Marahan siyang tumango at pinilit na huwag magpaapekto sa ginagawa nito. Napatingin siya sa mga kasama nila sa kwarto at nakahinga ng maluwag dahil hindi napapansin ng mga ito ang ginagawa ni Adrienne. If they knew, they probably wouldn't say a thing.

Elisse suddenly felt nervous in the middle of silence. She felt a sudden jolt in her heart, then it started beating incredibly loud and fast that it almost hurt. Napapikit siya nang may naaninag na pangitain sa isip. Malabo ito ngunit alam niyang marahas ang inilalarawan ng bawat imaheng nakikita.

Panganib...

She hissed when she heard a certain voice. Panganib? Saan? Kailan?

"Elisse?" Bulong sa kanya ni Adrienne, sinimulan nitong hagurin ang likuran niya. "May problema ba?"

Panganib...

Muli siyang nakarinig ng boses sa ulo niya. Images flashed in her mind. There's blood ─ lots of it.

"Elisse?"

Lumingon siya kay Adrienne at hindi inalintana ang pagkakalapit ng mukha nila. Mas namamayani sa sistema niya ang kakaibang nararamdaman. She knew that it's not good. "Masama ang pakiramdam ko sa pwedeng mangyari."

"What do you ─" Biglang tumalim ang titig ng kausap at lumingon sa pinto. Adrienne sniffed and hissed, her eyes turning gold in color but the vibrant color of it looked dangerous.

Napasinghap si Elisse nang marinig ang marahas na pagtayo ni Sam sa upuan nito. Pansin niya rin ang biglaang pagseryoso ng ekspresyon maging ng kambal.

"Naramdaman ninyo ba iyon?" tanong ni Sam.

The twin nodded. Maging si Adrienne ay sumang-ayon.

"I smell blood," Rin whispered but it was enough for them to hear.

"And danger," dugtong naman ni Len.

Elisse and Adrienne stood up. Tama ang nararamdaman niya. Tama ang naririnig niya sa isipan. May panganib. Napalingon siya sa bintana at nakitang nagdidilim na ang langit.

Wala silang inaksayang panahon at kaagad na lumabas ng kwarto, tinungo nila ang daan palabas ng gusaling kinalalagyan. Ang bilis nilang maglakad kaya halos tumakbo na siya para lang masabayan ang mga ito.

Inamoy niya ang paligid at nakaamoy ng kakaiba ─ amoy dugo nga. Napasinghap siya nang maramdaman ang pagsakit ng ulo. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Elisse, okay ka lang ─" Hindi na natapos ni Adrienne ang balak sanang sabihin dahil napatitig na ito sa kanya kahit wala silang tigil sa paglakad-takbo. "Ang mata mo."

"A-anong problema?" Nahihirapan niyang tanong dahil parang lalong sumasakit ang ulo niya bawat segundo. Parang tumitibok. Parang sasabog.

"It's changing in different colors."

Malapit na...

Nagsimulang lumalim ang paghinga ni Elisse na para bang may humahabol dito. She felt like she was palpitating, her heart was in pain. Huminto si Adrienne at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "You don't look fine. Maiwan ka na di ─"

"No," she hissed, "sasama ako."

"But ─"

"Please, Adrienne...tutulong ako!" Napasigaw na siya dahil sa naramdamang biglang pananakit ng panga. Para itong binabarena. "Ah!"

Malapit na...

"Elisse!"

Makalipas ang ilang segundo ay kakatwang nawala ang sakit na nararamdaman niya. Napatingin siya sa kanilang lahat na nag-aalalang nakamasid sa kanya pabalik. Napakunot siya ng noo.

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Where stories live. Discover now