TOS 03

121 7 6
                                    

Kristoff Point of View

Kay tagal na din nang huli kaming magkita. Kamusta na kaya siya? Labing tatlong taon na din ang nakakaraan. Kilala niya pa kaya ako? Teka, oo alam kong kilala niya pa ako at saka may pangako kami sa isa’t isa at alam kong… hay panu pala matutupad yun kung sa simula palang ay iniwan ko na siya. Pero hindi ko naman kagustuhan ang umalis.

Nakaraan:

Pauwi na ako nun, nang may makita akong isang batang babae sa isang palaruan. Nakaupo siya sa duyan, na para bang umiiyak. Nakatalikod siya sa akin kaya naman nilapitan ko siya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya, habang tumabi naman ako sa duyan na kinauupan niya. Humihikbi pa rin siya at pinupunasan ang kanyang mga luha. Maya maya pa ay nagsalita na din siya.

“Yung lobo ko kasi, lumipad” patuloy pa din siya sa pagpunas ng luha niya.

“Gusto mo ba ng lobo? Punta ka sa kaarawan ko, marami akong lobo dun bibigyan kita” Tumingin siya sa akin na bakas sa kanyang mukha ang saya, dahil na din siguro sa sinabi ko.

“T-talaga? Salamat” Tumayo siya at agad akong yinakap sa kinauupuan ko kaya naman sa bigla niyang ginawa nahulog ako sa duyan at siya…nakapatong sa akin. Nakita ko sa malapitan ang kanyang mata na sobrang saya, napakaganda niya. Hindi ko alam pero para akong namula sa inisip ko kaya naman umiwas na ako ng tingin.

“O-oo pangako, bibigyan kita, basta punta ka sa bahay. Ikakasaya ko yun pag pumunta ka” at binigyan ko siya ng isang ngiti.

“S-salamat” at nagulat ako sa ginawa niya. H-hinalikan niya ako sa pisngi.

“Ah eh, wala iyon. Ano? Okay ka na ba? Sige, aalis na ako hehe”

“T-teka”

“Bakit” paglingon ko sa kanya nilalaro niya ang dalawang hintuturong daliri niya at ipinagtatapat ito.

“P-pwede ba ako makisabay? Pauwi sa amin, malapit lang naman waa kasi akong kasama pauwi eh”

“O-ok lang hehe, halika isasakay na kita dito sa bisekleta ko” At isinakay ko na siya, nasa likuran ko siya habang siya ay nakayakap sa bewang ko. Tahimik lang akong hanggang siya ay nagsalita muli.

“A-ano pala ang pangalan mo?”

“Kristoff ang pangalan ko. Eh ikaw?

“Ahm Samantha, Sam nalang. Ilag taon kana ba Kristoff”

“Hehe, pitong taong gulang na ako”

“Mas matanda ka pala sa akin ng isang taon, eh di kuya kita hehe. Pwede ba kitang maging kuya? Kuya Kristoff? Wala kasi akong kuya eh at saka nag iisang anak lang ako.”

“Hmmm, pwede. Pareho tayo, nag-iisa lang din akong anak.”

“Yehey, may kuya na ako..Ahmm Kuya, dito na ako kuya ito pala ang bahay namin.” Sabay turo niya ang bahay na nasa likod niya. Teka, magka lapit lang pala ang bahay namin sa kanila. Isang bahay lang ang pagitan sa aming dalawa

“Eh, magkalapit lang pala ang bahay natin Sam, bahay namin yun oh. Isang bahay lang ang pagitan sa ating dalawa.”

 “Oo nga. Ahh kuya sige, papasok na ako sa bahay. Ingat Kuya” ngiti niyang sabi sa akin.

“Sige, hmmm..Sam bukas susunduin nalang kita dito sa inyo”

“Sige”

Hanggang sa dumating araw, sinundo ko nga si Sam sa kanila. Tanghali, ginanap yung kaarawan ko. Marami namang dumalo, maging ang handa ko madami din. Maraming lobo at saying saya si Sam kasi mapapalitan na yung lobo niyang lumipad. Ang saya, kasi dati ang hiling ko magkaroon ako ng kapatid. Si Sam nga yun, kahit di naman kami magkadugo tinuring ko siyang kapatid.

Hapon na, pumunta kami ni Sam kung saan kami unang nagkita, sa palaruan. Tapat lang siya ng ilog kaya naman maganda mamasdan dito ang paglubog ng araw. Ngayon, nakaupo lang kami ni Sam sa damuhan kung saan inaabangan naming dalawa yung araw na lumubog. Pinagmasdan ko ang itsura ni Sam, yung ekspresyon ng mukha niya, napakasaya. Mmm… ngayon ko lang napansin sa matagalan ang ganda pala ni Sam.

Teka, ano ba itong nararamdaman ko. Biglang humarap sa akin si Sam kaya naman napaiwas ako ng tingin. Nagulat ako ng hinawakan niya yung pisngi ko, ewan ko pero para akong namula dun.

“May dumi ka sa pisngi kuya”

Hinayan ko lang na inalis niya yun, hindi ko kasi alam kung ano ito.

“Hmm..Kuya, m-may sasabihin sana ako sayo”

“A-ano yun Sam?”

“Pangako mo na ikaw na magiging kuya ko ahh”

“Oo naman simula ngayon ako na ang kuya mo”

“Huwag mo akong iiwan kuya ahh”

“Lika nga dito sa tabi ko, sandal mo yang ulo mo sa balikat ko, oo naman hindi kita iiwan. Ano ka ba? Tignan mo yung araw”

At sabay naming tinitigan ito, napakaganda.

“Sa paglubog man ng araw, hindi ibig sabihin nito ay lilisan na siya. Asahan mong hindi ka niya iiwan, tulad ko.”

“Pangako yan ahh”

“Oo naman, pangako yan  Sam. Mmm…tara na? uwi na tayo, sakay na kita sa bisekleta ko.”

“Sige Kuya”

**

Matapos mangako sa isa’t isa, ay lalong pinagtibay ng dalawa ang samahan nila bilang magkapatid. Araw araw naglalaan sila ng oras nila para magkasama, bumibisita minsan si Kristoff sa bahay nila Sam at gayun din si Sam kay Kristoff. Pero isang trahedya ang nagsubok sa kanila, hindi man kagustuhan ni Kristoff ang lumisan ang pangako niya kay Sam ay hindi natupad. Si Sam, na tanging si Kristoff lang, ang Kuya na itinuring niya na nangakong hindi siya iiwan ay sa paningin niya ay napako, iniwan siya nito sa kadahilanang hindi niya pa rin nasasagot.

Hating gabi na, nakatingala pa rin si Kristoff sa kalangitan. Inaalala ang panahong mga bata pa sila ni Sam, naglalaro at parating hinihintay ang paglubog ng araw. Pero ang hindi niya malilimutan ay ang isang kahimbal himbal na nasaksihan niya, ano ang bagay na iyon?

Ipagpapatuloy…

The Other Side  【Slow Update】Where stories live. Discover now