Chapter [6]: Im not yet done!
Abigail's POV
"Bhie?" Tawag sa akin ni Jin.
"Bakit?" Sagot ko.
"Tayo lang dalawa diba?" Tanong niya.
"Oo naman. Bat mo naman nasabi yan? Ako nga dapat mag-sabi niyan e." Sabi ko sa kanya.
"Wala lang. Para lang naman malaman mo na kung gaano kita kamahal." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Tss! Ikaw talaga! Alam mo h'wag kang ganyan! Baka hanap-hanapin ko e." Sabi ko.
"Tsk! Okay lang na hanapin mo. Hindi naman ako mawawala e." Sabi niya.
Hindi ako sanay na ganito siya. Well, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Sobrang lambing. May problema kaya?
"Bhie? May-"
"Shh... Wala bhie. Walang problema, masama bang maging sweet sayo?"
"Nye? Hindi ako sanay e." Sabi ko.
"Edi masanay ka na." Sabi niya at lumapit sa akin.
May nagbukas naman ng pintuan.
"Ay! HAHAHAHAHA. Sorry." Sabi ni Ate Arianne. Tsk! Kahit kailan talaga 'to.
"A-ate..." Sabi ni Jin habang nakahawak pa sa batok niya. Sapakin ko 'to e.
"Kayong dalawa ha! Umayos kayo. Lumabas nga kayo d'yan sa kwarto ni Abby. Jusko." Sabi niya at umalis na.
"Anong problema non?" Tanong ko.
"Maling iniisip." Sabi ni Jin at binuksan ang pinto.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa labas. Mag-bihis ka. Lalabas tayo." Sabi niya at iniwan na ako sa loob.
Saan naman kaya kami pupunta non?
Nagbihis na nga ako. Simple lang, tutal hindi ko naman alam kung saan ang lakad namin.
"Oh. Saan nanaman punta niyo?" Tanong ni Ate.
"Wala ka na doon." Sagot ko.
"Umayos talaga kayo ah." Banta ni Ate.
"Tulad mo ako sayo." Sabi ko sa kanya.
"Edi wow." Sabi niya at inirapan pa ako.
"Mauna na kami ah. Mamaya mag-bugbugan na kayo d'yan!" Sabi ni Jin.
Lumabas na nga kami sa bahay.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Mag-lalakad-lakad..." Sabi niya.
"Gago ka ba?" Tanong ko.
"Grabe ka naman." Sabi niya.
"De joke lang. Kakain lang tayo ng lunch d'yan sa may mall." Sabi niya.
Hindi na kami nag-kotse. Mas sweet daw kapag nag-lalakad lang. Hindi niya ba alam na medyo malayo ang Robinson mall dito sa village namin? Kahit kailan si Jin.
"Saan mo gusto kumain bhie?" Tanong niya sa akin.
"Doon oh. Sa savory!" Sabi ko.
"Libre mo?" Sabi niya.
"Nag-aaya ka lumabas ta's ako mag-babayad." Sabi ko. Kinurot naman nya ako sa pisngi.
"Di ka na mabiro. S'yempre, ako mag-babayad." Sabi niya.
Pumunta na nga kami sa Savory restaurant. Ako na pinaorder niya kaya naman ako na lang pumili.
"Ah... CR lang ako ah?" Paalam ko.
YOU ARE READING
CCPP TWO: Together
Teen FictionPauline left her friends after Justine chose to break her heart. After months, she tried to forget everything about her first love, which was definitely also her first heartbreak. But in the whole process of moving on, she loses contact with the pri...
