"Ayyiee. Baby A, di mo pa kasi aminin na mahal mo din ako!" sabay tusok sa tagiliran nya.

"Che! Umayos ka nga! Act like a real woman!" sabay tabig nya ng kamay ko.

"Anong tingin mo sakin? Bakla? Hoy Baby A para sabihin ko sayo lahat to totoo!" sabay hawak ng boobs ko pababa ng balakang ko, "Walang part nito ang retok-"

*poink*

"Isa! Umayos ka!" makasaigaw naman to!

"Eto na! Pahawak." inabot ko sa kanya yung purse ko. "wooshooo .." saka ko pinanagpag yung kamay ko sa mukha pababa.

Habang sya nakatingin lang sakin at tinataasan ako ng kilay.

"Muka kang tanga!" natatawa nyang sabi.

"Wag kang epal, walang nanghihingi ng comment mo!" asik ko. Kita ng nag rerelax ako eh!

"Tara na!" Saka nya sapilitan akong hinila papasok.

Bumalik kami sa kumpol ng mga friends nya, I just smile. Pansin kong may mga lalaki at babaeng nahalo sa kanila.

"Si Dianne. Dianne mga friends ko." so ganun lang? Asan yung 'Si Dianne, girlfriend ko' na in-expect ko.

"Hi. I'm Dianne, girlfriend ni Art." mehehe! Ako na agaw eksena!

At isang pinong kurot sa tagiliran lang naman ang natanggap ko sa kanya. Ang sweet talaga ng boyfriend ko no?!

"Wow! Pare jackpot ka sa girlfriend mo ah!"

"Naks. True love yan!"

"Oyy wala ng mang aasar kay Art na bakla!"

"Kiss!"

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon