CH01

15 1 0
                                    

Naalala mo pa ba nung una tayong nagkita? Tahimik lang ako noon.

Lonely ako sa Totoo lang dahil nahihiya akong makipag-usap sa mga kaklase natin pero simula nung naging katabi kita,nagbago na Ang lahat.Palagi mo ako napapangiti at napapatawa.Pinakilala mo rin ako sa mga kaibigan mo noon kaya sobrang saya,ang naramdaman ko.

Dahil sa palagi tayong magkausap at nag-aasaran, napagkamalan pa tayong mag-jowa.Tinanong tayo ng mga kaklase natin kung nag-dadate ba tayo.Umiling ako at sinabi ko sa kanila ang Totoo.Ang Totoo na hanggang magkaibigan lang tayo.

Matapos Kong sabihin ang mga iyon nag-iba naman ang expresyon sa mukha mo.Para kang nagalit o di kaya nalungkot.Tinanong ko ang sarili ko "May nasabi ba akong masama?" Pero di ko na inisip iyon at nagpatuloy sa nakikipag-usap sa mga kaibigan natin.

  

*********

Pagkatapos non ay bigla mo akong iniwasan.Mas lalong naging malungkot ang expresyon sa mukha mo at Hindi na kita nakikitang ngumiti.

Nilapitan kita sa kinauupuan mo at Tinanong kita nang masinsinan kung ano ba ang nangyayari sayo.Pero di mo ko sinagot at lumayas ka nalang bigla sa harapan ko.

Ano ba ang ginawa Kong masama? Ayan ang tanong ko sa sarili ko.Hindi ko masagot ang tanong na yan.Leche parang iiyak na ako.

Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit mo ginagawa sakin to?

All About Him and Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن