SKTASAS: One Shot

9 1 0
                                        

Chanda.

Ang saklap naman ng love life ko. Bakit? Hanggang tingin lang ako sa minamahal ko. Isang lalaking alam kong wala na 'kong pag-asa. Paano? Wala e! Naunahan ako! Taken na siya. Saklap 'no? Hahaha. Pero okay na sakin yun. At least masaya siya. Hindi nga lang sa piling ko.

"HOY CHANDA GARCIA! LUTANG KA NA NAMAN! KANINA PA 'KO IMIK NG IMIK DITO. TAPOS NI WALA KA MAN LANG REAKSYON!" Maerein (pronounced as Meyrin), kaibigan ko

"AY SI KUYANG TAKENG BET KO!"

"Anak ng sampung kambing naman oh! Hanggang ngayon hindi ka pa rin maka-move on dun!? Nakakaloka ka talaga friend! Nominated ka na sa Best Martyr Awardee!" Maerein

"Hahaha. Luka! Ayun sila oh sabay na namang kumain. Haaaays." sabay nguso sa direksyon ng dalwa, na ngayon ay masayang nagtatawanan

"Oh wag ka nang tumingin friend. Masasaktan ka lang."

"Sus! Sanay na 'ko diyan."
Pero sa loob loob ko. My God! Bakit ganito parin yung feeling! Ang sakit parin. Arggggh!

"Sige sabi mo e! By the way, bukas na nga pala yung School Fair ano? It means? Yuhooo! Walang klase! Hembem! XD" Maerein "Oh my! Excited na 'ko sa mga booths. Sana may bago."

"Oo nga."

-Kinabukasan-
School Fair.

"Friend tignan mo. Ang daming tao dun sa booth na yun." Maerein

"Asan?"

"Dun oh. Tara!" Maerein, sabay hila sakin. Wala e. Friendship goals! XD

Oh my G! Namamalikmata ba 'ko? *PAK* Hindi nga. Ang sakit e! Si Kuyang Taken magsasalita ata. Dito sa SHARE BOOTH. Yun bang parang nagaanonounce. Bago 'to ahh.

"Sisimulan ko na po ang pagsheshare." Si Kuyang Taken nagsasalita na kaya napalingon ako, "I always notice a girl at the Canteen with her friend. Lagi niya kong sinusulyapan. Assumero na kung assumero pero ramdam kong samin siya nakatingin. Ewan ko ba kung bakit tuwing titingin siya ay parang lagi siyang nasasaktan. Then one day, nakasalubong ko yung friend niya. And she said 'Kuyang Taken, bet na bet ka nung bestfriend ko.' Tatanungin ko pa sana kaso umalis na. I was curious kaya inalam ko yung name nung girl. And based on my research, it was Chanda Garcia."

Si Chanda Garcia lang pa-----. Huwaaaat!? Chanda Garcia? Ba't naman napasali ako diyan? Uwaaaah! OMG!

"Hindi ko alam, pero simula nun. Parang gusto ko na lagi siyang nakikita kahit na sa malayo lang."

OMO talaga! Panaginip lang kaya 'to?

"Then one time lalapitan ko na sana siya kaso nakita kong paalis na sila nung boyfriend niya ata."

Ah siguro yun yung time na sinundo ako ni Kuya Chander. Older brother ko. Kaya hindi ko siya pwedeng maging boyfriend. Ano ba naman itong si Kuyang Taken. Sinundo lang? Boyfriend agad? Kalokaaa. XD

"Nung nakita ko yun. Nakaramdam ako nang kirot. At narealize kong,"
Ano kaya narealize nito?

"Gusto ko na pala siya." sabay lingon sakin "Si Chanda Garcia. Diba ako si Kuyang Taken? Edi ikaw naman si Ateng Single ko." sabay kindat

Asa pa Chanda! Kita mong Taken na yan! Baka sabunutan ka pa nung girlfriend nan. And speaking of the girlfriend. Naku! Nakatingin sakin! Baka magalit 'to ah!
Inagaw niya ang mic kay Kuyang Taken at bahagya itong itinulak. Paktay!

"Hi Ate Chands!"
Hanudaw!? Ate Chands!?

"Alam kong iniisip mong girlfriend niya ko. Baka dahil na rin sa lagi niya 'kong kasama. Pero hindi po. Hahaha. I'm his sister. Larien. Larien Salvador. Hihihi. Yun lang. Suportado ko kayo ni Kuya Larenz. A.k.a Kuyang Taken. Ayieeeee!" sabi ni Larien
At nagpalak-pakan at naghiyawan ang mga tao.

-The End-

Si Kuyang Taken at Si Ateng Single (COMPLETED)Histórias para pegar e não largar. Descubra agora