CHAPTER 26

3.6K 63 12
                                    

Kath's POV

Nandito ako sa office dahil may pinapa-ayos si ma'am sa akin. Ang dami nga eh. -_-

Cinecheckan ko yung pinasagot ni ma'am kahapon sa physics. At ako lang yung tao dito sa office niya kaya sobrang tahimik, yung ingay lang ng red ballpen ko ang naririnig kong ingay. Tss.

Bigla naman nabaliko yung pag-check ko ng biglang may pumasok. Kainis naman ganda na nga ng pag-check ko eh tuloy-tuloy.

Inangat ko yung tingin ko para tignan kung sino yung pumasok. Napatigil ako sa pag-check at tumaas kilay ko.

"Kath" tawag sa akin ni dj. Tss.

Binaba ko tingin ko at pinagpatuloy yung pag-check ko. "Ano kailangan mo?" Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.

Kumunot naman noo niya. "Are you mad?"

Inayos ko na yung notebooks sa tabi ng table ni ma'am at binulsa yung red ballpen kong ginamit. Tumayo na ako at nilagpasan lang siya.

"Hey kath! Are you mad at me?" Tanong niya habang sinusundan niya ako. Lumiko ako papunta sa science department kahit hindi naman dito yung pupuntahan ko. Pero nakakainis sinusundan niya pa rin ako!

"Wag mo nga akong sundan!" Galit kong sabi at mas binilisan pa yung paglalakad ko.

"Tell me first, why are mad at me!" Sabi niya at tumakbo papunta sa harapan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

Tinaasan ko siya ng kilay at maglalakad na sana nang hinawakan niya yung kamay ko.

"Why?" Mahinahon niyang sabi. Gusto ko siyang yakapin at patawarin na agad pero feeling ko para akong nagpapakatanga lang kapag ginawa ko yun.

Umiwas ako ng tingin at tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko. "Umalis ka sa harapan ko, may pupuntahan pa ako"

Napakunot naman noo niya. "Bakit ka ba galit sa akin? Did I do something wrong?"

Kinuha ko yung phone ko at binuksan yung message. Hingis ko sa kanya at buti naman nasalo niya. "O ayan basahin mo!" Feeling ko maiiyak na ako.

Nung nabasa niya ay nanlaki yung mata niya at hindi siya nagsalita.

"Masaya ka na? Ngayon alam mo na, aalis na ako"

Kinuha ko na yung phone ko sa kamay niya at tumakbo na paalis. Patuloy nang tumutulo yung luha na kahit pinupunasan ko na, may tutulo pa rin.

Pumasok ako sa kotse ko at doon umiyak lang ako.

Nang medyo huminahon na ako, nag-drive na ako paalis. Uuwi na lang ako, nawalan ako ng gana makisalamuha sa mga tao.

___________________

"Tita kath, red eyes oh" turo ni lhexine sa mata ko.

Ngumiti naman ako "Tita's eyes are just tired kaya red"

Tumango naman siya at pinagpatuloy yung paglalaro niya ng Elsa at Anna dolls niya.

Kanina pang walang text si dj or kaya tawag. Tss, baka nagtetext sila ni Mich na yun.

*kring*kring*

Kinuha ko yung phone ko at sinagot. "Hello"

"Kath"

Feeling ko maiiyak na naman ako. Naninikip na naman dibdib ko at parang hindi na ako makahinga.

"Kath, please don't be mad at me please"

Hindi ako sumagot at hinayaan lang siya magsalita.

"Sorry if Mich did that..."

Nagsenyas ako kay manang na bantayan muna si lhexine. Tumayo na ako at lumabas.

"I know she's ju.--"

"Alam mo wag ka na mag-explain kasi wala namang mapapala yan eh! Hindi na mababalik. Nangyare na eh! kaya pwede ba..." Pumikit ako at may tumulong luha na naman. "...pwede ba wag mo na akong guluhin"

"Kath--"

Binaba ko na yung tawag at sumandal sa pader.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tulo ng tulo yung luha ko, sobrang labo na ng paningin ko halos walang na akong makita. Pinunasan ko at may napansin naman ako sa side table.

Napaiyak na naman ako ng makita ko kung sino yung nagbigay. Isang red rose yun at may "Dj" pa na nakalagay.

Nilapag ko yung rose ulit sabay kuha ng phone at dinial yung number ni julia.

"Hello" sabi niya sa kabilang linya.

"Julia *sob* samahan mo ako *sob*"

"Hays, umiyak ka na naman ba? Osige san mo ba gusto pumunta?"

_____________________

"Kath, uwi na kaya tayo"

Napatingin naman ako kay julia at napakunot ang noo.

"Anong sabi mo? Di kita marinig! Ang ingay eh" medyong pasigaw na sabi ko.

Tumayo naman siya at hinila ako palabas.

"Ano bang pumasok sa ulo mo at sa club mo pa naisipang ilabas yang hinanakit mo" sermon naman niya.

"Eh kas--" naputol yung sasabihin ko ng biglang may narinig kaming mga pamilyar na boses.Sumilip naman kami at nagtago sa likod ng kotse.

"What the fuck mitch! Could you just leave me for just a second. Why do you keep on bothering me? Tss"

Si Dj yun ah! Anong ginagawa niya dito? At bakit kasama niya si mich. Wala rin sila kats.

"Are you numb? I keep on following you everyday. I keep on texting you. I keep on saying sweet things to you. I keep on seducing you. And you still didn't know why! Oh you jerk! It's because I love you. I love you dj. And now you know, please be mine, please" sabi niya at humawak sa braso ni dj.

Tatayo na sana ako para pumunta sa kinaroroonan nila ng hinila ako pabalik ni julia.

"Dito ka lang" she mouthed at pinanuod ulit silang dalawa.

Padabog na inalis ni dj yung kamay ni mich sa braso niya.

"Are you numb too? Can you see, i'm in a relationship with kath and i love her. Can you just leave us alone. There's so many lads out there seeking for a girl like you. I know you're a nice girl but you don't deserve me. Kath and i are already happy, please don't ruin it as you want it to be" sabi ni dj at tumalikod at maglalakad na sana ng biglang niyakap siya ni mich.

"Dj wait" umiiyak na sabi niya.

Tinanggal naman ni dj yung kamay ni mich at humarap.

Nanlaki naman mata ko nang dahil sa gulat, pati na rin si julia ay naalarma rin.

Sunod na ginawa ni mich? Hinalikan lang naman niya si dj.

__________________________________________________________________
A/N: Sorry na po agad dahil late na late na late na late na 'tong update. Yung mga "Pls update" Huhuhu sorry na po ah.

"Malapit na malapit na malapit na pong matapos ang {Getting that Girl}"

Godbless you all. Mwa. ♥

Getting That Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon