Chapter 46 - Birthday Celebration

4.5K 111 52
                                    

Dara's POV

Maaga akong nagising kasi ngayon kami magshoshoot for our beer commercial.

Biglang nagvibrate cp ko. Tiningnan ko ang message....galing pala kay Jiyong.

behave rabbit !! di ako sasama ngayon kasi may ginagawa pa ako pero pupuntahan ka ng manager ko para matulungan ka niya. May pinadala akong food, kunin mo na lang sa kanya. Love you. :)

' ang sweet talaga ng boyfriend ko ' sabi ko sa sarili ko

nagreply din ako.

okay. love you too <3333 

bababa na sana ako nang bigla na naman nagvibrate cp ko.

you're mine !

napasmile na lang ako bigla sa text nya.

------------------------------------------------------

Nagkita na kami ni Lee minho, gaya nga ng sabi nila super gwapo talaga. Lalo na kapag tumitingin sya sayo, para kang matutunaw sa mga titig nya. Kinikilig ako pero hindi ko pinapahalata kasi alam kong nasa paligid ko ang mga mata ni Jiyong. hahaha. Medyo awkward at first pero ok lang naman ang shoot namin. Hindi kami masyado nag-uusap ni lee minho kasi nga lage nakabantay yung manager ni Jiyong. Baka kung ano pa ang masabi nya. Medyo nahirapan kami sa kiss namin kasi hindi tumatama ng maayos sa lips kaya marami kaming retake ..mga 100 lng naman. xD Pagkatapos ng shoot ay umuwi na ako. Hinatid ako ng manager ni Jiyong sa bahay namin.

 nagtext ako sa kanya

nakauwi nako :) 

ilang minutes nagreply kaagad sya sa akin

ok. dadaan ako dyan. i miss you :(((((

nalungkot ako bigla. naguguilty ako sa sarili ko kasi feeling ko si jiyong na lang lage naghahanap ng way para makita ako. sya lage nagbibigay ng surprises. Naisip ko bigla ang birthday nya.

'omg next week na pala birthday nya' sabi ko sa sarili ko

narinig ko na lang na may beep ng sasakyan sa labas kaya lumabas kaagad ako.

bigla ko syang niyakap.

" hey ! hahaha what happened? " tanong nya sa akin habanag nakangiti 

at ako naman nakayakap parin

" nothing. i just miss you so much " sabi ko na nakangiti rin

" sshhh.kaya nga pumunta ako dito eh kasi alam kong miss moko " sabi nya

" hmp " ang tanging ginawa ko habang nakapout

nang matapos ang aming pagkakayakap ay niyaya nya akong pumunta sa hanriver bridge

dun kami nagkwentuhan. 

" kailan nga pala ii-air ang commercial nyo? " tanong nya

" next week siguro " sabi ko

" ano nangyari kanina? " tanong nya

ayoko sabihin sa kanya ang tungkol sa kiss namin.

" ok lang. medyo awkward nga lang kami ni lee minho " sabi ko

" mabuti " 

" huh " sabi ko

" wala sabi ko malamig dito " sabi nya

" ahh gusto mo hanap tayo ibang place ? " tanong ko

" ok lng. maganda naman dito " sabi nya

pagkatapos naming magkwento ay umuwi na kami. Alam kasi ni Jiyong na pagod ako sa taping kanina kaya gusto nya na akong magpahinga.

The Ongoing Love Story of DaragonWhere stories live. Discover now