Chapter 1

53.4K 1K 56
                                    

Binuksan ng bata ang pinto ng opisina at muli ako nitong hinila. Walang sekretarya ang humarang sa amin. Bakante ang mesa nito nang nasa labas pa kami kanina.

"Daddy!"

Binitawan ng bata ang kamay ko at tumakbo papunta sa mesa ni Sir Xander. Ako naman ay nanatili lang sa kinatatayuan. Kinakabahan.

"Hey." Nakakunot ang noong tiningnan niya ito. "Why are you here? Sinong kasama mo?"

"Si Tatay Albert po." Sagot ng bata.

"You shouldn't be here. You're supposed to be in the house right now." Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya nito sa makabilang pisngi. Ginulo naman niya ang buhok nito.

"Ang tagal mo kasi Daddy e. 'Di ba, nagpramis ka na kakain tayo sa labas?"

Nakita kong napqbuntong hininga si Xander.

"Yeah. But I also told you that we'll going to have dinner once I'm done with my work right?"

"I don't want to be in the house, Dad. Sad po doon." Nakangusong sagot ng bata at humalukipkip pa. Bahagyang kinurot ni Xander ang pisngi nito at muling ginulo ang buhok.

Magsasalita na sana siya nang mapadako naman ang tingin niya sa akin. Parang no'n lang niya ako napansin. Pinanlamigan ako dahil sa matinding kaba.

"G—Good evening po Sir."

"Who are you?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Jayvee, Sir."

"No. I mean, what are you doing here?"

"Ah kas—"

"Nagpasama po ako sa kanya dito, Daddy." Ang bata ang tumapos sa pagsasalita ko. Napatungo na lang ako habang kagat ang labi.

Wala na akong narinig na nagsalita pagkalipas ng ilang sandali kaya tumingin ako sa kanila. Bumubulong pala ang bata sa ama nito. Tila nagulat ang huli sa narinig.

"You want him to be your nanny? He's not even a girl." Nakakunot-noong tanong niya sa anak.

"But I want him, Dad. Please. I want him."

"Look Xavier, he's one of my employee and he can't be your nanny. Hindi ganoon kadali iyon, okay?"

Xavier pala ang pangalan ng bata. Kay gandang pangalan para sa isang gwapong bata. Napangiti ako sa kabila ng nararamdaman.

"Daddy please, pretty please."

"Why? Ayaw mo na ba kay Ate Girly mo?"

"Yes Daddy, ayaw ko na sa kanya. Nakakainis po siya. Atsaka inaaway pa niya ako. I don't like her anymore. Daddy please, I want him."

Sa totoo lang ay wala talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila kaya kahit nakakabastos, nagpaalam akong lalabas na.

"Mawalang galang na sa inyo Sir, pero aalis na ho ako."

"Daddy... Please, please."

Mukhang hindi nila ako narinig.

"Fine. But I will not promise you, okay? I don't know if he'll agree with it."

Muli akong napatungo nang dumako ang tingin sa akin ni Xander. "Jayvee, right?"

"Y—Yes Sir."

"Stay. We'll have a dinner later and I want to discuss an important thing to you."
 
  

PAKIRAMDAM ko hindi ako makahinga kahit pa malakas ang aircon ng kotse ni Xander lalo pa't magkatabi kami sa harapan. Kasama namin ang kanyang anak na nasa likuran ng sasakyan.

Ang Boss Kong ByudoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon