Why and How it all started...

7 0 0
                                    


"Ano ka ba you've been stuck in your room for two weeks watching ROM-COMS. Hindi ka pumapasok sa trabaho, ni-ayaw mo kausapin mga kapatid mo. Nag-aalala na sayo nanay mo. Hindi ka pa ba lalabas? Move on na GEL. Makakalimutan mo din yan si JAKE."

"Tsk...iwan mo nga ako TEN, gusto ko makapag-isa."

"Alam mo ikaw lang ang kilala kong wagas ma broken heart na never naman nagkaroon ng label ang relationship niyo ni JAKE. At take note ah...5 years ago na kayong naging mag X-friends. Naka-move on ka na dati ah..Nagkakaganyan ka lang kasi you heard he's getting married to JAM. Sino ba kasing nagsabi sayo?"

"Siya. "

"Aba...When, where and how?"

"Tumawag siya sakin bago siya nagpropose, tinanong niya ako kung okay lang? Sabi niya pagpumayag si JAM gusto niyang i-set ng April 7 2017 ang kasal."

"At sa birthday mo pa talaga? Ano sinabi mo?"

"Edi-oo, birthday din naman ni JAM yun eh."

" Yun lang? Gaga kadin eh...no. Hindi mo man lang minura talagang oo lang sinabi mo? Bakit dati pag nagsasabay birthday party niyo nagagawa niyang sayo lang pumunta."

"eh, anong sasabihin ko. Alangan namang pigilan ko? Tska ano ka ba kasal na pinag-uusapan dito hindi naman to birthday party."

"So inamin mo din si PA-ASA nga ang dahilan kung bakit ka nagkaka ganyan.Hulaan ko invited buong batch noh?"

"Siguro."

"Malamang kasi doon lang naman umiikot mundo nila ni JAM. Sa mga ka-batch natin. Huwag kang aatend ha pag-ppyestahan ka lang doon."

"Pag hindi ako umattend isipin naman nila bitter ako."

"Bakit hindi ba? Bitter ka naman talaga ah. Two weeks ka nang nakakulong dito ROM-COMS pa pinapanood mo. Hindi ka naman tumatawa, iyak ka lang ng iyak. Torture yang ginagawa mo sa sarili mo. Alam ko martyr ka pero naman GIRL rise from the challenge. Pakita mo na nagkamali siya ng hindi ka niya pinili."

"Ano ba dapat kong gawin? Tulungan mo naman ako ayaw ko magmukhang kawawa. Please."

"O sige na bumangon ka na diyan. May magandang idea ako."

Relationship Status : SOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon