My Circle of Friends

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tutal gabi na din naman, di hihintayin ko na kayo ni kuya Zilv para party party tayo. Tagal na ng huling get-together nating tatlo. Ite-text ko na lang si Uncle."

Nagkibit-balikat lang siya at saka ko siya hinila para umalis na doon. 

Ano kayang iniisip ng lalakeng 'to? Unusual kasi ang pagiging tahimik niya samantalang kalaban ko siya sa pagiging madaldal.

Naglalakad kami pabalik sa school nang bigla na lang may humarang na babae sa dadaanan namin. "Miss, have you seen a tall guy, uhm, mestizo siya with an angelic face?" Tanong ng babaeng estudyante rin na parang iiyak na pero nakuha pang i-describe nang ganoon ang hinahanap.

"Ah si Mo---" (O_<)?

Nasaan na ang kasama ko? Katabi ko lang siya kanina ah? What is it with these men at bigla na lang nawawala?

"Ahmn, may nakita nga ako pero nakita kong pumasok sa BusEd Bldg. Siguro nasa CR 'yun, mukhang nag-e- LBM eh." 

Lately napapansin ko na madalas akong nagsisinungaling ah. Tsk, tsk, tsk!

Bigla na lang akong tinalikuran ng babae at hindi na nagpasalamat o nagpaalam.  Napailing na lang ako.

Ewan ko ba naman kay Moi. Ang tagal-tagal ng playboy eh 'di pa din malusutan nang maayos ang mga problema sa mga babae. Haaay...

Saan na kaya 'yong lalakeng 'yon. Pero hindi si Moi ang hinahanap ko... Ayiee!

At saan nga pala 'ko pupunta? Hmn..


{A/N}

Hello readers! Salamat sa pagbibigay ninyo ng time para basahin ang istoryang 'to mula sa mga sabog kong ideya sa sabog kong utak, bwahaha! Kung gusto nyong i-like, mag-comment (positive man o negative)o maging fan o mag-vote (sureness!), wag po kayong mahihiya, hehe! Kung gusto nyo lang po.

It's a free country anyway.

Peace on Earth!


^^^^^^^^

Sayang... Tsk, tsk, tsk!

Sarado na ang SSC office. Malamang nakauwi na din si Unsmiling Prince, wala ng mga third year ang may klase sa building nila.

Note: Alamin ang class schedule, address, e-mail ad at mobile no. ni Rion.

At ngayon nga, pupunta 'ko sa kabilang building. Titingnan ko kung nandon pa si Zilv. Hindi kasi ako sigurado kung pumasok ang lalakeng iyon.

Matalino siya but studying is not his priority. Mas gusto pa 'ata niyon na i-master ang iba't ibang art ng pakikipagbasag-ulo at sumali sa mga karera. But he's a good person nonetheless.

Nagha-hum pa 'ko ng kanta habang naglalakad nang may mapansin.

Bakit ba ang dilim na agad sa building na'to? Ilang fluorescent lamp pa lang ang may ilaw sa hallway at walang naliligaw na tao.

Lingon sa likod. Lingon sa kaliwa. Sa kanan. Lingon ulit sa likod. (O_<) (>_O)

Kung may manghaharang sa akin na siga na doble ang laki sa'kin ay hindi ako matatakot... Pero hindi ang mga multo! Binilisan ko ang paglalakad.

Nilagpasan ko ang elevator. Ayoko ngang sumakay doon. Mamaya magpatay-sindi ang ilaw tapos tuluyang magbrown-out tapos ma-stuck ako dun at may magpakitang... Nanay ko po!

Lakad-takbo na ko. Halos gapangin ko na ang pag-akyat sa hagdan. Di ko na tuloy alam kung nasaang floor na 'ko. Napahinto na lang ako nang may marinig akong mahihinang boses na nag-uusap.

RION (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon