Pano ba to!! Hindi pa ako nakakapagayos.

Papasok na siya sa entrance at palapit na sa akin.

Ang gwapo niya sa suot niyang simpleng white t’shirt at pants, bakit ba kahit na simple lang ang suot niya eh ang gwapo-gwapo pa rin niya. Pero teka, di ba may dinner date kami ngayon eh bat ganyan lang ang suot niya?? Mas pormal pa akong tignan kesa sa kanya eh.

                                                                                                                                             

‘’Baby ready ka na?’’ nasa harapan ko na pala siya.

‘’Ah, eh hindi pa’’

‘’Sige na ma’am sumama kana kay sir gwapo kami na lang ang magtatapos nito, Gawain naman po naming ito eh’’ sabat ni tellie

‘’Oh, narinig mo yun, so tayo na?’’ nakangiti niyang sabi sabay hawak sa bewang ko.

Sasagot pa sana ako kaso bigla na lang niya akong hinila palabas at isinakay sa sasakyan niya.

‘’Ang dumi ko pa Francis’’ sabi ko sa kanya pagka upo ko sa passenger seat ng sasakyan niya.

‘’Maganda ka naman’’ inulit lang naman niya yung sinabi niya kanina eh ‘’At mahal ko pa’’ dugtong niya sa sinabi niya, namula ata ako sa sinabi niya.

‘’Your blushing baby’’ bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ito bago pinatakbo ang sasakyan niya.

Nakakainlove talaga ang mokong na to, kaya mas lalo ko siyang minamahal eh!

Ilang oras na kaming nasa sasakyan at ni hindi ko man lang alam kung saan kami pupunta kaya napatanong na lang ako sa kanya.

‘’Francis saan tayo pupunta?’’ mukhang malayo na kasi itong binabyahe namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masarap Ang Bawal (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon