Next Door

23 1 0
                                        

Author's Note

I wrote this story when I was 14 years old. Sobrang cringy para basahin itong story na ito noon along with my other stories (mga 6 pa yung nasa drafts) kaya di ko pinupublish. Pero ngayon na binalikan ko ito natuwa lang ako kasi anlawak pala na imagination ko noon hahahaha. Ipupublish ko na ito sa wakas just because I am proud of my old self. At ngayong 18 na ko (turning 19 in a few months), sarap lang balik balikan yung mga nakaraan na kalokohan ko. BTW HINDI KO INEDIT TO. KUNG ANO TO 4 OR 5 YEARS AGO, HINDI ITO NAGBAGO Hehehehehee enjoy!


Prologue

5.12.16

"Pagkatapos ng lahat ng nangyari, may plano ka pa talagang bumalik doon sa islang 'yon? Are you crazy?!" Nanggagalaiting tanong ni Karen.

I know it's stupid. But not the worst idea. Alam ko kasi ito lang ang kailangan ko ngayon. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko na manatili dito sa Manila. Lalo pa't marami akong katanungan. Alam ko rin na matagal na ang dalawang taon simula nung umalis ako ng isla. Pero hindi ko kaya na habang buhay akong bubulabugin ng mga tanong sa isipan ko. At lalong lalo na ngayong marami akong nalaman galing kay Manang Tessie. I need an explanation. I need closure.

"He dumped you. Remember? And ang dami pa niyang masasakit na salita na binitawan diba? Halos ipagtabuyan ka pa nga niya diba?" Dagdag pa niya.

I don't know why I'm feeling like somehow may pagkakamali rin ako. Na parang maling desisyon ang pag-alis ko sa Isla Verde. I don't know. Ako ang naargabyado nung gabing 'yon pero bakit kinakain ako ng konsensya ko dahil hindi ko siya pinakinggan. I'm feeling guilty as hell.

"Karen, alam ko. At tandang tanda ko ang lahat nang iyon! Pero alam mo naman kung anong dinanas ko sa loob ng dalawang taon. It was not easy for me na ipagtabuyan nang ganun ganun lang. Parang itinapon na basura. Hindi ko manlang alam kung bakit nya yun ginawa! It was just out of the blue! Wala manlang paliwanag." bulalas ko. "Ang hirap para sa akin. And until now it felt like a piece of me is missing. Dahil hindi ko alam kung anong naging mali sa akin!"

Nilalagay ko ang mga damit ko sa maleta, samantalang ibinabalik naman iyon ulit ni Karen sa loob ng cabinet.

"Ayan! Ayan ang mahirap sa'yo! Ikaw na rin ang nagsabi na dalawang taon na. Antagal na. Hirap sayo you kept holding on to the past." She looked me in the eyes. "You think something would change kapag bumalik ka pa sa isla? And how sure are you na nandon ang taong sasadyain mo don? My god I can't even say his name!"

Mission impossible. Pero diterminado ako. Kahit saan pa ako mapadpad hahanapin ko siya. I need answers. I need closure.

Karen was right. Maliit ang chance na may mabago pa kung masagot lahat ng katanungan ko. None of the answers will be able to take back the time. The damage has been done. Pero wala naman mawawala kung susubukan ko.

"Yeah, you're right. Nothing would change anything." I tried taking back the tears. "Kaso eto lang talaga yung makakapagpatahimik sa akin. I just wanted to hear his explanation."

Seryoso niya akong tinignan. Not saying a word. But the look in her eyes could tell how much she's hurting for me. Her eyes looked sorry.

"Kasi hanggang ngayon masakit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na nagkulang pa yung binigay ko sa kanya. Kulang pa kahit ibinigay ko na ang buong pagkatao ko! Ang kaluluwa ko sa kanya!"

"I will ask you the same question. Do you really think that something would change? Come on, Ate! It was two years ago!"

"Yes, it was two years ago. And despite that two fucking long years, I still find myself crying about it over and over again."

Hindi na niya ako pinigilan sa pag-babalot ng mga gamit. Nakatitig lang siya sa akin.

"Is it really just about seeking for an explanation, Ate?"

Napatingin ako sa kanya. I don't get her point. Lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Or is there something more you need to find?"

Natigilan ako sa tanong niya. How can a sister, younger than me, spit out such question?

"Myself. I had to find myself, Karen. If that's what you're pointing out."

Nakatitig lang siya sa akin habang patuloy ako sa pag-iimpake. Not saying any word. Hanggang sa maisara ko na ang zipper ng maleta ko.

"Ate, be honest with me."

Binitiwan ko ang maleta at humarap sa kanya.

"Do I look like I'm joking right now?" naiirita na ako.

"Do you still love him?"

"For fuck's sake, Karen! Anong klaseng tanong ya--" Nanlambot ang mga tuhod ko.

Pakiramdam ko anytime magcocollapse ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Yes or no lang, Ate!" sigaw nya. "Yes or no lang, napakasimple. Sagutin mo ng diretso"

Hindi ako makasagot.

Next DoorMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon