Thin Line Between Love and War

52 0 0
                                    

Thin Line Between Love and War

 shiawase28©

Unang una, gusto kong malaman niyo na galit at kinamumuhian ko siya.

Pangalawa, galit na galit ako sa kanya.

Ay nasabi ko na ba? Ah basta! Nakakairita siya!!

Lahat na lang ng ginagawa niya nakakainis at nakakasira ng buong araw ko, isama mo na buong taon ko! 

Pero minsan, nakakaramdam ako ng kakaiba sa bawat pambubwisit nya sakin. May pagkakataon na kapag magkasama kami, komportable ako sa kanya kahit na nakakainis sya.

Minsan naman... Oo na, inaamin ko na.. nakakaramdam ako ng kilig? Onti lang naman. 

Pero ewan ko! Ayokong maniwala sa isang babaerong katulad nya. May atraso lang ako sa kanya kaya tinutulungan ko sya sa mga bagay-bagay pero pagkatapos non, tapos na din kami.

Yun ang napag-usapan. Kapag natapos na yung mga dapat gawin, tapos na din ang namamagitan sa aming dalawa. 

Pero sana wag muna matapos... Ayoko pa.

Thin Line Between Love and WarWhere stories live. Discover now