Chapter 23.1 -- Kung pwede lang (Monthsary special)

2K 20 8
                                        

(A/N: HAPPY 4 months =))) At Happy 19k reads mga ka-SWADERS! Paalala lang po: Iplay nyo na po yung video sa side para di mag-buff. XD Play nyo ah? Para dama nyo! XDD 

Click the external link para sa One shot story -------> THANK YOUUU! :** ) 

DEDICATED KAY @HyacinthDacasin =)))) As requested! At dahil nakikita naman namin na talagang hinihintay nya yung updates! Ganun dapaaaaat! Mwehehe! We love you! Keep reading. Kays? :** 

PARA SA DEDICATIONSSSS =))) COMMENT LANG KAYO SA GUSTO NYONG CHAPTER NA OPEN FOR DEDICATION. Kays? LABYA! Hahaha. 

Chapter 23.1 -- Kung pwede lang (Monthsary special)

LJ's POV

"Hey LJ, ano na? What's your plan na dun sa booth nyo?" JULIET =____________= 

"It's Laurice, mga CLOSE FRIENDS 'ko lang pwedeng tumawag sa'kin ng LJ. Wala pa kaming idea, usapan nalang namin saka pwede bang sa'min nalang din si XIan?" UMOO KANG BABAE KA KUNG AYAW MONG PASAYAWIN KITA NG GENTLEMAN SA GITNA NG BERMUDA TRIANGLE! 

" Uh uh, I don't like. Lima naman na kayo ah! Ayos na yan."

Hindi 'ko na pinansin si Juliet at pumunta na sa grupo 'ko, kanila Gino. "Anong sabi ni Juliet at mukhang BV?" Tanya, yung bandmate ni Althea. First year college lang din sya yun nga lang iba course nya samin.

"Sabi 'ko kasi sa'tin nalang din si Xian hindi naman pumayag." sabay rolled eyes 'ko.

Namumuro na 'tong babaeng 'to eh, kanina lang nilagyan nya ng chewing gums yung upuan namin. Ang bait, diba? *Note the sarcasm, please* 

"Ano ng gagawin na'tin? Saka nasaan ba si Precious at JB?" Gino 

"May pinabili lang ako kay JB sa Cafeteria. Si Prey naman, hindi 'ko alam." 

Mukhang may problema nga si Precious pero ayaw nya lang sabihin. Ano naman kaya yun? *SIGH* Nag-aalala din kaya ako sa kanya. 

"Ah. Pag-usapan nalang na'tin pagbalik nila." 

"Mabuti pa nga. Tapusin nalang na'tin 'tong pinapagawa ni Juliet." Tanya 

Nag-shrug nalang ako, iniisip 'ko kasi si Prey.

Prey's POV

Calling...

Umma

"Bakit naman kaya?" *SIGH*

"Nae? Umma?"

(Kailangan 'kong pumunta sa Korea ngayon, anak. May ginawa nanamang kalokohan yung kapatid mo. Ibabalik 'ko na sya dito sa Pilipinas.) 

" Ah. Mabuti naman po, gusto 'ko na din sya makita." 

(Nako, Precious kailangan 'ko ng ibaba 'to. Baka maiwan pa 'ko ng eroplano. Mag-ingat ka ah? Sige, i love you.) 

*End of conversation*

*SIIIIIIIGH* 

(A/N: Play the video sa side para mas mafeel nyo. :> Minsan lang 'to kaya wag KJ. Mwehehe!)

"Oh? Mukha kang na-bankrupt ah." 

"JB? B-bakit h-hindi ka tumutulong sa grupo?" 

Isa pa 'tong lalaki na 'to! Isa pa sa problema 'ko. Bakit kasi minsan lang ako ma-inlove sa kanya pang impossible. >3<

Umupo sya sa harap 'ko."Ah may pinabili lang si LJ." Inangat nya yung bote ng Mogu mogu, favorite ni LJ. "Ikaw? Kanina ka pa hinahanap ni LJ. Anong ginagawa mong mag-isa dito?Nag-sesenti?"

Nginitian 'ko lang din sya, isang weak smile. Sa dami ng bagay na dumadating sa'kin na hindi maganda, weak smile nalang ang maipapakita 'ko sa kanila. "Senti ka dyan, hindi ah. Gusto 'ko lang mapag-isa."

"Ah, ganun ba? So, kailangan 'ko ng umalis?" 

"Hala, hindi! Sige ayos lang, dyan ka lang." Yung malapit sa akin, at yung malayo kay LJ. Sorry LJ, pero mas kailangan 'ko yung katulad ni JB. 

"Precious..."

"Hmm?"

"M-may problema ka ba?"

I sighed. 

"Meron." 

"Hindi mo naman kailangang ngumiti sa mga naka-paligid sayo para ipakita na okay ka kahit hindi naman. MAs nakakabigat kaya yan." 

Napangiti ako, yung hindi na pilit. KAILANGAN 'KO TALAGA SYA. 

"Kahit minsan pala seryoso ka din." Biro 'ko.

"Haha. Grabe ka, anong tingin mo sa'kin? Saka hindi lang naman ako ngayon seryoso ah. Seryoso kaya ako kay LJ." 

Silence... 

Silence...

Silence...

"Ikaw ba, Precious? Na-inlove ka na din ba?"

"P-paano mo ba malalaman kung love na nga talaga yun?" 

"Ahmmm... Paano ba?" Nilagay nya yung kamay nya sa ilalim ng baba nya. " Haha. Kasi hindi 'ko din alam eh. " Sabay tawa nya. "Madami na akong naging girlfriend pero wala lang naman sa'kin yun

" Ha? Bakit?" 

"Ah eto nalang... sasabihin 'ko nalang kung ano yung nararamdaman 'ko kay LJ... Yung lagi mo syang iniisip, kapag ngumingiti sya napapangiti ka din, kahit may gawin syang kabaliwan matatawa ka nalang, parang hindi buo ang araw mo kapag hindi mo sya nakikita tapos nagseselos ka pag may iba syang kasama. Haha! Meron pa pala... nagiging corny ka dahil sa kanya.

Parehas pala kami ng nararamdaman. 

Ako sa kanya. 

Sya sa iba. Sa bestfriend 'ko pa.

"A-ah." 

"Ano? Na-inlove ka na?" tanong nya ulit

"Oo." Ikaw. 

"Talaga?Ano? Gusto ka din ba nya?" 

"Hindi eh. May iba syang gusto. Hindi nya pa ng alam na may gusto ako sa kanya. Pero kahit naman malaman nya mukhang wala na talaga. " 

"Ah. Baka naman pag nalaman nya magustuhan ka na din nya. Ang tanga naman nya kung hindi! Maganda ka naman saka mabait..." Napangiti nalang ako. SANA NGA JB, SANA NGA. 

"PREY"

"L-laurice..."

"Kanina pa kita hinahanap eh.  Saka akala 'ko kung sino yung kausap mo si JB boy lang pala." tumingin sya kay JB. " Mogu-mogu 'ko?"

Nginitian sya ni JB at tumayo. "Eto na.. babalik ka na ba?" 

"Oo. Ikaw, Prey? Halika na." Hinila nya ako patayo at sinabit yung braso nya sa akin. " Salamat nga pala JB." 

"Wala yun basta ikaw."

*SIGH* 

"Ayos ka lang ba, Prey?" 

"H-ha? O-oo naman. A-ayos lang ako." 

Sana nga. Kung pwede lang...

(A/N: WUSHUUUU! Happy four months guys! At dahil 24 ngayon meron kaming 'Monthsary special' may part two pa po ito pero bukas nalang. ^^ GinRice naman sya! VOTE, COMMENT, and SPREAD! Thank you so much for reading =))))) -ZANEA2121 :**)

Started with a DAREOnde histórias criam vida. Descubra agora