Sariling Mundo sa Parada

35.9K 372 31
                                    

What could Maine and Alden have been discussing before this picture was taken?
My imagination has this answer for all AlDub fans out there.
Hope you enjoy it!
Picture taken from @chef_maine's twitter account.

________________________________
Eksena: Habang nasa float sila sa MMFF Parade of Stars...

"Meng, tuloy ka ba talaga bukas?"

"Ano? Lakasan mo konti, lakas ng sigaw ng tao!"
"Tuloy ka ba talaga bukas???" Ulit ni Alden

"Oo naman! Tagal ko na kayang gusto magpunta ng Japan. Saka ngayon lang ako makakapagpahinga nang husto."
Sabay tingin kay Alden at ngiting pilya
"Ako naman ang mag-me-ME Time."

"Hay naku, diyos mio, ipinaalala talaga nya yung JapanPaMore! Wow, nang-aano ka e!" Sabi ni Alden na mala-Lola Nidora.

Napatawa ang dalawa ng malakas, may sariling mundo sa ibabaw ng float, kahit napapalibutan sila ng napakaraming tao.

"O Babe, serious na," banggit ni Alden. "Mami-miss talaga kita. Iniisip ko na lang na okay na rin kahit wala ka sa first Christmas natin. Marami pa namang Christmas ang dadating sa forever natin di ba?" Sabay kilay moves ng Pambansang Bae.

"Edam cheese ka ba? Kasi puro ka bola," natatawang sagot ni Maine.

"Mami-miss din naman kita pero nandyan naman ang Facetime, Skype saka i-u-update kita pirmi sa Snapchat. Matitiis ko ba naman ang 'bebe' ko???" Pagtutuloy ni Maine hanang pinupunasan ng pawis si Alden.

Nagsigawan ang mga tao sa paligid pero di nila yun pansin.

"Promise mo yan ha? Pinky swear?" (Pinky swear ng dalawa)

"Hay naku Tisoy, tumigil na nga tayo dito. Ang daming nag-aabang sa atin. Kahit kaway lang masaya na sila. Mamaya na tayo mag-HHWCC."

"Sige sabi mo yan ha! Hintayin mo kaya ako, puntahan kita matapos lang ang commitments ko. Para kasama mo ang Bebe Love mo bago magPasko." (With matching kilay language ulit si Tisoy)

"Grabe siya! Naku, kung di lang kita mami-miss... Sige na nga, hintayin kita mamaya."

Satisfied, ibinaling na nila muli ang kanilang atensyon sa parada... At excited sa pagkikita nila ulit bago umalis si Meng at ang pamilya nila.

== THE END ==

Sariling MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon