami nagkakilala eh." Paliwanag ko kay Anjie.

"Bahala ka nga pero tandaan mo. Mag move on ka muna kay Joshua bago ka lumandi ulit ha." Sabi nya sa akin na may sarcastic tone. Tsk. Tsk.

"Oo na." Huhuhu naalala ko na naman si baby Joshua ay mali Joshua nalang pala.

~~~
Napag desisyunan namin ni Anjie na gumala sa mall. Wala lang, trip trip lang namin.

Pumunta na kami ni Anjie sa isang restaurant nung magse seven pm na.

Nag order na kami ng food namin at hahanap na sana kami ng mauupuan ng biglang...

"ANJIE, SHEN, HERE!!" Sabay kaming napatingin ni Anjie sa tumawag sa pangalan namin.

Tsk. Si Eliza pala. Grrr. Sya. Oo sya. Yang Eliza na yan ang kabet ni Joshua. Tsss.

Lumapit pa si Eliza sa amin. Yuck. Nandidiri ako sa kanya. Isa syang babaeng mababa ang lipad.

"Sabay na kayo sa aming dalawa. Tutal occupied naman ng buong barkada ung long table sa restaurant na so join na kayo." Sabi nya habang naka ngiti. Psh. Kaya ang kalat sa Pilipinas eh ang daming plastic.

Pumayag or should i say NAPILITANG PUMAYAG dahil nga kasama nila ang mga DATI naming kaibigan ni Anjie.

"Long time no see Shen ha." Nginitian ko nalang si Paul.

Tinignan ko kung sino pa sa mga barkada namin dati ang nandito.

Si Paul, Eliza, Rhea, Xandra, Jim, Chris, Neo at Jake. Thanks God! Di kasama si Joshua.

"Oh andyan na pala si Joshua." O.O sabi ni Jim kaya agad akong napalingon sa likod ko.

Im in love with my Textmate.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora