Chapter 5

105 2 0
                                    

"Monica... Monica... "

Unti-unting dumilat si Monica at namulatan niyang nakatunghay sa kanya ang maraming pares ng mga mata: mga mata ng Papa ni Avril, ng madrasta ng kaibigan, ang nobyong si Phil at mga kasambahay doon.

Nakaupo sa wheelchair si Mr. Trajano samantalang si Monica ay nakahiga sa mahabang sofa. Bigla siyang na-concious sa itsura kaya mabilis na bumangon.

"Tito Frank."

Inabutan agad siya ng yaya ni Avril na si Nanay Lydia ng isang basong tubig. Agad itong ininom ni Monica bago niya ibinalik ang baso sa may edad na babae.

"Salamat, Nanay Lydia."

"What happened, Monica?" Tanong ni Mr. Trajano. "Sino ang mga iyon, Monica?"

"I-i don't know, Tito. Apat silang lumapit sa amin at agd na humawak kay Avril. Hindi ko sila nakilala dahil nakasuot sila ng bonet sa mukha. Hindi ko rin alam kung ilan talaga sila dahil may mga kasama pa sila sa loob ng itim na van..." Nanginginig sa takot na wika ni Monica.

Talagang natatakot siya. Hindi dahil sa pag aalalang baka mapahamak ang kaibigan niya. Alam niyang okay lang si Avril. Natatakot siya dahil baka dala ng takot niya ay madulas siya't malaking gulo ang mangyayari.

Napapilsi ng malakas si Phil. Hawak nito ang cellphone at kanina pa may tinatawagan.

"Bakit ba kayo lumabas ng bahay ni Avril?" Hindi na nakatiis na tanong ni Phil.

"Nag-aya si Avril na maglakad-lakad kami-"

"Nang ganoong oras? Hindi mo ba alam na delikado para sa mga babaeng tulad ninyo na pakalat-kalat sa kalye ng gabing-gabi na? To think na ikakasal kami ni Avril bukas. Sana man lang ay pinagsabihan mo ang kaibigan mo hindi yung sinang-ayunam mo pa ang kalokohan niya.!' Galit na litanya ni Phil.

"Phil," saway dito ni Mr. Trajano. "Huwag mong sisihin si Monica. Hindi niya kasalanan ang nangyari. Bata pa sila ni Avril ay magkaibigan na at alam na alam kong matigas ang uli ng aking anak. Basta may ginusto si avril maski pigilan pa ito ni Monica ay wala rin siyang magawa, si Avril parin ang masusunod."

Napa buntong-hininga ng malakas si Phil.
May inis namang naramdamin si Monica para sa nobyo ng matalin niyang kaibigan. Noon pa tlaga ay hindi na niya ito gusto para kay Avril. Bukod sa arogante na'y may kahambugan pa ang Phil na to. Kaya mabuti na rin iyong ginawa na plano no Avril, dahil hindi na matutuloy ang kasal ng dalawa bukas. No mamaya na pala dapat ang kasal dahil pasado alas-doa na ngayon ng madaling araw.

"Monica." Malumanay sba sambiy ni Mr. Trajano sa pangalan niya. "Nakita mo ba ang plate number ng sasakyan ng mga dumukot sa kaibigan mo?"

Umiling ng sunod-sunod si Monica.
"H-hindi ho Tito. Sa sobrang takot ko ho ay nablangko ng ilang sandali ang isip ko't hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Nang matauhan ako'y saka ako natarantang nagsisigaw pero nakalayo na hi ang van. Kaya tumakbo na ho ako pabalik dito sa bahay..." Hindi magkanda tutong sagot ni Monica baho siya napaiyak at napasubsob asa kanyang mga palad.

Mas lalo niyang ginalingan ang pag arte dahil sa inis niya kay Phil.

Tingnan lang natin. Ikaw ang mag mumukhang tanga mamaya sa simbahan. Paano mong sasabihin sa mga guests na hindi tuloy ang kasal dahil nakidnap ang bride.

"Ring lang ng ring ang cellphone ni Avril. Walang sumasagot," sabi ni Phil bago muling pinindot-pindot ang mga key ng telepono.

"Walang dalang cellphone si Avril. Iniwan namaing dalawa ang cellphone namin sa besroom niya."

"Bullshit!" Piksi ni Phil. Ibabato sana niyo ang Cellphone pero biglang natigilan ng mapatingin sa gawi ni Mr. Trajano.

Marahil ay naalala ng lalaki na wala siya sa sariling pamamahay at hindi pa sila kasal ni Avril kaya hindi niya dapat ipakita ang tubay na kulay sa ama ng mapapangasawa.

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Where stories live. Discover now