Chapter 38 - New Feeling

12.8K 247 1
                                    

Paguwi ko ay patay ang ilaw sa sala ibig sabihin tulog si Kuya or hindi pa siya nakakauwi.

Nakapikit siya habang nakasandal sa sofa at dumilat nang bumaba ako.

"You're early. Going out?"

"No. Iinom lang ng tubig." Sagot ko. I smiled secretly. He is asking the wrong question kasi. It's more like hindi pa ako natutulog at matutulog pa lang.

Tumango lang siya habang patungong hagdan. "Ikaw na bahala sa kakainin mo mamaya and don't wake me up."

Sumunod ako sa kanya at agad akong nakatulog pagkahiga ko. I didn't realized na inaantok na ako until makahiga ako. Pag kasama ko talaga si Vince nabubuhay and diwa ko at parang ayaw kong pumikit at matulog dahil ayaw kong nasasayang ang oras.

Tanghali na ako ulit nagising at chineck ko agad ang phone ko. May mga text sila Camille doon niyayaya akong tumambay sa bahay nila Ian mamayang gabi.

Kumain muna ako sa bahay bago ako pumunta kanila Ian. Naririnig ko na agad ang mga makukulit na mga bata sa bahay niya.

Nagtatalon sila nang makita ako dahil alam na nila ang sunod.

Ngumiti naman ako at may kinuha sa bag ko. It was a bag of gummy bears. Tuwang tuwa sila sa tuwing pupunta ako dito dahil binibigyan ko sila ng candy madalas.

Doon kami sa theater nila at nanood kami ng mga movies. Nang magsawa ay naisipan naman namin na magstay sa patio. Sosyal lang kung sosyal sila Ian. Dapat doon kami sa loob pero maingay dahil naglalaro ang mga pinsan niya.

"Dito mo ata napractice ang patience mo, friend." Sabi ko sabay sulyap sa mga pinsan niya sa loob.

Umirap naman siya. "Ano pa nga bang magagawa ko?"

Humalakhak si Camille. "If I were you, nako hindi ko na alam. I think I might go crazy kung ganito palagi sa bahay."

One thing na hinahangaan ko kay Ian ay ang pasensya niya talaga. Sobrang bait niya at minsan lang 'yan magsusungit. Mahilig nga lang talaga niya akong barahin.

Uminom ako sa juice ko. "Pag sa bahay sobrang tahimik naman nakakabaliw rin Cams."

"Ay!" Biglang sumigaw si Ian. "Pag ako naman ikaw, araw araw maganda ang gising ko. Kung may kasama ba naman akong kasing gwapo ng Kuya mo sa bahay."

Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha ng kapatid ko at hindi na ako masyado nagwagwapuhan sa kanya though oo gwapo nga siya but so so lang. Kung hindi ko siya kapatid hindi ko pa rin siya magiging type. Gusto ko kasi 'yung maganda 'yung mata 'yung tipong titigan lang niya ako ay matutunaw ako. Then 'yung kilay mas gusto ko medyo makapal kasi parang mas nakakadagdag gwapo tapos 'yung lips 'yung tama lang and of course the 5 o'clock jaw. Parang nung mga features ni Vince.

Pumikit ako. Again? Vince nanaman? I chuckled.

Naabutan kong nagbubulungan ang dalawa. Umubo si Camille habang nakangiti naman si Ian.

"Sinong iniisip mo? Si Vince, ano?"

"May iba pa ba?" Umirap ako.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay ngayon ko lang napagtanto ang ginawa nila. I was tricked!

Well then since inamin ko na iyon might as well tell them everything. And when I say everything, I mean everything without the kiss. I will never ever tell anyone about that.

"I think," Panimula ko at nakikinig naman sila. "I think I like him."

Hindi nagulat ang dalawa at parang wala lang sa kanila ang sinabi ko kaya inulit ko. "Guys. I said I think I like him."

"Wag kang sumigaw dyan! We heard you."

"So? Wala kayong reaction man lang?"

Gusto kong maghanap ng reaction sa kanilang dalawa pero wala talaga. Nagkatinginan lang sila. Hirap na hirap akong aminin na gusto ko siya at pati sa sarili ko ay hindi ko maamin and when I finally did, wala akong nakuhang comment galing sa kanila na madalas akong asarin. Kahit hindi na pagkagulat, kahit pagiging masaya nalang pero wala. Nagtitigan lang kaming tatlo.

"Ano na?" Tinignan ko si Camille tapos si Ian.

Camille sighed then leaned forward. "Akala ko ano na. We knew it even before you knew it yourself. You can't fool us, Trisha. Alam namin na matagal mo na siyang gusto. Gustong gusto mo na siya simula pa lang kaya hindi na kami nagtaka."

Pinamulahan agad ako dahil sobrang straightforward niya iyon sinabi at sapul na sapul talaga sa akin.

I like him. This time kaya ko nang aminin sa sarili ko iyon. Hindi ko na itatanggi ang katotohanan na iyon. I like it when he teases me, I like how he can make me laugh and at the same time annoy me. I just like everything about him.

"Tama kami, ano?" Hinampas ako ni Ian sa braso. "Oh my God friend namumula ka na!" Tumawa sila.

"Ano na?" Camille said while still laughing at me.

Hinawakan ko naman ang pisngi ko at tumingin sa kung saan.

"Pero ang tagal ha. Medyo mabagal ka, friend."

"Atleast I said it. Happy?"

"More than happy."

"Satisfied."

Ngumisi ang dalawa at panay ang pangaasar nila sa akin.

"So kailan mo balak ipaalam sa kanya?"

Nakatingin lang ako sa kanila at hindi sumagot.

"Ano? Hindi mo sasabihin?" Napalakas ang boses ni Camille.

Ngumiwi ako, "Eh kasi alam mo naman ang side ko dyan diba? Ayaw ko ng mga ganyan. Ay basta. Hindi ko pa alam tsaka medyo naguguluhan pa rin ako."

"You are not making any sense! Paano mo naman nasabi yan eh hindi mo pa nga sinusubukan?"

I know hindi ko pa nasusubukan pero natatakot akong sumubok. Hindi ko nagugustuhan ang naiisip kong ending sa amin. I'm not asking for more. Actually okay na ako sa ganito kaming dalawa.

May nakakalimutan pa sila. Si Kuya. Siya lang ang lalaki sa buhay since I was born tapos biglang may sisingit na Vince? I should take this slowly and think it over kung talaga bang gusto ko 'to.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya, "Sasabihin ko naman it's just hindi pa ako ready sa mga maaaring mangyari kaya hindi muna."

"Sige, ikaw bahala. Wala naman kaming magagawa dyan. Kahit anong sabihin namin, it's still your call. Susuportahan ka lang namin in whatever you decide." Aniya.

"So dito talaga tayo nagdramahan?" Maarteng singit ni Ian.

Natawa nalang kaming tatlo. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko but I know this is new because I never felt this way before.

But as far as I know I like him and just the sight of him makes me the happiest.

My Brother's Best Friend (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora