"Yas?"

"Si Diamond," Napalunok siya nang mapansing unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ng kaibigan. "Wh-why... why did she turn you into a...vampire?"

Napansin niya ang saglit na pagdaan ng halu-halong emosyon sa mata ng kaibigan ─ katulad iyon no'ng nakaraan na magkaharap si Asha at Diamond.

Asha returned her smile, shaking her head in a dismissing manner. "I'll tell you next time, okay?"

Elisse pursed her lips. Hindi pa ito handa magsabi at naiintindihan niya ang kaibigan. Hinawakan niya ang kamay ni Asha at tumango. "Okay."

"Thank you." Her best friend cupped her cheeks and gave her a kiss on the forehead.

Elisse closed her eyes and smiled. Ang sweet talaga ng best friend ko.

Bahagya itong lumayo sa kanya at parang natuyo ang lalamunan ni Elisse nang makita sa likuran nito ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso niya nitong mga nakaraang araw. Nakatingin ito ng masama sa kanila ─ sa kamay nila ni Asha na ngayo'y magkahawak. Wala sa sariling napalunok siya.

Mabilis itong nakalapit at kaagad siya nitong nahila palayo sa kaibigan. "Kukunin ko na si Elisse."

"Gandang pagbati." Natawa si Asha. "Hello, Adrienne."

Elisse stiffened when Adrienne held her hand like she had the right to do so. Walang emosyon itong nakatingin sa kaibigan niya.

"Fine." Ngumiti ng nakakaloko si Asha bago ibaling tingin kay Elisse at tumango. "Iwan ko muna kayo ni Adrienne. Bye."

"Wait —" Hindi na niya natapos ang gustong sabihin dahil parang bulang naglaho sa paningin niya ang matalik na kaibigan. She sighed. Now she's stuck with this girl beside her.

Halos mapatalon si Elisse nang maramdaman ang kamay nito sa baywang niya. Nilingon niya si Adrienne at nahuli itong nakatitig sa kanya ngunit hindi niya mabasa ang emosyon nito. Napaiwas agad siya ng tingin dahil doon. She can feel her heart thumping in her chest.

"I can hear your heartbeat," bulong nito sa tainga niya. "Anong iniisip mo?"

Napapikit siya. Ikaw.

"W-wala." she denied.

Bahagyang lumayo si Adrienne at huli ni Elisse ang ngisi sa labi nito. She knew that the vampire did not believe her answer even one bit. It's frustrating for Elisse that she's easy to read ─ especially with Adrienne.

Pakiramdam niya ay wala siyang kayang itago rito.

"W-wait ─" Napakapit na lang siya sa leeg ng kasama dahil sa gulat nang binuhat siya nito nang walang paalam at bridal style pa iyon. "Adrienne ─"

"We're going for a run."

Alam niyang pulang-pula na siya ngayon dahil sa hiya. Ang dami nang tumitingin sa kanila.

Napapikit na lang siya nang magsimula nga itong tumakbo. Ramdam niya ang pagtama ng hangin sa mukha. Napakapit siya nang mahigpit sa leeg ng dalaga dahil sa takot na baka mahulog. "A-adrienne!"

Hindi katagalan ay huminto na rin sila. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Malabo iyon noong una ngunit nang luminaw ay napaawang na lang ang bibig niya sa nakita.

"You like this place?" Adrienne whispered.

Napatango siya at inilibot ang paningin sa kagandahang nakikita ng mga mata. Right in front of her was a beautiful lake, it was glistening like crystals, the afternoon sun rays and the sky changing its color was also reflecting on the water. May mangilan-ngilan ding puno sa paligid at nagkalat na ligaw na bulaklak. The air smelled of water, wildflowers, and the woods. "Ganda..."

Blood Sucker (GL) [Completed, Unedited]Where stories live. Discover now