MyLadyBoss Chapter 31

5.8K 135 0
                                    

Alyssa pov

"Pagbaba ko ng kotse ay humahangos akong pumasok sa aming HQ.

Alyssa why are you here? Diba binabantayan mo si dennise? "tanong ni mam cha sakin.

Gusto ko pong makita si amy. "hingal na sagot ko.

Magpahinga ka muna mukhang tumakbo ka pa papunta dito. "nakangiting biro ni mam cha.

Ayos lang ako mam."sagot ko naman.

"Kaya sinamahan ako ni mam cha kung saan naka kulong si amy.

"Pansin ko na parang nanghihina ito at bakas sa kanya na pinahirapan ito.Bigla akong naka ramdam ng awa sa kanya. Dahil wala sa itsura nya ang gagawa ng masama siguro ay gipit lang ito at napipilitan lang.

"Lumabas ako saglit at nagpakuha ng pagkain dahil mukhang hindi pa ito kumakain mula pa kahapon.Ilang minuto lang ay bumalik na ang inutusan kong kumuha ng pagkain.

Paki lagay nalang dyan sa table salamat."naka ngiti kong sabi kay mitch.

Welcome po ate aly."sagot nya sakin bago lumabas ng kwarto.
Si mitch ang bagong agent namin dito.

"Tumayo ako at kinuha ang pagkain saka ko binigay sa kanya.Ngunit naka yuko lang ito napansin ko na nakatali pala ang kamay nito sa bangko kaya umikot ako sa likod nya at tinanggal ang pagkakatali nito para makakain sya.

Hindi mo ba alam na pwede akong makatakas dito dahil tinanggal mo ang tali ko.. tsshhh."sabi nya sakin na parang nakakaloko.

"Kaya ngumiti lang ako sa kanya.
Alam ko na pwede kang makatakas kapag tinanggal ko ang tali mo sa kamay, kahit nga ngayon pwede na diba ang daming paraan para maka takas ka sakin.Kilala din kita sa sobrang bilis mo at magaling mag bago bago ng itsura.Pero hindi mo ginawa. "mahaba kong paliwanag sa kanya.

''Pagtingin ko sa kanya ay tahimik lang ito at naka yuko parin.

Kainin mo na yang pagkain dahil alam ko kahapon kapa hindi kumakain.Kailangan pag balik ko dito naubos mo na yan.May tiwala naman ako sayo na hindi mo ako tatakasan.Kaya sana wag mong sirain."bilin ko sa kanya bago umalis.

"Paglabas ko ng kwarto ay pinuntahan ko agad si mam cha sa kanyang opisina.

O aly tapos mo nabang kausapin si amy?"tanong nya sakin.

Hindi pa iniwan ko muna sya dun at pinakain ko muna, tinanggal ko muna ang tali nang kamay nya."mahabang sagot ko sa kanya na ikinagulat naman nya.

What?! Aly naman hindi mo ba alam na sa ginawa mo pwede syang makatakas satin.Kilala mo naman siguro sya."medyo napataas ang boses nya.

I know mam kaya relax ka lang.Maiba ako bakit naman ganun ang ginawa nyo sa kanya? Daig pa nya ang nakapatay sa pagpapahirap nyo eh!"tanong ko kay mam cha.

Si agent roces at agent de leon ang gumawa nyan.Hindi daw kasi nila mapaamin kaya ginawa nila yun.Napagalitan ko nga sila eh!"paliwanag naman nya sakin.

Kahit na hindi dapat nila ginawa yun.Lalo lang hindi aamin yun.Saka mam parang may mali sa kanya nung kinausap ko sya kanina at tinignan ko."sabi ko kay mam cha.

Anung ibig mong sabihin? "tanong nya sakin na parang nagtataka.

Nagtanong tanong kasi ako sa lugar nila.May nagsabi sakin na mabait yan lalo na mga kapitbahay nya.Sobrang mahal na mahal daw nya ang nanay at bunsong kapatid na babae dahil ito nalang daw ang natitirang pamilya nya kaya sobrang sipag daw sa trabaho kung minsan nga daw binibilin pa sa kanila ang nanay at kapatid dahil minsan daw tatlong araw itong wala. "kwento ko kay mam cha.

My Lady BossWhere stories live. Discover now