The End Part 5 (Chapter 45: Book)

Börja om från början
                                    

These three people are totally different and I believe makakakuha ako ng maayos na feedback coming from them. Siya nga pala, as I also mentioned, they are going to give me an opinion sa Man to Man themed novel na ginawa ko. This challenged me for months habang sinusulat ko 'to because ang hirap makakuha ng inspirasyon sa ganitong klaseng tema. Dumugo talaga 'yung utak ko, at ang malupit, this story is based on true events. Yes it's true! True nga diba? Oh well, I know it's hard to believe but come on! One needs to research what's the meaning of 'Based on a true story'.

Malapit na rin ang deadline ko to pass the draft sa boss ko sa publishing. Her name is Sarah Trinidad and she's a bit demanding.

"I truly appreciate all of you na tapusing basahin ang story ko," I said nang bigla akong putulin ni Amy.

"Maganda na sana, kaya lang bakit bitin? Are you serious Alex? Parang hindi naman natapos ang story e?"

"Oo nga Alex," pagsang-ayon naman ni James. "Anong nangyari sa mga characters? Kay Alex? Kina Mick at Jace? Parang wala namang ending?"

Mapait akong ngumiti sa kanila. It is my intention na hindi sabihin sa kanila na hindi pa tapos ang libro. Baka kase hindi ako maka tanggap ng honest feedback kapag sinabi ko sa kanilang hindi pa 'yun tapos.

"True, it's not yet done," sagot ko. "Pero 'yun naman talaga ang reason kung bakit ko hiningi ang serbisyo niyong tatlo na basahin ang first ever Man to Man themed story na ginawa ko. Gusto kong malaman if I should push this through, or.... 'wag na lang kase wala rin namang saysay. Mga ganun."

"Naku Bestie! Pinreasure ka nanaman ba ni Bossing?" pagtukoy ni Amy sa bossing namin sa publishing. "Naku naku, remember part-time mo lang ang gumawa ng story. You have nothing to lose at wag kang ma-pressure. Echosera naman siya! Ang hirap naman ng pinagagawa sayo no!"

Napangiti na lang ako sa komento ni Amy. Ginusto ko naman ito at the first place kaya there's no turning back. Oo mahirap talagang gawin ito pero I was decided to widen my scope as a writer. I've been writing for how many years already na ang tema ay 'Heterosexual relationships'. I'm not complaining pero gusto ko naman makagawa ng story from the other side of the world. And luckily, this Man to Man themed story is very relevant to my life.

"Okay Bestie ako muna ang mauna," Amy raised her hand to volunteer. "Maganda siya infairness. Kakaiba 'yung atake ng romance ng lalaki sa lalaki. Hindi masyadong 'Bakla' ang approach kahit na babaeng bakla ka sa tunay na buhay!" bigla akong napatawa sa sinabi niya. "At nagawa mo pang ilagay ang pangalan mo sa libro. It was so you! But I doubt ikaw talaga 'to sa tunay na buhay."

"Maganda 'yung twist... something unexpected! Akalain mo 'yun? Ang trato nila sa isa't isa ay kaaway pero sa bandang huli, para lang silang mga timang dahil wala naman talaga silang kaaway? They are victims of circumstances. Medyo napapanahon kapag nilagay mo sa reality."

"Thank you Bestie, yun lang?"

"Oo Alex 'yun lang. Nag-iisip pa ako!"

Gusto kong pektusan 'tong si Amy sa totoo lang. I'm expecting that she'll look a little bit deeper with the story pero parang napaka 'plain' lang ng pagkaka-review niya. May gusto akong marinig mula sa kanya na tingin ko'y hinahalukay pa lang niya mula sa napaka liberated niyang utak.

"Alex!" James raised his hand. "So, sabi mo pwede kaming magsabi ng opinyon... negative or positive?"

"Sure! I'm also accepting violent reactions James."

"Sorry Alex pero hindi talaga ako kritiko pero parang....."

"Pero parang...?"

"Parang.... ang hirap paniwalaan?"

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu