"Alexise Catherine and Kennedy Lorrenzo, you have heard the words about love and marriage, have exchanged your vows and made your promises, and celebrated your union with the giving and receiving of rings. It is at this time that I now pronounce you husband and wife." Sabi ni Father Roman saka naman umugong ang napakalakas na palakpakan. "You may now kiss the bride!" dugtong ng Padre.

Mabilis namang hinapit ni Kenzo sa beywang si Erine, palapit sa kanyang katawan. Saka masuyong pinaraanan ng haplos ang makinis nitong paa, kaya bahagya pang pumaitaas ang laylayan ng kanyang traje de boda. Kaya iniyakap ni Erine ang mga braso sa batok nito saka bumulong sa punong-tenga ng kanyang gwapong asawa.

"Kenzo, Father Roman says you may now kiss me. He didn't say you may romance me." Bulong ni Erine dito. Bigla naman silang natawa pareho, lalo na nang dahan-dahang nagkatagpo ang sumisimbolo sa kani-kanilang pagkatao. Pumikit si Erine nang maramdaman ang init ng hininga ni Kenzo, lalo na nang hawakan siya nito sa magkabilang pisngi. Kenzo kissed her passionately. That was a 20 seconds kiss and a round of applause has given to them by their guests.

"I can't wait to make love to you, Mrs. Villahermosa." Bulong ni Kenzo sa kanya, kaya dahan-dahan niya itong kinurot sa tagiliran.

The only thing that really matters to them is love. Their friends are plenty, their families are closer now and their devotion is unwavering. And they make sure to season all their big day with laughter, food, wine, and plenty of celebration. But in the end, they’re in love, and to Kenzo and  Erine that’s all that matters.

"Time flies so fast." Sabi ni Erine nang matapos niyang balikan ang wedding photographs nila ni Kenzo. That was two years ago. Yahnie is in grade school now. And right now? She is carrying their second child. Four months na rin ang kanyang tiyan. Alagang-alaga siya ng kanyang asawa, kahit sobrang busy na nito sa trabaho. Lalo pa ngayon at mayroon silang sariling Shipping Lines na pinapatayo, dito mismo sa Puerto Prinsesa, Palawan. Erine always makes sure na siya ang nag-aalaga sa mag-ama niya kahit pa napaligiran na sila ng mga kasambahay. Ayaw niyang i-asa ang responsibilidad na kaya naman niyang gawin. But, of course, tuwing daytime wala ang mag-ama sa bahay. Si Kenzo mismo ang naghahatid-sundo kay Yahnie sa pribadong paaralan na pinapasukan nito.

Naghanda na ng Merienda si Erine dahil alam niyang parating na sina Kenzo at Yahnie. Nakahanda na 'yon sa mini-dining room ng sarili nilang bahay, nang bigla namang bumusina ang kotse ng asawa. She's always excited everytime they arrives.

"Mama! We're home!" masayang wika ni Yahnie saka patakbong sinalubong ang ina. Nang siya'y makalapit ay pinupog siya nito ng maraming halik sa mukha saka niyakap nang mahigpit. "I miss you."

"I miss you too, baby." Tugon ni Erine saka pinaghahagkan din ang napakaganda niyang anak. And Kenzo is standing by the main door with a bouquet of pink roses with him. Napaka-gwapo nito, bagay na hindi yata mapigilan ni Erine na ma-in love dito nang paulit-ulit. "Yahnie, go upstairs okay and dress up. Tapos, bumaba ka para makapag-merienda tayo ng Papa mo."

"Yes, Mama." Sabi nito saka nagmadali namang pumanhik sa ikalawang palapag ng Mansion house nila.

"Hi, baby boy." Bati ni Erine sa kanyang asawa at kinilig siya nang kindatan siya nito. "Dyan mo 'ko nadali eh." Aniyang nakangiti at nang malapitan siya ni Kenzo ay agad siya nitong hinapit sa beywang at tinitigan. Sabay halik sa kanyang mga labi.

"Missed me?" tukso ni Kenzo sa asawa.

"Gusto ko na yatang magtampo." Sabi ni Erine saka iniyakap sa batok ng asawa ang mga braso niya. "I don't see you at home —that often. Kung nasa bahay ka naman, matutulog ka na lang."

"Sweetheart, babawi naman ako saiyo. Kapag medyo, nakaluwag na ako sa time. Kapag wala na akong masyadong maraming ginagawa sa office." Sabi ni Kenzo sa mahinahong tinig. "I'm sorry. Alam mo naman na ang lahat ng ginagawa ko ay para din sa inyo ni Yahnie. At para sa bunso natin."

"MY BOSSY ASSOCIATE"Where stories live. Discover now