Cinderella's Girl Chapter 1

10.2K 267 9
                                    

Cinderella's POV

"Ellaaaaaaa!! Bumangon kana nga dyan. Magluluto ka pa ng almusal baka nakakalimutan mo." Pag gigising sakin ni Manang Letty. Sya kasi yung pinaka head ng katulong dito.

At yes! Isa po akong katulong dito. Julalay, Yaya or whatever. Basta naninilbihan ako sa Mansion ng isa sa pinaka mayamang pamilya sa lugar namin. Ang Collins Family.

Isa sila sa mga may maraming pinapatakbong kompanya dito sa bansa. At ang maganda meron silang nag iisang anak lang na Babae na si Veronica Collins. Ang swerte nya na nag iisang anak lang sya at kapag nagkataon sya lang ang magmamana ng lahat ng kayamanan na meron sila.

Ako si Cinderella Houston. Ella ang tawag nila sakin, pwede rin namang Cindy, depende sa taste mo kung ano ang gusto mo!

Sobrang weird ng pangalan ko nu? Cinderella. haaayst! Sana nga katulad ako ng buhay ni Cinderella na in the end mahahanap ko rin ang Prince Charming ko at mailalayo ako sa pagiging katulong.

Kaso yun yata ang malabong mangyari. At isa lang siguro ang naging pagkakapareho ko sa istoryang Cinderella, yun ay pareho kaming katulong. Haaayst!

"Hoy! Ano Ella? Ano pa bang hinihintay mo? Ngayon na ang dating ng nag iisang anak nila kailangan na natin magluto!" Isa pang sabi sa akin ni Manang Letty.

"Ikaw talaga Manang, wag ka ngang high blood dyan. Ang aga aga sigaw ka ng sigaw, sige ka ikaw din tatanda ka lalo at dadami pa ang mga wrinkles mo sa mukha! Sige ka hindi kana talaga makakapag asawa." Pabiro kong sabi kay Manang Letty.

"Haay nako Ella tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo. Bumangon kana at magluluto pa tayo." Sabi ni Manang Letty sa akin.

Si Manang Letty ay matandang dalaga, alam nyo yun? Walang asawa! Naging matandang dalaga sya dahil sa pagsisilbi sa mga Collins. Nawalan na sya nang interest sa pag aasawa dahil masyado syang busy sa mansion. Nagsimula syang manilbihan dito siguro mga nung kaedad ko sya.

Waaa! May possibility kaya na hindi ako makapag asawa ? Paano kaya kung maging matandang dalaga din ako at dito na ako tatanda sa mansion na ito. Waaa! Ayoko! Huhu

"Ella ano ba? Tama na nga yang kakatitig mo sa sarili mo dyan sa salamin. Ang layo na naman nang nililipad ng utak mo eh!" Sabi ulit sa akin ni Manang Letty.

Kasalukuyan kasi akong nag aayos ng buhok ko para mamaya pagbaba ko. At kakaisip ko sa mapapangasawa ko ayun di ko napansin na nakatitig na pala ako sa salamin.

"Heto na po! Wag na pa kayong sumimangot dyan Manang." Sabi ko kay Manang Letty at saka ako tumakbo na pababa ng hagdan at saka ako dumiretso na sa kusina.

Okay naman ang mga Collins. Nakakapag aral ako dahil sa kanila. Yun nga lang kailangan kong pagtrabahuhan yung pag papaaral nila sa akin.

Masarap ako magluto kasi tinuruan din ako ni Manang Letty. Sya na rin kasi nag alaga sakin simula bata ako kasi maaga akong naulila

Nag ayos na ako sa kusina at nagsimula nang maghiwa ng mga ibang ingredients na kakailanganin para sa pagluluto.

Ngayon pala ang dating ni Veronica. The last time na nakita ko si Veronica ay ten years old palang ako nun. At ngayon I'm eighteen years old at malapit na ako mag nineteen years old.

Hindi ko sya masyadong close syempre laging may mga nakabuntot sa kanya na Yaya nya. Saka hindi yun hinahayaan na mag isa kasi natatakot yung Mommy at Daddy nya na mawala ang unica hija nila.

Sa wakas ay natapos na din ako sa pagluluto. Kaya ang kailangan kong gawin ay ihanda ang mga niluto ko sa mahabang mesa nila.

Inayos ko na lahat ng dapat ayusin sa kusina.

Napatingin ako sa mga niluto ko na nakahain na sa kusina.

"Ano? Ayos na ba lahat?" Sabi ni Manang Letty.

Napalingon ako Kay Manang Letty.

"Oo naman po. Ako pa :)" pagmamayabang ko kay Manang Letty.

Hehe. Sanay na ako sa mga gawaing bahay kaya naman easy nalang sakin ang mga ganun.

"Tara na! Andyan na sila." Yaya sakin ni Manang Letty.

"Okay po :)"

Sumunod ako kay Manang Letty at puwesto kami sa may bandang pintuan.

Sosyal talaga nila. May nakahanda pang red carpet.

Simula nung last time na nakita ko si Veronica ay simula nun ay sa ibang bansa na sya nag aral at nanirahan at ngayon lang ulit sya umuwi.

"Ang ganda ni Ma'am Veronica :)" naririnig kong sabi nung ibang katulong na nasa unahan ko.

Nasa dulo kasi ako kaya hindi ko pa sya nakikita.

Idinungaw ko ng konti ang ulo ko para makita ko si Veronica.

Pagkakita ko sa kanya ay namangha na ako sa taglay nyang ganda.

Yung buhok nya na medyo wavy na medyo nag rered yung kulay. Ang ganda rin ng hugis ng katawan nya na bumabagay sa suot nyang dress na kulay red din na mas lalong nagpatingkad dahil sa puting taglay nya.

Ang ganda nya nga talaga! Waaa! At as usual .. May mga alipores pa ring nakasunod sa kanya.

Wala nang bago dun kasi mayaman sya. At kaya nyang bilhin ang kahit anumang naisin nya kahit milyon pa ang halaga.

Napatigil sya sa tapat ko sa paglalakad. Bakit nya ako tinitingnan?

Napatingin ako sa lahat ng katulong. Lahat pala sila ay nakayuko.

Pagkatapos nun ay yumuko nalang din ako kasi naman di ako na inform na kailangan palang yumuko pag dumaan sya.

Saka masyado akong nag focus sa gandang taglay nya.

Yumuko ako at saka napataas ng tingin. Hindi pa rin sya umaalis sa tapat ko.

"What is your name?" Tanong nya sakin.

"Ella po Maam" sabi ko sa kanya.

"Okay! Ella! Come with me!" Sabi nya sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya at dumiretso na kami hanggang kwarto nya.

Naupo sya sa sofa na nasa loob ng kwarto nya.

"So? You're Ella? Right?" Tanong nya sa akin.

"O-opo! Yes! I am Ella." Sagot ko habang nakayuko pa rin kanya.

"Stand straight Ella. I don't want you to bow!" Utos nya sa akin.

Dumiretso ako ng tayo ko at saka napatingin ng diretso sa kanya.

At doon ko mas natingnan ng malapitan ang mukha ni Veronica.

Mas maganda pa pala sya kapag malapitan. She really got that beautiful face.

"Okay! Hmm .. You're the youngest maid here right? And your still studying?" Tanong nya sa akin.

"Ye-yes! Well-" sabi ko.

Waaa! Ang tsaket sa utak mag English!

"You can speak Tagalog. I can understand and also I can speak Tagalog. So no worries!" Paliwanag nya sa akin. "Well anyway. Kaya kita pinatawag kasi ikaw ang makakasama ko sa school kapag naglipat na ako!" Paliwanag nya.

Tumango lang ako sa kanya.

"Okay that's all! You can go!" Sabi nya sa akin.

Tumango nalang ako at saka lumabas ng kwarto nya.



















Modern Fairytale: Cinderella's GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя