Chapter 2

5 0 0
                                    


First Step

Yckoh's Pov

"Hello pare. Nasan ka na ba?"

"Teka malapit na!"

"Kanina mo pa sinasabi yan pero hanggang ngayon wala ka pa rin! Tangna bilis bilisan mo naman yang kilos mo!"

Paasik kong sigaw kay Jax. Yes, si Jax ang kausap ko sa phone. Ang gagong yon pinaghihintay ako.

"Wait bro! Chill ka lang. Miss mo naman ako agad." Nakuha pang magbiro amputa!

"Hayuf! Bilisan mo na!" Sigaw ko at binaba na ang tawag.

Kalahating oras na yata akong nag-aantay sa kanya dito. Pasalamat na lang dahil natatanaw ko mula dito si Ana kaya kahit papaano hindi ako naiinip. Nandito ako sa tambayan namin sa likod ng school gym. Mula dito kitang kita ko si Ana na masayang nag vollyball. Tago ang parteng ito. Tanging kami lang talaga ni Jax ang nakakaalam.

"Bestie!" Napalingon ako sa biglang tumili na parang bading. Si Jax pala. Parang tanga.

"Bat ang tagal mo?!" Asik ko agad sa kanya.

"Oh! Sorry bestie. May papabol kasi dun kaya iyon napalaban."

Napangiwi naman ako sa tono ng pananalita at kilos nya.

"Yuck! Itigil mo nga yan!" Natatawa ko ng saway sa kanya.

"Ihhhhh! Fafa Yckoh naman ihh!" Malanding sabi nya. Doon na ko bumunghalit ng tawa.

"Bwahahaha! Fvckshet ka Jax! Gayang gaya mo si Breetny!"

Si Breetny ay yung bading na kaibigan ni Jasmine.

"Hahaha! Di ko akalaing kaya kong gayahin yung bading na yun." Natatawa pa nyang sabi pero bago ko makalimutan ..

"Hoy tama na yan! Hayuf ka pinaghintay mo ko! Saang lupalop ka ba gumala?!"

Baliwala lang syang umupo sa tabi ko at tinaas pa ang paa sa may malaking ugat ng puno.

"Dyan dyan lang."

"Anong dyan dyan lang? Urur mo!" Aba! Hindi ako naniniwala sa gunggong na yan. Alam ko kung bakit nalelate yan.

"Eto naman. Chill ka lang bro. May nameet lang akong chikababe kanina tapos iyun." Paliwanag nya at alam ko na agad ang buong kwento kahit di nya pa sabihin.

"Psh! Kaya pala mukha kang pagod hah. Nakailang rounds ba?" Maloko kong tanong. Ang gago hindi ako sinagot at ngumisi lang.

"Maiba tayo. Ano na bang gagawin natin?"

"Ikaw nakaisip ng plano na 'to ah! Tapos ngayon sa akin ka magtatanong." Tss. Di naman ako maalam sa mga ganitong kalokohan. Yes. I consider this as kalokohan lang. Dahil wala naman akong nakikitang kaseryosohan sa gagawin namin maliban na lang kay Ana.

"Ay oo nga pala." Napa-tss na lang ako. "Kailangan nating gumawa ng list."

"List? Nang ano?"

"Listahan ng plano natin. Step by step." Paliwanag nya at gumawa na nga kami este sya lang pala ng list na pinamagatan nyang Tulay para sa tunay na Pag-ibig. korni pota! Mga nalalaman talaga ni Jax.

"Okay bro. First step, lapitan si J at makipagclose." Sabi nya sabay lingon pa sa loob ng gym kung saan nandon si Jasmine. Kaylan pa sya napunta dun?

Napangiwi ako sa sinabi ni Jax. Letse namang first step yan ang hirap.

"Ngayon na ba?" Nag-aalangang tanong ko.

"Yup. Now na." Cool nyang sabi. Langya naman! "Dont tell me nagdadalawang isip ka na ngayon? Samantalang kanina lang todo 'oo lagay mo yan' ikaw!"

-__-' Malay ko ba naman kasing mahirap pala talagang gawin 'to.

"Tss. Sige na nga!" Pagpayag ko dahil wala na din naman na akong magagawa.

"Papayag din pala. Tss. Puntahan mo na."

Wala na kong nagawa kundi ang tumayo at pumunta na sa loob ng gym.

"Fafa Yckoh!!!"

Matinis na tili ni Breetny kaagad ang sumalubong sa akin. Napatingin tuloy sa'min yung ibang tao including Ana and Jasmine.

"Emegerd fafa Yckoh! You always look fresh talaga!" Malandi pa ding sabi ni Breetny.

Ang mga bading talaga hindi marunong magsinungaling.

"Hi Breetny." Bati ko sa kanya. Mabait ako ngayon kaya hindi ko papansinin ang kalandian ni Breetny.

Halos mangisay naman si Breetny. Patay na patay nga pala sa'kin yan. Tss! Iba talaga karisma ng mga kulot na tulad ko. Hehe.

"Ihhh. Fafa Yckoh si Ana ba hanap mo?" Tanong nya.

"Hindi. Si Jasmine."

Napa-ohh sya. Nagtaka siguro. Si Ana kasi ang lagi kong hinahanap eh tapos ngayon biglang si Jasmine.

"Seryoso ka fafa Yckoh? Si Jasmine ang hanap mo?"

See? Nagtaka talaga sya.

"Oo." Sagot ko.

Matagal bago sya nakareact.

"O-okay? Wait lang. I'll call her lang ah." Sabi nya at kumindat pa. Brr. Kakilabot.

Umupo muna ako sa bleacher. Papanoorin ko muna si Ana mahlabs.

Hay. Ang ganda nya talaga. Kahit pawisan hot pa rin. Tsk. Tsk. Bakit ba kasi ayaw nya sa'kin. Gwapo naman ako. Macho pa.

"Hey." Natigil ako sa pagpapantasya kay Ana nung may magsalita sa gilid ko. Paglingon ko si Jasmine pala.

"Breetny told me na hinahanap you daw me? Is that totoo?" Maarte nyang tanong. Watta sentence. Di ko malaman kung conyo o bobo lang talaga sa grammaring.

"Yes."

"Why?"

Bakit nga ba? Anong sasabihin ko? Putris! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit ko nga ba sya hinahanap? Gagong Jax yun! Hindi manlang ako sinabihan kung anong dapat kong sabihin. Matanong pa naman ang isang 'to.

"Ahh. Wala naman. Makikipagclose lang." Sabi ko na lang.

Napanganga naman sya bigla pero kaagad din nyang sinara yung bibig nya.

"Srsly Yckoh? Ikaw? Makikipagclose?" Maarte nyang tanong. May pagtaas pa ng isang kilay. Ang arte talaga ng mga gestures ng babaeng ito. Kairita!

"Seryoso ako. Naisip ko kasi na wala namang dahilan para mainis ako sayo." Ugh! Liar. Ang totoo niyan marinig ko pa lang ang boses nya nababadtrip na ko.

"Buti naman naisip you that. There is no reason naman talaga para maannoy ka sa'kin."

Tss. There's no reason daw. Ang dami ngang dahilan para mainis sa kanya ang isang tao. Ang arte masyado.

"Aah .. Ha-ha-ha."

Sana di nya mapansin na peke yung tawa ko.

"So .. What now?" Maarte nyang sabi.

"Ahm. Ano na nga? Okay na tayo?"

Nakow! Umoo ka!

"Uh-huh. We're okay na." Sabi nya sabay ngiti. Yung ngiting totoo na antagal ko ding hindi nakita dahil nga palagi ko syang iniiwasan since THAT happened. Yung ngiting bumubuo ng araw ko NOON. Yung ngiting ako ang dahilan. At yung ngiting dati ko ding kinabaliwa--.

Potakte! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?! Urgh!

"O-okay. Thank you. Sige Jazz ah. I have to go. See you around na lang!"

Umalis na ko kaagad at baka kung ano na naman ang pumasol sa utak ko. Di ko lang magugustuhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's so Maarte! (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon