Sinabi niyang may dala siyang susi at mahimbing ng natutulog ang Mama niya nang dumating siya kaya hindi niya napansin ang pag uwi niya. Hindi alam pero sa tingin ni Sam ay nakumbinse niya ang kanyang Mama sa sinabi niyang dahilan. Nag paalam si Sam sa Mama niya dahil sa may pupuntahan lang siyang lugar mamaya.

**

Hindi ko alam ang idadahilan ko kay Mama kanina nang tanungin niya ako kung anong oras ako nakauwi sa bahay. Eh, sa wala din akong alam tungkol sa bagay na iyon. Mabuti nalang naniwala siya sa idinahilan ko. Pero sa ngayon ang importante nakapagpaalam ako ngayon sa kanya ng mabuti. Kelangan kong alamin ang tungkol sa kanila ang tungkol sa mga bampira. Hindi man lingid sa aking kaalaman ang unting nalalaman sa kanila, sa tingin ko kailangan ko pang madagdagan ang tungkol sa kanilang mga bampira.

Makalipas ang ilang oras, ay nagpaalam na ako kay Mama. Sinabi kong pupunta lang ako sa bilihan ng mga aklat para sa may malibangan naman ako nitong bakasyon. Nang makarating ako dito sa lugar na ito ay agad naman akong nagtungo sa seksyon kung saan nakapaloob ang librong hinahanap ko. May isang libro akong nakita na parang lahat ng detalye ay nakapaloob dun.

Pinamagatang “Interview with the Vampire” isang librong Ingles na isinulat ng isang Amerikanang si Anne Rice. Ayon sa kanyang kwento o sa librong kanyang isinulat inilalarawan nang mga bampira ang paraan kung papaano sila mambiktima. Ayon sa imahinasyon na pagsasalarawan ng manunulat na si Anne ay sinabi niya rin kung papaano nauubos ang mga bampira at kung papaano sila nadadagdagan. Medyo naguluhan ako sa bagay na iyon. Patuloy ko pa ring binasa ang ibang detalye sa libro.

Mabuti pa sa bahay ko nalang ito basahin, pumunta na ako sa kaha para bayaran ang librong napili ko. Pagkatapos ay umalis na ako. Hindi ako nagpaabot ng dilim dahil sa baka meron nanamang mangyaring kakaiba tulad ng nangyari sa akin nang huli akong gabihin sa pag uwi.

Nang maghahapon na ay medyo sumama ang panahon, nagdilim ang kalangitan at sumasabay ang mga sanga ng mga puno sa ihip ng hangin. Maagang nagluto si Mama dahil sa baka mawalan ng kuryente. Nang makaluto ay kumain na kami ako na ang naghugas ng pinggan pagkatapos dahil saw ala pa pala akong nagagawang trabaho buhat ng umalis ako kanina. Ginawa ko na lahat ng pamamalakad ko bago ako nagtungo sa kwarto ko, nag sipilyo, naghilamos at nagpalit ng bahay pantulog.

Alas otso palang pero maaga nang natulog si Mama. Ako naman ay andito na din sa kwarto ko. Pinatay ko ang ilaw sa buong kwarto ko at binuksan ang isang munting ilaw sa may lamesa ko na malapit sa kama ko. nakasandal ako sa pader habang nakaupo sa kama at kinuha ang plastik na pinaglagyan nang libro na binili ko kanina.

“Interview with the Vampire by Anne Rice

Nag simula nang umulan pero mahina lamang ito. Habang umuulan ay sinimulhan ko na din buklatin ang librong binili ko. Nalaman ko din na isa din pala itong kuwento ng pag ibig, kaya naman mas naging masigla pa ako para basahin ang librong ito. Habang nagbabasa ako ay umihip ang hangin, napakalamig nito nang dumampi sa balat ko.  Nakalimutan ko palang isara ang bintana ko kaya naudlot ang pagbabasa ko para isara ang bintana.

Matapos iyon ay dumiretso muna ako sa banyo, binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko. Humarap ako sa salamin at nag isip. Naisipan ko ng bumalik sa higaan ko at ipagpatuloy ang pagbabasa. Saktong papatayin ko na ang ilaw ditto sa kwarto ng may mapansin ako na siyang ikinagulat ko. Isang lalaking nakayuko at nakatayo ngayon sa harapan ko.

“Kamusta ka na Sam?”

Sa boses na iyon, kinilabutan ako. Nanayo ang balahibo ko nang iniangat niya ang kanyang ulo. At ang ipinagtaka ko ay papaano niya nalaman ang pangalan ko. Napansin ko ang kanyang mukha, hindi siya tulad nang nakita ko noong gabi na may umatake sa akin na tulad niya. Makinis ang mukha niya napaka puti. Duguan ang kanyang mga labi hanggang sa kanyang leeg, marahil dumaloy ang dugo papunta dun. Teka si Mama, baka may nangyari na sa kanyang masama. Saktong lalabas na ako ng kwarto nang matigilan ako sa sinabi niya.

“Kung ang pupuntahan mo ay siya, huli ka na”

Hindi ko siya pinakinggan pa, hinayaan ko siyang nagsisitawa sa kwarto ko, ang kailangan kong intindihin ay si Mama. Pagbukas ko ng pinto…hindi, hindi ito maaari. Hindi!!! Sumigaw ako ng malakas. Hindi ito maaari, naiiyak na ako. Si Mama, nakahalundusay sa sahig, at nangingisay dahil sa parang nawawalan na ito ng hangin. Naliligo sa sarili niyang dugo, nanginginig na iniaabot ang kanyang kamay sa akin.

“S-sam”

“Hindi…hindi po kayo mamamatay, dadalhin ko po kayo sa ospital. Ma, pakiusap”

Hindi ko kakayanin kung maging si Mama ay mawala din sa akin. Hawak hawak ko ang isa niyang kamay, may sinasabi siya pero hindi ko na din ito naiintindihan. Niyakap ko si Mama.

“Mahal na mahal kita Sam”

Kahit na mahina man na sinabi ni Mama iyon ay narinig ko pa rin. Niyakap ko si Mama ng mahigpit. Ayaw ko pa siyang mawala sa akin, gusto ko pa siyang makasama. Oo, alam ko na kahit pasaway akong anak ay mahal ko pa rin si Mama. Umiiyak na din si Mama, pero higit pa ako dahil sa nanghihina na siya. Naramdaman kong hindi na gumagalaw si Mama at ang ikinagulat ko ay ang kamay niyang bumagsak na sa sahig. Sumigaw ako, hindi…

“Hindi, Ma pakiusap magsalita po kayo”

Patuloy pa rin sa pag uunahan ang pagtulong luha ko. Natigil ako ng may isang malakas na pagtunog ng paa sa likuran ko. Nilingon ko ito at ngayon nakita ko ang lalaking sabik na isunod ako tulad sa ginawa niya kay Mama. Napatayo ako at napapaatras sa bawat paglapit niya sa akin. Binabato ko siya sa lahat ng nakikita kong bagay.

“Wag ka ng lumaban pa, dahil makakasama mo lang din naman ang iyong ina”

Napahinto na ako sa pag atras dahil sa nakasandal na pala ako sa pader. Wala akong makapa na pwedeng ibato sa kanya. Nakikita ko sa kanyang mukha ang saya. Natatakot na ako, agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang dalawang kong kamay. Hindi ako makapalag, nagagalak siya sa nakikita niyang nahihirapan ako.

“Bitawan mo ‘ko”

Patuloy ako sa pagpalag, binubuka na niya ang kanyang bunganga at sa isang segundo ay…

Napabangon ako, bumuntong hininga ako dahil sa ang alam ko ay tunay ang lahat nang nangyari. Isa lang pala ulit itong panaginip. Nasa ibabaw ko ang librong binabasa ko kanina, natulugan ko pala ito marahil ay sa pagod na din. Saan na nga ba ako nagtapos? Ahh… sa parte na palang hinahabol ng isang bampira ang dalaga, dahil sa nasaksihan ng dalaga kanina ang isang pangyayari na una niya palang nakita sa buhay niya.

Ang pagpatay sa isang tao ng isang bampira dahil sa ininom nito ang dugo ng tao. Patuloy sa pagtakbo ang dalaga hanggang sa may naka bunggo itong lalaki, ngunit sa hindi niya alam ay isa rin pala itong bampira. Bumagal ang paghabol ng bampira dahil sa alam na nitong wala ng takas ang babae. Patuloy sa paghingi ng tulong ang babae sa lalaking nakabunggo niya pero wala itong kibo hanggang sa nasa likuran na niya ang bampirang humahabol sa kanya.

Wala ng nagawa ang babae kundi tumakbo pero natigilan siya dahil sa hinawakan ng lalaking nasa harapan niya ang braso niya. Nagpupumigil ito para makatakas pero natigilan ito ng magbago ng anyo ang lalaking nasa tabi niya. Napasigaw siya ng malakas pero huli na ang lahat. Masayang pinagsaluhan ng dalawang bampira ang leeg niya na siyang duon nila iniinom ang dugo ng dalaga. Sinara ko na ang libro dahil sa dinadalaw na din ako ng antok, tinignan ko muna ang aking bintana mula sa aking higaan sarado naman na ito kaya naman natulog na ako.

Itutuloy…

The Other Side  【Slow Update】حيث تعيش القصص. اكتشف الآن