CH02

18 0 0
                                    


Ka-seatmate kita.Pero ni isa nang joke Hindi mo ginawa.Hindi mo man lang ako kinausap O pinansin. Dahil sa inis ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

Mag-isa akong kumakain sa cafeteria dahil hinihintay kita.Hindi ko pa ginagalaw yung pagkain ko Dahil gusto Kong Sabay tayong kumain.

Pero...napunta lang pala sa wala yung paghihintay ko.

Nakita kita....may kaakbay kang babae at umupo kayo Malapit sa table ko.Bakit ako naiinis? Sino ba yung babae na yun? Bakit ako iniiwasan ng matalik Kong kaibigan?

Dahil sa inis ay lumabas ako sa cafeteria at Hindi ko na inubos yung pagkain ko.

Ano bang nangyayari sakin?

Bakit ba ako nasasaktan nung nakaakbay siya dun sa babae na yun?

Tss,Ano bang gusto niyang mangyari?

--------

Christmas Party naten.Napagkasunduan ng Lahat na pumunta sa SM matapos ang party.Niyaya ka nila pero umayaw ka.Nilapitan kita  kinurot ko yang braso mo at tiningnan kita nang masama.

Hinila kita papunta sa school garden.Tiningnan mo ako nang  gulat na gulat diyan sa mga mata mo.Samantalang ako nakatingin lang sayo ng masama.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sayo.Umiwas ka lang ng tingin.

Umupo ka Si bench na mukhang problemadong-problemado.Nakayuko ka lang Hindi na umiimik.

Umupo ako sa harapan mo  para makausap kita nang maayos dahil Hindi ka nga umiimik at nakaupo ka pa."May problema ba? May ginawa ba akong masama?" Sunod-sunod na tanong ko sayo.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.Sa wakas tiningnan mo na ako pero bad timing,Umiiyak ako.Nakakainis ka.

Mas lalong lumungkot yung expresyon sa mga mata mo at ako naman Hindi ko napiligang umiyak.

Niyakap mo ako at pinapatahan.Nag-sorry ka nang paulit-ulit at dun tayo nagkabati.

Itatanong ko dapat sayo kung bakit ba tayo nag-away.

....Hindi ko na pala maitatanong...dahil nasa ibang bansa ka na pala ngayon.Hindi mo man lang ako sinabihan at Hindi ka pa nagpaalam.Ang daya mo.

-----

Mag-isa nanaman akong kumakain ngayon Ngunit may lumapit sakin..yung babaeng kaakbay mo noon.

Sinabi niya na Pinsan mo daw siya at may sulat kang ipinapabigay.

Sa bahay ko na binasa yung sulat...

Binuksan ko at binasa ko.

At humagulgol ako sa kwarto ko.Hindi ko mapigilang umiyak.Sorry...Hindi ko alam Ang nararamdaman mo noon.

Eto ang nakalagay sa sulat:

Dear Jansine,
           Sorry kung di ko sinabi na Pupunta ako sa ibang bansa.Alam Kong magagalit ka sakin kaya idadaan ko nalang sa sulat.

           Napaka-duwag ko diba? Pasensya na.Ayokong makita kang umiyak nang dahil sakin.Sorry....Pasensya na talaga.

          Itatanong mo siguro sakin kung bakit kita iniiwasan noon.Iniwasan kita dahil nasaktan ako.Nung sinabi mo na hanggang magkaibigan lang tayo,nasaktan ako nang sobra.

         Alam mo ba kung bakit? Nasaktan ako dahil gusto kita.Matagal na.

         Sa pasko,uuwi ako sa Pilipinas at liligawan kita.Ayaw ko na maging duwag.Mahal na mahal kasi kita.

        Sorry ulit.Pasensya na talaga.

        Mahal na mahal kita.

                                                                                              Nagmamahal,
                                                                                              Jarred

All About Him and MeWhere stories live. Discover now