Chapter 1

12 0 0
                                    


HIS POV

Nakatingin sa malayo~
Tinatanaw na naman siya~
Mukha siyang tanga~
Ligawan mo na kaya~

Napatingin ako sa sintunadong kumakanta. At nakita ko si Jax na nakangisi. I glared at him. Gago talaga 'to! Sya si Jaxin Nyebes.

"Ano namang kanta yang naimbento mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Dedicated ko yun sayo." Mapang-asar nyang sabi kaya binatukan ko na.

"Gago!"

"Tss. Torpe mo kasi 'pre. Para kang di lalaki." Pangaral nya pa sa'kin.

"Lul! Tigilan mo ko! Lumayas ka nga dito! Mambabae ka na lang! Sinisira mo araw ko!" Singhal ko sa kanya.

"Ewan ko sayo!" Sigaw nya rin sa'kin. Abnormal talaga 'tong si Jax. Kaibigan ko sya since we're babies o baka nga nung nasa tiyan pa lang kami ng nanay namin. Anyways I'll introduce myself first, Im Nyckohlai Jemprex. (Read as Nikolay Jempreks) Simpleng tao pero gwapo. *inserted killer smile*

"Hey Jax! You saw Ana?" May biglang maarteng magsalita ang dumating. Naka-polo shirt na pink and fitted at mini skirt. Puno din ng burloloy ang braso nya. May pangkikay hat pa syang suot na kulay pink din. At hindi mawawala ang kulay makintab na pink nyang lipstick! Sakit sa mata! -___-'

"No." Ako na ang sumagot sa tanong nya dahil gusto ko na syang lumayas sa harap namin. Nakakairita sya!

Tumingin sya sa'kin ng masama. Yeah. She's always doing that to me. Kaya wala na lang sa'kin.

"Are you Jax na ba? Not naman di ba? So stop epalling!" Maarte nyang sabi sabay irap.

Watta word? Epalling?

"Huh? Anong epalling?" Nagtatakang tanong ni Jax.

"Epal it means." Maarte pa din nyang sabi. Tss. Ang arte talaga!

"Aaaah. Anyway, magbavollyball ba kayo ulit?" Tanong ni Jax sa maarteng si Jasmine Cyrill Francisco the maarte ever! Psh! -__-

"Uh-huh! But wait! Lemme correct you, not us them lang! Im not kasali. Hindi naman me marunong magvollyball. For pete's sake it's really mahirap! Ouch yun sa hands 'noh!" Maarte nyang sabi. Ang sakit na nga sa mata ng suot nya, ang sakit pa sa tenga ng pananalita nya!

"Bakit ka ba ganyan manalita? Ang sakit mo sa tenga!" Singhal ko na sa kanya dahil nabubwisit na talaga ako!

"Why ba?! Wala you care! Edi dont listen! Duh~" Ayan na naman ang mahiwaga nyang "Duh" na may kasama pang paggalaw ng ulo and hand gesture and pagikot ng eyeballs. Nakakabwisit!

"Psh. Mapipigilan ko ba yun?!" Sagot ko. Hah! Hindi ako papatalo!

"Takip your ea--"

"Hep! Times up!" Napatingin kaming pareho kay Jax. "Ubos na oras nyo sa pagtatalo! Tigil na! Ako naririndi sa inyo!"

Psh! =________=

"Hmph! Whatever. Makaalis na nga! Babush!" Maarteng paalam NYA.

Tss. Ewan ko ba pero naiinis ako sa babaeng yun. Hindi naman sya panget. Sadyang maarte lang talaga.

"Grabe pare! Pagdating talaga kay Jasmine ang sama mo!" Eto na naman sya. Kinakampihan na naman yung maarteng yun.

"Tss. Nakakabanas ang kaartehan ng babaeng yun." Asar kong sabi. Kunot na kunot na ang noo ko.

"Tsk. Kaibigan pa naman ni Ana yun. Baka mamaya isumbong ka nun kay Ana. Naku! Patay ka! Bad shot ka agad!"

"Sinasabi mo bang kailangan ko nang maging mabait kay Jasmine?"

"Nakuha mo!" Parang tanga pa syang napapalakpak.

"Tss. Bat ko naman gagawin yon?"

"Hindi mo ba naiisip ang naiisip ko? Pag naging mabait ka sa kanya magiging madali na lang para sayo ang mapalapit kay Ana." Nagtaas baba pa ang kilay nya na akala mo nakaisip ng bright idea.

"Kalokohan." Sabi ko na lang at muling tumingin sa may court kung saan naglalaro ng vollyball ang mahlabs kong si Ana.

"Tsk. Ang hina talaga ng utak mo." Napatingin tuloy ako ulit kay Jax. Masamang tingin. "Tsk. Tsk. Alam mo 'tol kung hindi mo talaga kayang umamin o ligawan ng harapan si Ana bakit hindi mo idaan sa? .." Binitin pa talaga ang huling word. Tss. Pasuspence. -___-

"Idaan sa .. ano?" Naiinip kong tanong.

"Idaan mo sa diskarte." Ngiting aso pa ang gago.

Diskarte?

"Ano namang diskarte yang naiisip mo? Siguraduhin mong hindi kalokohan yan ah." Ito pa namang si Jax puro kalokohan ang alam. Tss.

"Dont worry 'pre. Ikatutuwa mo 'to." Sabi nya ng naka-ngising aso pa rin.

"Tss. Oh ano na nga?"

"Si Jasmine ang makakatulong sayo." Napasimangot agad ako.

"Anong maitutulong nun eh puro kaartehan lang alam nun!"

Isa pa maiinis lang ako sa pananalita ng babaeng yun. Parang tanga na pinagsasama ang english at tagalog. Wrong grammar naman.

"Kailangan mong tiisin ang kaartehan nya para sa mission na 'to."

"Mission? Pinagsasabi mo?" Ang dami talaga alam nito.

"Hay. Astig 'tong naiisip ko 'pre. Sa mission na 'to mapapadali ang panliligaw mo kay Ana dahil si Jasmine ang magiging tulay."

"Huh?" Hindi ko sya gets. "Pano yun? Magiging maarteng kupida sya?" Paninigurado ko.

"Yup!" Masaya nyang sabi na akala mo ang ganda ng suggestion nya.

"Ang korni bro." Boring kong sabi.

"Ano? Korni? Wag kang kj 'pre. Ito na lang ang tanging paraan para mapalapit ka dyan kay Ana na hindi ka naman type."

"Tss. Gago!" Talagang pinamukha pa sa'king hindi ako type ni Ana. Letse. Ang gwapo ko na nga pero ayaw pa rin sa'kin.

"Alam mo pareng Yckoh kung talagang gusto mo si Ana gagawa ka ng paraan para mapalapit sa kanya kahit hindi mo maatim." Lumapit pa talaga sa'kin at umakbay. Tinignan ko naman sya.

"Pre, may pinanghuhugutan ka ba?"

*Pak!*

"Gago!" Binatukan pa ko amputa! Natawa na lang ako. "But seriously pare patulan mo na yung suggestion ko." Seryoso nyang sabi. Napaisip naman ako. Hmm? Papatulan ko na ba? Kung oo, kailangan ko lang naman tiisin ang kaartehan ni Jasmine. Pero kung hindi, mawawalan na talaga ako ng chance na mapalapit kay Ana. At ayokong mangyare yun! Ang tagal tagal kong tyinaga si Ana! So .. Ano na nga ba ang sagot ko? Tangenis! Ang hirap naman nito!

"Huy! Ano na?" Napatingin ako kay Jax. I sighed. Okay ito na.

"Sige na." Labag sa kalooban kong sagot.

"Ayos! Edi umpisa na tayo by tommorow." Sabi ni Jax na ikinagulat ko.

"Tommorow? Agad agad?" Ang bilis naman pala.

"Ganun talaga. Dahil kung hindi ka magmamadali mauunahan ka. Siguro naman ayaw mong maunahan?"

"Psh. Oo na. Bukas na bukas din sisimulan na natin ang plano."

At ang gagong si Jax nakangisi sa'kin. Ano naman ang ibig sabihin ng ngisi na yun?

Pag kalokohan na naman ang nasa isip ng gagong 'to masasapak ko 'to!

*****

She's so Maarte! (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon