Chapter One: My Valentine

154 3 2
                                        

Chapter One


Kelsea


"Omg, thank you, Vincent!" Kinikilig na sigaw ni Tori habang yakap yakap yung teddy bear at roses na binigay ni Vincent. Naglean forward siya at kumiss sa pisngi ni Vincent. Napairap ako.


Eww.


"Syempre, para sa pinakalove ko." Sagot naman nito at binigyan ng matamis na ngiti si Tori.


Kadiri! Pwe!


Pabiro kong tinakpan ang tenga ko sa susunod na sasabihin ni Tori.


Here it goes, people.


"Aww, I love you!!"


"I love you too, love."


At nagpalitan sila ng 'I love yous.' Hindi na matapos tapos! Hindi ko na kinakaya ang eksenang ito!


Masyadong sweet! I can't take this anymoreee!


Naaalibadbaran ako!


Bago pa kami makagat ng langgam dito, umeksena na ko sa kalandian ng dalawang to.


"Too much love will kill you." Lakas lang makabitter ng sinabi ko pero sorry, di ako kumakain ng ampalaya.


Panget lasa nun.


Tinawanan lang nila ako. ABA'T--!


Bumusangot lang yung mukha ko at umayos ng upo. Ang kati kati dito! Bat ba nila naisipang maupo sa damuhan?!


Akala nila sweet to?!


Hindiiii!!


"Too much bitterness will kill your heart." Sagot ni Tori sabay dila sakin. Napairap nalang ako.


Ako? Bitter? Ows?


"Sorry, di ako bitter. Honest lang." Cool kong sabi atsaka uminom ng juice na dala ko. Pineapple. Buti nalang to, hindi sweet.


Napatingin ako sa paligid ko, puro couples.


Nagkalat ang mga couples! Nakakairita!


"Porket wala kang lovelife, maninira ka ng moment." Pang aasar niya pa. Napataas ang kilay ko. Yung mataas pa sa Eiffel Tower.


Excuse me? Ako? As in ako? Walang lovelife?


Well...


Hindi ko kailangan ng lovelife.


Hindi ko kailangan ng lovelife para sumaya!


Hindi ko kailangan ng ibang tao para sumaya!

At...


Hindi ako bitter!


"Eh sa nandidiri ako eh. Sakit niyo kaya sa mata." Humagalpak naman ng tawa si Joe, kambal ni Tori, na nakaupo lang sa tabi ko at kanina pa tahimik.


Anong nakain ng isang to at sobrang tahimik? Bilib din ako sa isang to.


Buti at kaya niyang makita at marinig ang kawalanghiyaang PDA ng magjowa na yan.


Hindi talaga ako bitter.


"Well, Happy Valentines, Kelsea." Tumatawang bati niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.


Dear No OneStories to obsess over. Discover now