‘’Relax baby, darating din tayo doon’’ sabi niya habang nagmamaneho at ng tignan ko siya nakita ko na lang ang mga ngiti sa labi niya na kakaiba.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero ginawa ko naman ang sinabi niya, napapapikit na lang ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

>>>>>> 

‘’Baby’’ rinig kong tawag sa akin ng taong mahal ko.

‘’Hhmm’’ nakatulog pala ako sa byahe at pagmulat ko ng mata ko nakita ko na lang na nasa isang kwarto na ako at nakahiga sa kama kaya napabangon naman agad ako.

‘’Nasaan tayo Francis?’’

Akala ko sasagutin niya ang tanong ko pero bigla na lang niyang tinakpan ng panyo ang mga mata ko.

‘’Francis anong ginagawa mo?’’

‘’Wag mong tanggalin, sumunod ka lang sa akin’’ hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan, hindi ko naman Makita dahil nakapiring ang mga mata ko basta sumusunod lang ako sa kanya.

‘’Francis san ka pupunta?’’

Bigla kasi siyang humiwalay sa akin.

‘’Take it off baby’’ pagkarinig ko sa sinabi niya ay tinanggal ko na nga agad ang panyo na nakapiring sa mata ko at ng imulat ko ang mga mata ko.

‘’Francis’’

Nakita ko na lang na punong-puno ng petal ng red roses ang buong swimming pool area ng bahay na tinutuluyan namin ngayon at ganun din sa kinatatayuan ko at sa gitna nito ay may isang mesa na for two person only at nakatayo si Francis sa gilid nito.

‘’Did you like it?’’ lumapit siya sa akin at iniabot ang red roses na hawak niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Where stories live. Discover now