Chapter 15

14.4K 89 0
                                    

 A/N : hai ^___^ pasensiya na kung natagalan sa update si ako huh .. busy pa kasi sa school hehe opo studyante pa lang po ako hehe .. ito nga po pala yung new UD ko .. so sana po magustuhan niyo and enjoy ..

 ================

Nagising ako na wala sa tabi ko ang lalakeng nagpasaya at nagpatikim sa akin ng saya kagabi kaya bumangon ako at kinuha yung shirt niya na nasa saheg at ito ang isinuot ko sa katawan kong nakahubad at lumabas ng kwarto para hanapin siya.

Nakakarinig ako ng maingay sa kusina kaya pumunta ako doon at pagdating ko doon ..

''ANONG NANGYARI SA KUSINA KO?!!'' pasigaw kong tanong sa kanya, nagkalat kasi yung buong gamit at sobrang gulo ng lahat  sa kusina ko.

''Pasensiya kana baby, lilinisin ko na lang to'' sabi niya sa akin habang pinupulot yung kaldero na nahulog sa lapag.

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung kaldero na hawak niya at inilapag sa mesa, ''Ano ba kasing balak mong lutuin at ganito na kakalat ang ginawa mo sa kusina ko?'' tanong ko sa kanya sabay tingin sa buong kusina ng apartment ko.

''Scrumble egg'' nakangiti niyang sabi sabay kamot sa ulo niya.

''ANO?? SCRUMBLE EGG LANG??'' napasigaw ako sa kanya hindi dahil galit ako kundi dahil nagulat ako sa sinabi niya na lulutuin niya tapos yung mga nakalagay na sangkap sa mesa eh kung anu-ano na lang.

Saan ka nakakita ng scrumble egg na may karne,gulay,harina at kung anu-ano pa?? yan kasi yung mga nakalagay at nagkalat na sangkap sa kusina ko at sa tingin ko inilabas na niya lahat ng laman ng refregirator ko.

''Pasensiya naman, hindi kasi ako marunong magluto'' napapangiti na lang ako sa itsura niya at mukhang hindi niya ito napapansin.

''Halika nga'' hinila ko siya palapit sa akin at pinahid yung mga harina na nasa mukha niya

''Nagugutom na ako'' sambit niya habang inaalis ko pa rin yung mga harina na nasa mukha niya at napangiti na lang ako sa sumunod niya ginawa.

Bigla niya akong hinalikan ..

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon