Chapter 2

8.8K 261 23
                                    

Dedicated to:violet_girl_05

Winter POV

Tahimik akong pumasok sa centre square at naglakad-lakad, dala-dala ang aking broomstick. Kailangan kong makahanap ng ivory paper at ang alam ko ay mayroon nito si Tandang Hillar. Kakailanganin ko ring mahanap ang secret door sa loob ng House of Owls. Kailangan ko ng mensaherong mapagkakatiwalaan.

Ayon sa aklat sa loob ng silid-aklatan ng kaharian. Isa pa lamang ang nakakapasok sa secret door. At iyon ang huling reyna sa angkan ng mga Diamond. Bago pa sinakop ng mga warlock at masasamang witches ang Center Kingdom.

Pumasok ako sa loob ng Centre Square's Library, hinanap ko ang pintong papunta sa ikalawang palapag. Pumasok ako sa isang pintuan na magdadala sa akin sa ikalawang palapag. May isang babaeng nagbabasa sa dulo, she's wearing a black cloak, gaya ko maputla rin ang balat nito. Galing rin ito sa labas ng Centre Square, mukhang galing ito sa ibang kaharian. Naglakad ako ng tahimik at umukyat sa hagdan para umakyat sa mataas na bahagi ng silid.

Binulong ko ang reference kung saan nakalagay ang lagusan papuntang sa lungga ni Tandang Hillar. Nilingon ko ang babae ngunit sakto lamang ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto, marahal umalis na ito.

Tahimik kong kinuha ang isang lumang-lumang aklat, unti-unting umarko ang mga aklat at gumawa ng isang lagusan. Pumasok ako sa loob saka, sumara ang lagusan sa likuran ko, inilagay ko sa isang butas ang aklat.

"Batid kong maykailangan ka saakin Prinsipe ng kanluran, napakalayo ng iyong nilipad makapunta lamang sa Center Kingdom." Saad nito habang nagsusulat.

Si Tandang Hillar, ay isa sa mga pinagkakatiwalaang alagad ng Center Kingdom, ngunit nang, mamatay si Reyna Irene, umalis na rin sya sa palasyo. Nagkakagulo ang  council ngayon sa lahat ng palasyo.

"Kailangan ko ho ng ivory paper," magalang kong saad.

"Wala nang natirang ivory paper, dahil lahat ng yon ay kinuha ng isang estrangherang dalaga, hijo," anito.

"Iyon bang babae kanina sa ibaba?" pang-uusisa ko.

"Nadatnan mo pa pala sya, napansin mo ba ang dala nitong presensya?"

Tumango ako bilang tugon,
oo malakas ang presensya nito. May nagtatagong nilalang sa likod ng cloak na 'yon. Inilibot ko ang aking paningin at tahimik na nagmasid.

"Kailangan mong mahanap ang secret door hijo. Isang fairy ang makikita mo sa loob noon, mabibigay niya ang iyong nais."

Bahagya akong yumukod at nag-usal ng "Salamat po."

Naglakad ulit ako sa Centre Square nang, may mabangga akong witch. Nabitawan nito ang dala nyang hawla kung saan nakakulong ang mga daga. Nagsilabasan ang mga daga sa hawla. Hindi na ako huminto, naagaw na kasi ng mga daga ang kanyang pansin. Nagtuloy-tuloy na akong naglakad papasok sa House of Owls.

Maraming witch trainy na andito, may mga well trained witches rin na andito. Nilibot ko ang buong lugar nang, mapansin ko ang itim na pinto sa tabi. Napakunot ako ng noo nang mapansing wala itong hawakan,

'The black door will only appear, for those who are choosen, if you're one of them, then you knew the right word.'

Right word?

Wala namang question rito. I think this is a logic.

How can I solve this thing.

"Tred! You're so weak! You dont have a brain! Weak! Weak! Weak!" rinig kong ani ng isang bata.

'They said before you can get there you should struggle first.'

The Lost Crafter PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon