The Intended Wife

157K 1.8K 66
                                    

The Intended Wife

"Patawarin mo ako," aniya at lumuhod sa aking harapan. Umiwas ako ng tingin. Mas mahihirapan lang ako kung titingin ako sa kanyang mga mata.

"Baby, 'wag mo akong iwan. Hindi ko kaya. Alam ko marami akong nagawa na hindi maganda sa'yo pero nagmamakaawa ako, 'wag. Huwag mo akong iiwan," hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko nang maalala ko ang lahat. 'Yung pisikal na sakit, 'yung mga salitang binitawan niya na nag dulot ng sugat sa puso ko. 'Yung sakit na tiniis ko dahil lang sa pagmamahal na mayroon ako para sa kanya.

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? 'Yung ibinigay mo na ang lahat, pero sakit 'yung balik? 'Yung wala kang ginawa kundi pagsilbihan at sundin ang gusto niya, pero ang irespeto ka, hindi? 'Yung ipinaglalaban mo 'yung pagmamahal mo sa kanya pero siya mismo ang gumagawa ng paraan at dahilan para sumuko ka at 'wag ng lumaban?

"Patawarin mo rin ako kung hindi ko na kaya. Pagod pagod na ako. Pagod na ako sa lahat ng sakit. Pagod na ako magpatawad sa taong paulit ulit lang din naman ginagawa 'yung bagay na ipinangako niyang hindi na gagawin. Kahit sa sarili ko, pagod na rin ako. Pagod na 'ko sa katangahan ko sa'yo. Pagod na ako mahalin ka," sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Pero nangako ka, nangako ka na hindi mo ako iiwan. Na kahit anong mangyari sa atin, hindi ka susuko."

"Nangako ka rin naman, ah? Tinupad mo ba? Ginawa mo ba?" tanong ko sa kanya.

Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pag iyak. Wala na ba talagang katapusan 'to?

"Isa pang pagkakataon, please. Hayaan mo akong alagaan ka. Hayaan mo akong mahalin ka. Aayusin ko ang lahat. Hindi ko hahayaan na masira tayo," sabi niya at hinalikan ako. Itinulak ko siya at pinunasan ang aking luha.

"Ayoko na. Ang dami ko nang naibigay na pagkakataon sa'yo. Pero sinayang mo lang lahat. Wala kang ginawa kundi saktan ako. Ibinigay ko na ang lahat sa'yo. Baka pwedeng ako naman ang pagbigyan mo? Isa lang naman ang hinihingi ko. 'Yun ay palayain mo ako. Pakawalan mo na ako," nanghihina kong sabi.

Umiling siya at pilit hinuhuli ang tingin ko. Hinawakan niya ulit ang aking kamay at hinalikan ito.

"Hindi ko kaya. Maawa ka sa akin. Hindi ko talaga kaya. Maaayos pa natin 'to. 'Wag ka naman sumuko ngayon."

"Maawa ka rin naman sa akin. Hindi pa ba sapat lahat ng tiniis ko para sa'yo? Alam ko naging makasarili ako noon dahil hindi kita hinayaan na mapunta sa taong mahal mo. Siguro 'yun ang pagkakamali ko. Siguro 'yun ang hindi ko naibigay. Pero ngayon, handa na ako. Handa na akong ibigay ka sa kanya. Handa na akong ibigay 'yung kaligaya--"

"Ikaw ang kaligayahan ko!"

"Hindi! 'Wag mo na ako lokohin. Alam natin pareho na siya naman talaga ang mahal mo. Una pa lang, sa kanya ka na talaga. 'Wag na natin pahirapan ang isa't isa. Pinapalaya na kita. Palayain mo na rin ako," tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko.

Akmang susundan niya ako ngunit pinigilan ko na siya. Buo na ang desisyon ko. Hindi ko na kaya ipaglaban 'to. Sapat na 'yung dahilan para sumuko ako. Panahon na siguro na sarili ko naman 'yung isipin ko, 'yung unahin ko.

"I love you."

Huli na.

***

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Date Started: 12/27/15

Date Ended: 12/10/16

Date Edited: 09/08/21

Former Title: His Wife

The Intended Wife (Completed) [Published on Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon