Hershey Choco Shake <3

16 1 0
                                    

========Lorraine's POV========

Hayy nakoo,di ko na talaga sya magiging crush,di ko naman kasi akalain na ganon sya eh,pero okay lang naman na di ko na sya maging crush kasi,humanga lang naman ako sa galing nya magbasketball eh,at tsaka gumagwapo kasi sya kapag naglalaro hahahaha pero seryoso ako,di ko na sya magiging crush

"Cher,pano yan?Nagback out si Faye,ayaw daw nya" Nadistract ako nang biglang pumasok si Sir Mark na adviser ng kabilang section

Naguusap sila ng adviser namin,si teacher Bea,kaya nakikinig lang ako sa kanila,total recess pa naman eh

"Lorraine" Nagulat ako kasi bigla akong tinawag ni sir kaya nilingon ko si sir

"Lorraine,ikaw na lang kaya kumanta? Nagback out kasi si Faye eh" Alok nya

Hala? Oo mahilig akong kumanta pero never pa naman akosumali sa contest na ganyan eh....anong gagawin ko???

"Sige na Lorraine,huwag na maginarte,may extra grades ka kaya kapag sumali ka sa mga ganyan" Sabi ni teacher Bea

Di ko alam kung anong gagawin ko.....ayoko sumali dahil baka mapahiya lang ako pero..para sa grades ko din yun eh,top 5 pa naman ako sa klase...kinakabahan ako

"Uhhhhmmm.....Oo nalang sir" Ohmygad I can't believe this...sasali ako sa singing contest?!?! I'm sure mapapahiya lang ako

Pagkatapos ng paguusap namin nila sir sinalubong ako ni Faye

"Hoy Faye,walanghiya ka bakit ka kase nagback out ako tuloy ngayon ang pinapakanta"

Tapos tinawanan lang nya ako,grabe talaga sya,hmmmmp

—————————————————————————

Uwian na ngayon,at nagiintay na naman ako kay sir na ako naman ang ipractice nya pero wala parin,kasi marami pa syang kailangang asikasuhin,parang lahat nga ng category sya ang nagpapractice eh,kase ba naman yung teacher namin,walang kwenta kapag sya ang nagpapractice,wala kayang nangyayare kapag sya,iniintindi ko na lang sya kasi bago pa naman sya eh

Actually ilang araw na kami ganito eh,iintayin ko si sir Mark hanggang matapos nya ang lahat,pero dahil sa sobrang tagal di ko na din sya naiintay at umuuwi nalang ako kasi nagiintay na rin ang sundo ko,kaya wala rin kaming nagagawa

Kaya nga,mas kinakabahan na ako eh,gusto ko magback out pero di pwede,eto na eh,pumayag na ako na kumanta sa Buwan ng Wika namin

Bukas na ang last day ng practice,pero wala parin ako nagagawa,kaya dapat bukas makapagpractice na ako,kasi di na naman ako makakapagpractice ngayon kasi hinapon na ako dito kakaintay

—————————————————————————

Nakauwi na ako at nagpractice na din ako dito sa bahay,actually binago nga namin yung kakantahin ko eh kasi sabi ko di ko abot yung unang kanta,mataas kasi eh

—————————————————————————

Okay,ngayon na ang huling araw,dahil bukas na ang competition,dapat asikasuhin na nila ako

"Lorraine,halika na magpractice na tayo" Sa wakas,tinawag na din ako ni sir Mark,aba dapat lang,kasi eto ang una at huli naming practice noh

Kaya tumayo na ako at lumapit na ako kay sir,at nagsimula na kami magpractice

Okay lang naman yung pagpapractice namin,pero medyo nahihirapan parin ako sa high notes

Hershey Choco Shake (One Shot)Where stories live. Discover now