One

2.8K 74 8
                                    

"Nice to meet you again, Mr. Park Chanyeol."






Hindi ko alam kung sino dahil ngayon ko lamang narinig ang boses na 'yon. Hindi ako masyadong sigurado. Atska bakit may again? Nagkakilala na ba kami?


"Maupo ka." Tanging kamay lamang niya ang makikita dahil ito lamang ang nakatapat sa liwanag. Sinenyasan n'ya akong umupo at sumunod naman ako. Narinig ko s'ya magpalakad-lakad pa. Narinig ko s'yang dumaan sa likuran ko at tumigil doon. Hindi ako gumalaw o gumawa ng kahit ano mang ingay. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kung ano man.


Naramdaman ko s'ya sa likuran ko. Wala pang ilang minuto na nakatayo s'ya dun ay naramdaman ko ang hininga n'ya sa tenga ko. "You're hired." Sabi n'ya sa mapaglarong boses. Naramdaman ko pang nilaro n'ya ang buhok ko bago maglakad ulit paikot ng lamesa. I'm hired?


"Kilala ko ba ako?" Napalunok na lamang ako bago sumagot. "H-Hindi." I said before gasping. Naramdaman kong nasa likod ko na agad s'ya. Ni'hindi ko naramdaman o narinig na naglakad s'ya, basta ang alam ko nasa likuran ko s'ya.


Tumawa s'ya at ipinatong ang ulo n'ya sa ibabaw ng ulo ko at ang mga siko niya ay nakapatong rin sa mga balikat ko. Tinakpan n'ya ang mata ko, "Hulaan mo kung sino." Sabi n'ya sa pamilyar na tono. Parang tila nagbalik ang mga alaala.






"B-Baekhyun?" At pagtanggal n'ya ng kamay sa mga mata ko ay bumukas ang lahat ng ilaw. Kisap lang ako ng kisap dahil sa biglang pagbabago ng liwanag. Sobrang dilim kanina tapos biglaang nagliwanag, masakit 'yun sa mata.


Nang luminaw na ay nakita ko siya. Nakangiti at nakatayo sa harapan ko. Gusto ko s'yang yakapin. "I-Ibig sabihin.. na.. natupad ang mga pangarap mo?" Tumawa s'ya at tumango. Agad akong napatayo. Lalapitan ko na sana s'ya ng bigla n'yang iniharang ang kamay n'ya, sinesenyas na hindi ako pwedeng lumapit.


"From now on, I'm your boss. You're my personal assistant. Understand?" Parang tila nawalan ako ng kaunting balanse sa sinabi n'ya. Hindi manlang ba n'ya ako namiss? Hindi manlang n'ya ako yayakapin o kukurutin sa pisngi gaya ng ginagawa n'ya dati?


"You'll start working tomorrow. Kyungsoo!" Sigaw n'ya at agad na pumasok 'yung maliit na lalaki. "Yes sir?"


"Paalisin mo na 'yung nga babaeng may mga kasamang impostor, nakita ko na ang hinahanap ko." At sumilip s'ya sa pagitan ng blinds sa bintana. Agad na lumabas 'yung Kyungsoo daw at si Baekhyun naman ay umiling-iling habang tumatawa.

Date The Model ActorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant