MyLadyBoss Chapter 31

Start from the beginning
                                    

"Medyo napaisip pa si mam cha sa sinabi ko sa kanya.

Mam ang hinala ko po kasi baka dahil sa nanay at kapatid nya kaya nya ginagawa ito. May hinala din ako na baka hindi alam ng nanay at kapatid nya ang mga ginagawa nya. "sabi ko ulit kay mam cha.

Agent aly ikaw na ang bahala sa kanya.Basta gumawa ka ng paraan para mapa amin mo sya. Alam kong kaya mo yan kaya may tiwala ako sayo. Baka mabaril ko lang yung dalawa kapag sa kanila ko inutos. "seryosong sabi nya sakin.

"Natawa nalang ako at napapailing sa huling sinabi nya. May time kasi na mahikli lang pasensya nito.

"Pagbalik ko sa kwarto ay napangiti ako dahil nandito parin sya at hindi umalis. Nakita ko rin na ubos ang pagkain na binigay ko sa kanya.

Baka gusto mo pang kumain magpapakuha pa ako."tanong ko sa kanya.

Hi-hindi na busog na ako. Salamat pala."medyo nahihiya nyang sagot sakin.

Ako nga dapat ang mag pasalamat sayo kasi hindi mo sinira ang tiwala ko sayo. "sagot ko naman sa kanya.

"Hindi na ito ulit nag salita pa.

Im Agent Alyssa."pakilala ko naman sa kanya at inabot ang kamay sa kanya para makipag kamay.

"Tinignan lang nya ang kamay ko at matagal bago ito nag salita.

A--amy."nahihiyang pakilala nya sabay abot sa kamay ko.
"Gotcha! huli na kita at hindi kana makakapalag sakin mapapa amin kita..sabi ko sa isip ko.

Amy siguro naman alam mo kung bakit ako nandito. Pero wag kang mag alala hindi nila ako katulad."naka ngiting paliwanag ko.

Nag aaksaya ka lang ng panahon mo sakin alyssa pero gaya ng mga kasama mo wala kayong makukuhang impormasyon sakin."sagot nya sakin.

Naisip ko narin yan na baka useless lang ang pakikipag usap ko sayo.Pero nag try parin ako dahil alam ko na sasabihin mo sakin kung sino ang nag utos sayo."sabi ko ulit sa kanya. Napa ngiti sya ng mapakla.

Huh! Gaano ka nakaka siguro na sasabihin ko nga sayo kung sino."sagot nya muli sakin. Bigla naman syang napatahimik dahil sa sagot nya sakin. '"Huli ka! Totoo nga ang hinala ko na may nag utos sa kanya. Dahil sabi ni mam cha nung pinapaamin nila ito kahapon ay iba ang sagot nito wala daw nag utos sa kanya. Balak daw nyang nakawan ang kumpanya nila dennise.

Bakit natahimik ka? Alam ko mabuti kang tao at labag sa kalooban mo ang inutos sayo. Pero dahil kailangan mo ng pera para sa nanay at kapatid mong bunso kaya mo ginawa ito."sabi ko sa kanya. No choice na ako ito nalang ang huling alas ko.Sana gumana ayaw ko naman saktan sya dahil nararamdaman ko na mabuti syang tao.

Ba--bakit mo ki--kilala ang nanay at kapatid ko?"nauutal nyang tanong sakin.

Nagtanong tanong ako sa lugar nyo at sabi nga nila mabuti kang tao.Alam mo amy hindi magugustuhan ng nanay at kapatid mo kapag nalaman nila ang ginagawa mo at kung saan galing ang pera na binibigay mo."kinukunsenaya ko talaga sya para mapaamin ko. Alam ko konting push pa bibigay na ito. "Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay lagi nalang dahas ang gagamitin lalo na kung ang mga taong pinapaamin mo ay may malalim na dahilan at napipilitan lang.Tao lang din naman sila.

Wa--wag mo sa--sanang sabihin sa nanay at kapatid ko ang ginagawa ko."pakiusap nya sakin.

Wag kang mag alala makaka asa ka na hindi ito makakarating sa kanila. "sagot ko sa kanya.

"Lumapit ako sa kanya at himawakan sya sa may balikat.

Ngayon ako naman ang makikiusap sayo sana pagbigyan mo din ako.Kilala mo ba ang taong ito."sabay pakita sa kanya ng isang larawan. Nang makita nya ito ay parang nanginginig ito at takot na takot."Alam ko na ang sagot.
Hindi man sya sumagot ay alam ko na dahil sa kilos nya.

Natatakot kasi ako para sa nanay at kapatid ko.Ok lang sana kung ako nalang kaso sabi nya damay na ang nanay at kapatid ko."sagot nya sakin at tuluyan na itong napaiyak.
"Sinasabi na nga ba eh tama ako natatakot ito dahil damay ang pamilya nya kung mag sasalita sya.

Wag kang mag alala walang mang yayaring masama sa kanila.Sinisiguro ko yan sayo. May dalawang agent akong pinapunta sa lugar nyo para bantayan sila dahil alam ko na ang pwedeng mang yari. "paliwanag ko sa kanya.

"Bigla naman pumasok si mam cha.

Aly bakit umiiyak yan akala ko ba hindi mo sasaktan magtatanong ka lang bakit umiiyak na yan?"takang tanong nya sakin.

Mam wala akong ginawa sa kanya kahit itanong mo pa sa kanya.Diba amy?"tumingin naman ako sa lugar nya.Nakita ko naman na tumango ito bilang pagsang ayon.

Ano na?"tanong ulit ni mam cha.

Ok na."tipid kong sagot sa kanya. Kaya napangiti ito sakin. Alam ko naman na sobra ang tiwala nya sakin.Bago pa man ito makalabas ng kwarto ay tinawag ko sya.

Mam kung ok lang sana sayo na dito muna sila ng nanay at kapatid nya kasi delikado na para sa kanila."pakiusap ko naman.

Sure.Ngayon din ay ipapasundo ko dito ang nanay at kapatid nya.Alam ko naman na may pinapunta kanang agent dun para bantayan sila kaya wala mangyayaring masama sa kanila."sagot naman nito sakin.

Opo may pinapunta na ako dun.Baka kasi may mangyari. "sabi ko sa kanya.

Maiwan ko muna kayo kakausapin ko pa si agent daquis at agent gonzaga kung ano balita sa kanila.At paki samahan mo narin yan sa clinic para magamot ang mga sugat at pasa nya."turo nya kay amy ska ito lumabas.

Tara na para magamot kana."yaya ko sa kanya habang inaalalayan ko syang tumayo.

Salamat alyssa.Ikaw na ang bahala samin lalo na sa nanay at kay bunso."sabi nya sakin kaya tumango lang ako.

"Matapos kong dalin si amy sa clinic ay nagpaalam na ako kay mam cha na babalik na baka hinahanap na ako ni dennise.

(Bakit ka naman nya hahanapin ano kaba nya)
Ikaw wag kana ngang kikibo baka samain ka sakin.

"Pagka park ko ng kotse ay nagmamadali akong bumaba dahil gusto ko ng makita si dennise nang biglang may pumalo sa likod at balikat ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hala sino kaya yung pumalo kay alyssa.

abangan..

My Lady BossWhere stories live. Discover now