Chap 5: Just the same

21 1 1
                                    

(Jelle's POV)

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang Lib. Isasauli ko sana tong hiniram ko na mga libro para dun sa reaction paper namin. 

"JM's GIRL!!" muntik ko ng nabitawan yung dala-dala ko. Napatingin ako dun sa tumawag. 

"Anong JM's girl pinagsasabi mo dyan?! Ikaw Ella, kung makapag-imbento! Pano nalang kung may makarinig?!" napatingin naman ako sa paligid. Langya. Naglevel up yung tawag niya sakin. From JM girl to JM's GIRL?! Seriously. Ang layo ng meaning.  -.-

Napahawak sa bibig ang loka at nagpeace sign pa. "Sorry. Hihi. Kanina pa kasi kita tinatawag, di ka man lang nakikinig." nag-pout siya pagkatapos. Sira talaga to. 

"May iniisip--" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi agad na tumili si Ella. Napahawak tuloy ako sa tenga ko, lakas makatili eh.

"Daliiii naaa! Ikwento muna yung nangyari nung sabado~!!" at tumili ulit.

Basag na ata eardrums ko. -.-

----

"Ui girl, napuyat kaba kagabi?" kanina ko pa kasi kinukusot yung mata ko. At kanina pa niya ko kinukulit tungkol dun sa nangyari nung sabado. Nakarating na kami ng Lib pero di ko parin kinekwento.

"Wui! May nangyari bang di maganda?" naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Napansin niya siguro na nag-iba yung expression ng mukha kaya agad niya kong hinila at pinaupo dun sa may bakanteng upuan.

"Talk." Seryoso niyang sabi. Okay, di ako sanay na ganito si Ella. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon at sabay na kinusot-kusot ulit yung mata ko. Double purpose na rin. Kasi mukhang konti nalang maiiyak nako sa di maipaliwanag na dahilan. Ano ba kasing nangyayari sakin? Kagabi pa sumisikip yung dibdib ko.

Napabuntong hininga si Ella, "Okay. I understand. Pero dapat pag-andito na si Cynds, kailangan mo ng sabihin." 

Tumango nalang ako bilang sagot. Oo nga pala, wala nga pala si Cyndie dito kasi hinila bigla ni Dan kanina. Kesyo magpapasama daw. Dumadamoves ata kay bespren Cynds. 

(Cyndie's POV)

Hikab Story ♥حيث تعيش القصص. اكتشف الآن