Chapter 6

95 3 0
                                    

"Avril, kailangan na naming umalis." Tumango si Avril kay Dennil.

"Sige salamat sa lahat-lahat."

"Sigurado kang okay ka lang dito?" Nag aalalang tanong naman sa kanya ni Toffee.

"Yeah, i'll be fine."

Iniwan na siya ng apat na lalaki sa loob ng bahay. Nang mapag-isa'y agad na nagshower si Avril at nagpalit ng bihisan.
Nakahanda na ang lahat riti ang lahat ng kailangan niya. Bukod sa pagkain ay mayrron na rin siyang mga damit dito.

Nang makapagbihis na ng plain na black leggings and plain white v-neck shirt ay lumabas na siya ng bahay. Tumungo siya sa likod bahay dahil sabi nila Toffee ay maganda raw ang tanawin doon.

Pagdating sa likod-bahay ay humanga si Avril sa man-made lagoon na napapagitnaan ng dalawang nalaking puno. Nilagyan pa ng props na mga baging ang dalawang puno na nakalaylay ang mga dulo nalapit sa tubig.

Naupo siya sa sementadong bench na naroon. Nalilungkot siya ngayon sa kanyang pag-iisa at naa-lala niya ang kanyang Papa, dahil inakala nito g nakidnap siya. Subalit kailangan niya itong gawin.

Nagakamali siyang tanggapin ang pag-ibig niya kay Phil at pumayag ditong g magpakasal. Nagkamali siyang nagtiwala sa lalaki.
Napapikit si Avril ng maalala ang narinig niyang katrayduran ni Phil.

Flashback..

Papunta siya sa townhouse ni Phil ng hapong iyon. Gusto niyang sorpresahin ang nobyo kaya nagdala siya ng buko pie na paboritong-paborito nito.

Pero sa halip siya ang nasorpresa sa natuklasan niya.

Pumuslit siya patungo sa dirty kitchen ypang nakapasok sa loob ng bahay ng hindi napapansin ni Phil. Alam niya laging naiiwan ni Phil na bukas ang pinto dun.
Tama si Avril. Pagdating sa likod ng bahay ay bukas ang pinto roon. Maingay siyang nakapasok.

"Phil, ano ba talaga ang gusto mo?"

Napahinto sa may gilid sng fridge si Avril nang marinig ang pamilyar na boses. Hindi siya maaating magkamali, boses iyon ng madrasta niyang si Mabel. Pero ano naman ang ginagawa rito ni Mabel at ano ang pinag-uusapan na ni Phil?

"Marami akong gusto, Mabel. Marami akong plano. At ang goal ko? I want to get rich and to have you back again."

"Iyong tungkol sa atin ay matagal ng tapos, phil. Nakaraan na iyon at ang tagal na no'n. Tapos na sa atin ang lahat"

May nakaraan sina Phil at Mabel? Hindi halos makapaniwala si Avril sa natuklasan.  Wala siyang nahahalatang kakaiba sa dalawa kapag pumupunta si Phil sa kanilang bahay maski noong nanliligaw pa lang ito sa kanya.

"Limang taon tayong magnobyo noon, Mabel and Five years is five years. Hindi biro iyon."

Palihim na sumilip si Avril mula sa pinag kukublihan ng dalawa.

"Hindi na natin pwedeng ibalik ang nakaraan Phil"

Aang tayalikod na si Mabel upang tunguhin nito ang pinto pero mabilis itong napigilan ni Phil sa braso at niyapos.

"You can't just walked away on me, Mabel. Not like that"

"Kasal na ako kay Frank"

"Alam ko at napaka swerte ng matandang hukluban na iyon dahil siya ang kasama mo sa iisang bahay, ang katabi sa kama. Mabuti nga't na stroke siya at least nakakasiguro akong hindi ka na niya naaangkin."

Napahumindang si Avril sa narinig. Hindi niya akalaing napaka walang hiya ng kanyang nobyo. Hindj siya makapaniwalang minahal niya si Phil at pumayag magpakasal dito.

"Hanggang ngayon ay masama parin ang loob ko dahil nagpakasal ka matandang huklubang iyon at itnapon mo ang limang taon nating relasyon."

"Alam mo ang dahilan Phil. Malubha ang inay at hindi ko siya pwede g pabayaan. Hindi ko maaatim na panoorin siya habang unti unting pinapatay ng kanyang sakit."

"But then namatay din siya."

"Ng maginhawa,Phil. Dahil ng pakasalan ko si Frank ibinigay niya lahat ng ginhawa kay nanay, maayos na tirahan, masasarap na pagkain, mga gamot. Kaya payapang namatay ang Inay, dahil alam niyang nasa mabuti akong kamay. Natatandaan mo ba na sa iyo ako unang humingi ng tulog noon, pero wala ka pa naman pera noon....."

"Dahil ayaw pa akong kilalaning anak ng papa ko noon. Ikinahihiya niyang nagkaroon siya ng anak sa isang labandera. Kaya hindi nya ko matanggap. May anak daw siya kaya hndi niya kailangan ng isa pang anak. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Kasalanan niya kung bakit ako nawalan ng nobya at kung bakit galit ako sa mundo. Kung hindi pa namatay ang asawat anak niya ay hindi pa ako makakatungtong sa bahay ng papa ko."

"Phil...."

Siniil ng halik ni Phil ang mga labi ni Mabel. Parang may tumarak na punual sa dibdib ni Avril nang masaksihan niya iyon. Gustong-gusto niyang sugurin ang dalawa pero pinigilan niya ang sarili.

Nang magkalas ang  kanilang labi habol ni Mabel ang paghinga.

"Mayaman ka na ngayon Phil"

"Wala sa kalingkinan ng pera ng mga Braganza sa pera ng mag amang Frank at Avril. Isa pa'y nalulugi ang negosyo namin kaya bago ako itakwil ulit at ikahya ng papa'y kailangan kong pakasalan si Avril."

Sa pinagkukublihan ay lalong nakaramdam ng galit si Avril. Ang wlanghiya! Pera lang pala ang dahilan kung bakit niligawan siya at pinainig ni Phil. Kung bakit siya niyayang magpakasal.

"Phil, walang kasalanan si Frank."

"I know pero hadlang siya sa ating dalawa."

"At si Avril? Malapit na kayong ikasal. Kapag kinasal kayo'y matatali kana rinsa kanya katulad ko kay Frank."

"May solusyon ako riya mahal. Kaya lang naman ako magpapakasal sa kanya ay para mahawakan ko ang Trajano Group of Companies. Good for me dahil ang gaga'y ayaw pamahalaan ang sarili nilang business. Kapag ako na ang nakaupo unti-unti kong ililipat sa negosyo namin ng papa ang pera nila hanggang sa bumagsak ang kumpanya nilang mag-ama."

"Matalino si Avril, Phil. Hindi siya ganon kadaling Lokohin."

"Oh really? Well, i have to change my plans. Kapag nakasal na kami at ako na ang namamahala sa kumpanya nila'y ipapakidnap ko siya. Ibibigay ko kunwaro ang ransom para mapadali ang pagpapalaya sa kanya ng mga kidnapers perp kahit may ransom ay papatayin parin siya ng mga kidnapers-dahil iyon ang utos ko . Saka naman aatakehin si Frank at mamatay din"

"Papaano kung hindi naman atakihin sa Frank?"

"Gagawa ako ng paraan pwede ko siyang ihulog sa hagdan, o kaya''y takpan ng unan ang kanyang mukha habang natutulog siya. Ang mahalaga'y mamatay siya. Papalabasin nating inatakr siya at presto-solo na kita mayaman pa tayo."

Muling hinalikan ni Phil ang labi ng babae at inakay ito paakyat sa second floor ng bahay. Kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapusliy palabas ng bahy ng hi di namamalayan ng dalawa.

Umiiyak si Avril habang sakay ang sasakyan niya dahil sa mga nalaman niya. Umiiyak siya sa galit , sa matinding galit . Kay Mabel at Phil.

End...

Nagtagis ang ngipin ni Avril ng maalala niya ang araw na iyon.

Hindi panga lang panahon para ilabas ang kanyang galit. Kaya sa pag babalik niya ilalagay niya kung saan dapat ilagay ang dalawang taksil.

[Susunod]

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz